Darating din yung araw na ako din yung magmamakaawa
Ako din yung pipilit sayo na wag kang lilisan
Dahil napagtanto kong ayaw na kitang mawala
Habang nakatingin ka lang na parang walang pangakong binitawan.Alam ko naman eh,
At doon ako natatakot
Ayokong mabuhay ng miserable
habang sa mga mata mo, wala ng mabakas na lungkot
Hinihiling na sana pala di kita isinantabi,
Na dapat hindi ko pinaramdam sayo ang poot.Sana tayo nalang ulit
Kasi hindi ko na matantya kung hanggang saan ko kaya,
mga kutsilyong tumutusok sa puso ko na dahilan ng sobrang sakit
Dahil umaasa pa rin ako na gusto mong maging tayo pa
At nanunuot pa din sa dibdib mo yung hapdi at paitSiguro nga wala na talaga,
kasalanan ko, malinaw naman diba
Iniwan kita kasi hindi na ako natutuwa
Bigla akong namanhid at nawalan ng pandama
Sayo, kasi pakiramdam ko gusto ko ng bago.
Hindi bagong tao, ngunit panibagong tayo
Taliwas sa naiparamdam ko sayo
Akala mo sa iba ako'y mayroon ng gusto
Ikaw lang po, hanggang ngayon walang nagbago
Pero alam ko naman eh,
Alam na alam ko na
Hindi na talaga! AN/gela
Sinulat ko yan habang nagdradrama ako, I was in the state of moving on that time, w/c only lasted for a day i think. Hahahaha yes, we're OA. Ako lang pala atleast i've got my inspiration to create this kind of output, honestly may nauna na ditong poem kaso nabura ko. Aww move on ulit ako. Jukk. Byes 💕
BINABASA MO ANG
Para Sayo
Poetrythese are my masterpiece tuwing may pinagdadaanan ako. so basically, they are based on true feelings, true to life ganern