Prologue
“Peep peep!!!”
Sa gitna ng ingay ng busina ng mga jeepney at buhol buhol na trapik. Habang lulan ako ng isang lumang pampasaherong bus na binabagtas ang kahabaan ng Edsa.
Pansamantalang tumigil ang oras…
Bumilis ang tibok ng aking puso, pawang sa bawat tibok nito ay tila sasabog sa aking dibdib..
Sumisikip ang aking paghinga, sa kaibuturan ng aking puso, tila may sayang nadarama.
Napako ang aking mga mata, sa isang napaka- gandang dalaga…
Siya’y naka upo sa unahang linya mula sa kanan ng sinasakyan kong bus..
Daglian siyang lumingon sa likuran, na tila ako ang kanyang tinitignan.
Nagtagpo ang aming mga mata….
Sa sulyap niyang iyon, aking nadama kaharap ko na ang aking sinisinta, bagama’t hindi mo pa ako kilala, alam ko nang ikaw ang aking mapapangasawa…..
Bilungang mata, nagnining-ning habang siya’y nakangiti..
Mula sa malayo, tila may gusto siyang sambitin..
Lalong bumilis ang tibok ng aking puso, ng aking mabatid na siya nga ay nakatingin sa akin, ngunit dagliang nagbago ang reaksyon ng kanyang mukha na tila nababalot ng takot at pagkabahala…
Hindi ko masundan ang buka ng kanyang mga bibig, hindi ko maunawaan ang mga salitang kanyang binibigkas mula sa kalayuan…
“Peep! Peep!!!!!!!!!!!!!!!!!!”
“H’waggg!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!”
Dagliang ako’y nagkamalay sa paligid na kinagagalawan..
Nagkakagulo ang mga kasama kong pasahero sa bus…
Nang ako’y tatayo at lalapit sa kanyang kinalalagyan. Isang malakas na ingay ang tila nagtapos ng lahat mula sa aking likuran..
“Isang magandang dalaga ang aking nakita.. Bagama’t hindi niya pa ako kilala alam kong siya’y aking sinisinta..”
Ito na lamang ang huling tumakbo sa aking isipan bago magdilim ang lahat…………
Chapter 1
"DRAKE"
“”I’m breaking up with you!!!”
“What? You can’t do this to me.. Jane.. Please..”
“At bakit? Huwag kang umarte na parang 1 year tayo. Hello Drake, we’re just being together for 2 months. We dated for 3 days.. 3 days lang. Don’t you think it’s enough para magkakilala tayo?”
“But Jane, why are you breaking up with me? We can fix this sabihin mo lang anong dapat kong baguhin. I’ll try my best..”
“Oh come on! Don’t fool ourselves around, alam mong may boyfriend ako right? I’m just flirting up with you. You knew it at the first place. Walang emotional attachment right? I'm done with it, Sorry. You deserve someone better Drake. Wake up!”
“Jane, please…..”
~~oo~~
Okay! I admit it guys, parang telenovela ako maka drama everytime, my ex girl friends’ breaking up with me. Actually, hindi ko na nga sila mabilang eh.. 5 months lang ata yung nagtatagal.
BINABASA MO ANG
"THE CLAIRVOYANT"
Romance"What would you do if you can see the other person's future? And what if, that's person's future is you?.." Drake: "“Isang magandang dalaga ang aking nakita.. Bagama’t hindi niya pa ako kilala alam kong siya’y aking sinisinta..” Sara: "I knew him, b...