Stupid...

102 5 6
                                    

"Break na tayo..."

Break na tayo...

Break na tayo...

Break na tayo...

Break na tayo...

Break na tayo...

BULLSHIT. Sige ulit-ulitin pa. Ang saya diba? Ako na nga nanligaw, ako pa brokenhearted. Oo, babae ako, nakakahiya mang aminin, pero ako yung nanligaw. I'm the one who gave the effort. Bakit? Kasi ang lakas ng tama ko. Kasi na-inlove ako. Kasi ang tanga-tanga ko. Kasi naniwala ako sa happy ever after. Akala ko kasi, sya na yung prince charming ko. Akala ko kasi kami na talaga. Akala ko kasi..... okay na lahat.

Ang sakit. MASAKIT. Ewan ko ba kung bakit sobrang nadurog yung puso ko nung nakita ko na may iba syang kasama, nung nalaman ko na may iba syang mahal, eh ako lang naman yung nagpumilit na mahalin nya ko. Ako lang naman yung nageffort para mabuo yung relasyon na inaasam ko, Ako lang naman yung nangarap para saming dalawa, at Ako lang din naman yung nagmahal.

Ang tanga tanga ko lang kasi. Kung bakit ba naman ako nagbulag-bulagan kahit alam kong wala nang pag-asa. Pilit ko lang siniksik yung sarili ko kahit alam kong wala na kong lugar. Hirap na hirap na ko pero sinagad ko pa din yung sarili ko. I'm slowly dying in front of him pero wala pa din syang pake. Wala man lang syang emosyon nung naghiwalay kami, wala akong nakitang bakas na minahal nya ko, lalo nya lang ipinamukha sakin na ako lang yung nagmahal. Kasi naman, alam naman naming wala talagang patutunguhan yung relationship na to, ako lang talaga ang nagpupumilit.

Highschool kami nung nagsimula lahat. Oo, sobra ko syang minahal. Nainlove ako agad sa kanya. He's my first love, my one and only man, ang tanging lalaking nagpatibok sa puso ko, yung lalaking pinaglaanan ko ng oras kahit gabi na ko umuwi, yung lalaking binigyan ko ng effort ko, yung lalaking nagpapangiti sakin  kahit anong sakit ng mga pinaggagawa nya. Sya yun, yung lalaking walang mali sa mga mata ko. Kaya naman, kinapalan ko yung mukha ko. Oo, ako yung nanligaw, sinigaw ko sa lahat kung anong nararamdaman ko, tsaka tinanong ko sya ng harap harapan. At ang sagot nya sakin;

"No way. You're not too good for me." 

Masakit pero tinanggap ko. Pilit ko pa din syang hinabol. Araw-araw, sinusundan ko sya. Araw-araw, ko syang tinatanong, kinukulit.... hanggang napagod na sya at sumuko. Sinagot nya na ko. Alam nyo bang yun ang pinakamasayang araw ng buhay ko kahit alam kong di galing sa puso yung "OO" nyang yun, kahit alam kong napilitan lang sya, kahit alam kong naawa lang sya sakin.

I tried my hardest para mapansin nya lahat ng effort ko. I gave him lunch everyday para masigurado kong di sya nagugutom. Alam kong tinatapon nya lang yun, but at least I tried. Ang tanga ko, diba? Inubos ko na lahat ng luha ko para mapansin nya ko. Wala pa din ako para sa kanya. He didn't even cared to introduce me to his parent. Para sa kanya, I'm just a bitch following him around like a lost puppy. Masakit ba yun? Syempre hindi. Natuto na kong magpakamartir, magpakagago at magpakatanga para sa kanya. Wala na kong nararamdamang sakit kahit ipinagtutulakan nya ko palayo.

Isang araw nga tinanong ko sya, "Kung mabuntis ako, pananagutan mo ba?" at ang sagot nya sakin, "Ipalaglag mo.". Masakit yun sa side ko pero anong ginawa ko? Ipinalaglag ko yung bata. Oo, nabuntis ako nung naging kami. Tuwing lasing sya, may nagyayari sa amin. Rape daw yun sabi nila, pero para sakin, di yun rape kasi mahal ko naman sya. Hindi man lang akong nanghinayang na ipalaglag yung bata. Wala akong naramdamang ni katiting na guilt at sakit. Sabihin nyo mang, isa akong iresponsableng ina, kriminal ako, kasuka-suka akong babae, pero wala akong pake. Ang alam ko lang, MAHAL KO SYA at gagawin ko lahat para sa kanya.

Stupid...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon