Ito ay isang maikling tula lamang na inaalay ko para sa isang tao na nagustuhan ko kahit na paulit ulit na kami ay nag aaway at nag sisimula muli sa umpisa.
***
Nang makilala kita
Simulan natin sa pinaka una
Unang pag kakakilala
Unang pag uusap
Unang kulitan
Unang lambigan
At unang pag aawayHindi ko malilimutan ang unang beses na tayo ay nag kakilala , ung nakilala kita sa isang grupo, grupo na pinasok ko na kahit Hindi ko alam ang kahihinatnan nito ay pinag patuloy ko.
Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak ko ng panahon na yon ngunit alam ko sa isip, puso at sa sarili ko na masaya ako, masaya ako na nakilala kita, masaya ako na naka kausap kita,at masaya ako sa kung ano ang turigan natin,
Oo inaamin ko sa sarili ko minsan na akong nag kamali pag kakamali na lagi mong iniintindi pag kakamali na lagi nalang ikaw ang nakakaramdam kaya mahal patawad, patawad kung lagi kitang inaaway, patawad dahil walang araw na lagi nalang tayong nag aaway, patawad dahil sa mga pag kakamali ko ngunit sa kabila nito ay handa mo parin tanggapin ang lahat ng pag kakamali ko Hindi man ako perpekto pero masaya ako sa kung anong meron tayo sa ngayon.
Lumilipas ang panahon ngunit Hindi pangmatagalan ang lahat na ang lahat ay may hanganan at may katapusan na sa banda huli ay may maiiwan at mag papatuloy batid Kong tila gusto mo nang sumuko ngunit ako to si ako na pinag papatuloy parin ang laban, lumalaban sa pagitan ng digmaan na kahit alam Kong ako nalang mag isa ay patuloy parin akong lumalaban na kahit na wala na akong bala ay handa parin ako sumugal maibalik lang ang dating samahan na tila nang lalamig sa bawat isa.
Naalala ko ng panahon na sinabi mo saking gusto mo ko labis ang tuwa ko ng oras na yon walang pasidlan ng tuwa saking nararamdaman ni Hind ko alam ang aking gagawin, aking nararamdaman basta ang alam ko ay masaya ako, masaya ako sa nararamdaman mo para sakin ngunit tila iba nga ang tulak ng iyong bibig sa iyong ikinikilos.
Pero oo inaamin ko sa sarili ko na gusto kita handa akong sumugal para sayo kaya Kong ibigay lahat ng gusto mo mapasaya ka lang ngunit minsan nang sumagi sa isipan Kong isa akong mahinang babae na kayang ibigay ang lahat lahat mapasaya ka lamang ngunit Hindi kayang mag tira para sa sarili gusto kita ngunit ayaw Kong sumugal sa isang relasyon na alam Kong ako ang maiiwan at masasaktan sa bandang huli.
Dahil ang tayo na sinasabi mo ay Hindi magtatagal ay matatapos at maiiwan ang isa sa pangakong na tayo haggang huli ay Hindi mag tatagpo at magiging ikaw at ako nalang sa bandang huli ng meron tayo sa nakaraan.
***
Salamat sa mga bumasa ito ay binsase ko sa nakilala ko lang
PS.pasensiya kung masyadong mabilis ang dalos ng poem
BlackSnowHell
YOU ARE READING
Nang makilala kita
Poetrysimpleng tula na iaalay ko sayo Simula ng landas natin pinag tagpo Simula sa unang tamis haggang sa huling sakit ng ating pinag samahan tayo ay nag salo sa unang taludtod haggang sa huli baon ko ang huling samahan. *** *blacksnowhell