Simula nung nakilala kita
Nakaramdam ako ng saya
Saya na ayaw kong matapos pa
Saya sa bawat kasama kita.Hindi pa man tayo non
Gusto ko ako lang ang gustuhin mo
Wala pang label pero gusto ko akin ka lang
Pag kasama kita feeling ko safe ako.Ikaw yung tipo ng lalake na bad boy kuno
Pero ako , papatinuin kita
Sa paraang alam ko
Balang araw dadating din tayo sa punto na tanggap na nila tayo.Hindi na sila tututol
O hahadlang
Yung tipong susuporta na lang sila kasi napatunayan na natin sa kanila.Darating sa punto na mauubos na lang mga pang huhusga nila
Susuporta na lang kase nakikita naman nila na masaya tayo sa isa't isa.Hanggang dumating yung araw na pinaka hihintay nating dalawa
Yung sasabihin ko at maririnig mo na yung "Oo" na mula sa akin.Ito na yun Isang Buwan na tayo
" Sabay natin tutuparin mga pangarap natin ng mag kasama "
Yan yung salitang binitawan mo na hindi ko maka limutan sa lahat.Yung tipong may pangarap ka na agad sa future naten
Wala man sayo lahat ng gusto ko sa lalake
Pero ikaw , Ikaw yung gusto kong makasama sa pagharap sa ALTAR!Naalala ko tuloy yung sinabi mo sakin na " Papakasalan pa kita "
Nabigla ako non ,
Ikaw yung tipo na kahit sa maliit na bagay sumasaya ako.Bakas sa aking mga mata ang magagandang kinang nito
Na parang bituin
Pag tayong dalawa ay mag kasama.Iba ang saya ng aking mga mata
Kapag ikaw ang kasama
Iba ang dating ng lakas ng aking dibdib
Kapag ikaw ang kasama.Nasanay na kong nanjan ka
Nasanay na kong palaging kasama ka
Nasanay na kong ganto tayong dalawa.Natatakot ako kase baka pag katapos nitong Isang Buwan
Mag bago lahat
Ayoko , Ayoko umabot sa puntong iyon
Sa puntong kinakatakutan ko.Hindi tayo matatapos sa Isang Buwan lang
Tatagal tayo!Hindi naten gugustuhing matapos na lang bigla ang relasyon na ito
Parehas tayong kakapit hanggang dulo!Hindi tayo maniniwala sa iba
Papakinggan naten ang paliwanag ng bawat isa
Hindi tayo gagawa ng ikakasira naten
Mas ipapatibay naten ang relasyon na ito!Panghahawakan ko yung mga pangako naten sa isa't isa
Yung mga binitawang salita nateng dalawa.Pareho tayong kakapit dalawa
Sana ganun din ang gustuhin mo.Hindi man ako si " Basha " ng
" A Second Chance " pero sana mahalin mo rin ako katulad ng pagmamahal ni " Popoy " sa kanya.Sa dinami daming mga loveteam ang dumaan
Nakilala , at Sumikat
At hanggang ngayon sila paren talaga!Sana maging sina " Popoy at Basha " ren ang relasyon naten
Si " Popoy " na pinakita hanggang sa huli ang pag mamahal nya kay
" Basha "
At si " Basha " na napaka swerte na merong " Popoy " na sobra sobra siyang minamahal ng taos puso.Ang relasyon naten maraming pwedeng gustuhin , ihalintulad
na , Sana maging katulad nila tayo
Sana maging kasing tibay nila tayo!Parang yung mga paborito mong kulay na " Black , Pink atb. "
Black na matapang , kayang ipaglaban ang kulay nya hanggang dulo
Pink na mahiyain , pero malakas ang loob para lumaban!At ng mga Ulap , Bituin , Araw at Buwan
Na parang ikaw ,
Na kapag nakikita ko , kumu - kompleto ng araw ko.Na sa bawat pag kinang at pag labas ng mga Bituin kasama ng Buwan
Ay naaalala ko si " Malia " ng
" La Luna Sangre "
Na walang ibang hiniling kundi ang masambit ang mga linyang
" Hindi sa Tala sa Langit , Kundi sa Buwang naka silip , Ibigay ang Hiling ng matang naka pikit ".Pero ako ang tanging hiling ko lang naman eh
Sana pag tibayin pa ng aking mga hiling ang relasyon naten!Tapos si Kathryn B. sa Nescafe na tinanong kay DJ ang mga salitang "Sa Dinami dami bat ako?"
Eh ikaw bakit nga ba?
Baket nga ba Sa Dinami dami bat ako?