XI [He Called Me A... STALKER?]

2.8K 94 8
                                    



XI. HE CALLED ME A... STALKER?





Parang hangin lang na dumaan ang bawat araw.. I did not even notice how the time passed from day to night, kahit wala naman ako masyadong pinagkaabalahan nong bakasyon, pero feeling ko sobrang bilis tumakbo ng oras. Buong bakasyon nga nasa bahay lang ako nakatambay.. kain - tulog - simba - text. Yan lang ang paulit-ulit kong ginagawa. Hahah!

Simula kasi nong nagconfess ako kay Enzo at naging okay na ang lahat.. naging instant textmate na ulit kami. Kaya hindi ako masyadong nabored nong bakasyon, hindi tulad dati.. parang ang tagal-tagal kong hinihintay ang pagdating ng araw ng linggo para makita ulit si Sakristan Will.. kaya mas gugustuhin ko pang may pasok sa school dahil busy ako at hindi ko namamalayan ang pagdaan ng mga araw, pero ngayon nanibago ako, siguro dahil naging busy ako kakatext dito kay Sakris! Whahaha!

Just like before.. we've talk for hours each day, at kahit pasukan na.. we still find a time to talk in so many things kapag free cut class namin pareho. Update-update, kulitan, asaran, batuhan ng banat at pick-up lines, minsan kwentuhan at kamustahan for the whole day na ginawa namin, but so far naman.. he didn't open the topic about don sa feelings nya saken kaya naging kampante na ko, siguro narealize nyang infatuation lang talaga yung naramdaman nya noon.. at parang tulad lang talaga kami ng dati.


Ewan ko ba.. feeling ko, hindi kami paubos-ubusan ng mapag-uusapan, kahit minsan nonsense nalang, but I never feel bored kapag kausap ko siya, ang sarap lang kasi minsan asarin ng totoy na yun! Nyahaha! Hindi yata kumpleto ang araw ko kapag hindi ko siya inaasar, infairness naman kahit paano nakikisakay na din siya sa pangtitrip ko sa kanya kahit minsan, nagsusungit siya kapag napipikon.


Minsan, hindi talaga maiiwasan.. nagkakasalubong pa din kami sa daan, nakikita ko din siya palagi sa simbahan tuwing linggo, nagseserve na kasi ulit siya don sa evening mass na inaattend namin ni Mama. Ayun, ganoon pa din siya, suplado look don sa harap ng altar at palaging nakayuko. One time nga, kamuntik nya pa kong mahuling nakatingin sa pwesto nila! Sakto na sa kanya pa talaga napabalin ang mga mata ko. Goodness!

Napayuko talaga ako agad non, feeling ko nagblush ako at sobrang kinabahan to think na baka nahuli nya pa'ko! Actually, kay Sakristan Will naman talaga ako nakatingin eh, kaso hindi ko din maiwasan sulyapan siya dahil magkatabi lang naman sila palagi. Ewan ko ba.. sa tuwing mag-aangat siya ng tingin palaging don sa pwesto ko napapatingin yung mga mata niya. Kainis! Palagi nya nalang akong nahuhuli, baka akalain nya na talaga na siya yung palagi kong sinusulyapan don sa pwesto nilang mga Sakristan.

Hindi nga ba Julien? Kung noon si Will.. ngayon... si Enzo na?

WHUT? Hindi no! As in NEVER! Si Willson yung crush ko, at siya lang ang gusto kong makita tuwing Sunday dahil siya ang bumubuo ng 7 days a week ko. Napapasulyap lang naman ako kay Sakris kasi alam kong siya yung 'katext ko at kaybigan ko siya, kahit ako lang yung nakakakilala sa kanya.. saka, I wonder kung bakit parang yung Enzo na katext ko at yung sakristang nakikita ko sa harapan ng altar, sobrang magkaiba.. hindi mo kasi aakalaing na yung supladong Sakristan na yun, kaclose ko na at bespren pa.. sa TEXT? Natatawa nalang din ako kapag iniisip ko yan, I can't really imagine na nakikipag combo siya ng mga banat at pick up lines sa saken sa personal? Ingelesero pa! Nose bleed at Awkward!  >.<


"Julien!'

Napalingon ako at napatigil sa paglalakad nang makita sila Mitchie at Eriel na tumawag saken. Mga classmates ko. Patakbo-takbo pa sila papunta sa direksyon ko. Ang bilis ko yatang maglakad? Kanina lang nasa likuran ko sila habang nagchichikahan, medyo nauuna kasi ako maglakad palabas ng campus namin while texting .. magkatext kami ni Sakris. ^_^

Mr. SAKRISTAN [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon