Hanggang Sa Iyong Pagbabalik

49 1 0
                                    

Paaralan. Simbahan. Bahay. Ito lang ang mga lugar na kilalang kilala ni Aira. Napapagod na sya. Nagsasawa. Minsan nyang tinanong ang nanay at tatay nya kung pwede bang huminto na lang sa pag aaral at magbabakasyon na lang sya sa tiyahin nya sa Negros. Sobrang nagalit ang nanay nya at pinalo naman sya ng tatay nya. Masasakit ang mga salita ng kanyang ina. Masakit na masakit ang mga latay ng sinturon ng kanyang ama. Labindalawang taong gulang pa lang sya non at labis syang nagdamdam.
Kaya't tiniis nya ang nakakabagot na takbo ng kanyang buhay at patuloy na nag aral. Tiga Cagayan de Oro sina Aira at sa murang edad pa lang ay pinangarap nya ng makapunta ng ibang lugar. Lalong nag udyok sa kanya ang araw araw na pagdaan sa pier kapag pauwi na sya at ang araw araw na makita ang pagdaong at pag alis ng mga barko.
Kaya't nang minsang naiwan syang mag isa sa bahay araw ng sabado, nagdesisyon syang maglayas at magkaron ng sariling buhay. Sasakay sya ng barko bahala't wala syang dalang pera o anu pa man. Mabilis nyang tinakbo ang daan patungo sa pier at tamang tama namang marami ng pasakay ng barko.

Taong 1991 noon at hindi pa mahigpit sa pag mamata sa mga pumapasok ng barko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Taong 1991 noon at hindi pa mahigpit sa pag mamata sa mga pumapasok ng barko. Sumabay sya sa isang mag-anak at sa dami ng tao'y walang nakapuna sa kanya. Mabilis syang tumakbo papasok sa loob at nagtago sa ilalim ng isang deck. Sa ilang araw na nasa barko sya ay nanghihingi na lang sya ng pagkain pantawid gutom. Kahit gutom at mag isa, masaya sya. Masayang masaya dahil pakiramdam nya ay malaya na sya. Malaya sa dati nyang buhay. Lagi syang nakatanaw sa pagsikat at paglubog ng araw. Napakasaya nya.
Dumating ang araw ng pagdaong ng barko. Nagsibabaan na ang mga sakay nito. Si Aira naman ay palinga-palinga. Nasan ako? Naglakad sya ng naglakad. Naglakad pa ng naglakad. Bibilisan nya, tapos babagal. Tapos ay mabilis na mabilis. Kinakabahan sya dahil di nya alam san ang punta nya. Sumakay sya ng jeep. Bumaba sya sa isang lugar na di nya kilala at nang marinig na sumigaw ang driver dahil wala syang bayad, mabilis syang tumakbo. Nakarating sya sa isang lugar na maraming tao. Maraming tinda. Di sya nakatiis at nagtanong sa isang ale. "Nasan po ako?" "Nasa Divisoria ka. Nawawala ka ba?" "Opo. Ang Divisoria po ba ay nasa Maynila?" "Oo. Nasan ang mga magulang mo?" Saglit na nag isip si Aira. Pagkatapos ay umiling sya."Ha?Wala kang magulang?" "Opo. Kupkupin nyo na po ako." Matalim syang tiningnan ng babae mula ulo hanggang paa. "Naglayas ka ba?" Namutla si Aira at mabilis na tumakbo palayo sa babae. Nang araw ding iyon, paikot ikot lang sa divisoria si Aira at isa pang ale ang nakakita sa kanya. Nang sabihin nyang wala na syang mga magulang ay agad syang kinupkop nito. Isa itong tindera ng mga damit sa divisoria at mag isa na lang sa buhay. Sa una ay mabait pero habang tumatagal ay nagiging mahigpit ito kay Aira at araw araw na syang pinapalo kahit sa mga maliliit na pagkakamali. Hanggang sa minamaltrato na nga nito si Aira. Madalas na ikinukulong sa loob ng barung-barong. Naging malagim ang buhay ni Aira at namulat sya sa magulong mundo ng bahaging iyon ng iskuwater.

Madalas ang pag iyak nya sa gabi pagkat nagulila sya sa kanyang tahimik na tahanan sa probinsya kung saan gabi gabi ay nagkukwentuhan at nagtatawan sila ng kanyang mga kapatid at minsan pa ay sumasali ang kanyang nanay at tatay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Madalas ang pag iyak nya sa gabi pagkat nagulila sya sa kanyang tahimik na tahanan sa probinsya kung saan gabi gabi ay nagkukwentuhan at nagtatawan sila ng kanyang mga kapatid at minsan pa ay sumasali ang kanyang nanay at tatay. Nangungulila sya sa masarap na pagkain, sariwang hangin, malawak na daang araw araw nyang tinatakbo, mga punung kahoy na inaakyat nya. Salungat ito ng kasalukuyan nyang buhay. Higit sa anupaman, nangungulila sya sa kanyang ama at ina. Nangungulila sya sa kalinga ng mga ito. Oo at nakakagalitan sya minsan, subalit iyon ay upang maitama ang kanyang pagkakamali. Ngunit hindi nagkulang ang mga ito na ipadama sa kanya ang kanilang pagmamahal. Labis syang nagsisi.

Dalawampung taon ang nakalipas, taong 2017

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dalawampung taon ang nakalipas, taong 2017. Hindi na nga nakapag aral si Aira. Isa syang labandera. Nakapangasawa sya ng isang street vendor na naninirahan din sa iskuwater. Mabait ito at mahal na mahal sya. Namuhay silang magkasama at nagkaroon ng dalawang anak. Mahirap lang sila at araw-araw na problema ang pera. Sa kabila ng lahat, patuloy pa ring nangangarap si Aira na makauwi sa kanila at makahingi ng tawad sa kanyang mga magulang. Idinadalangin nya palagi ang mga ito. Pinag iipunan nya ang pamasahe pauwi subalit hindi pa rin sapat. May mga panahong kailangan nyang gastusin ito dahil sa mga di inaasahang pangyayari. Lalo't pinapag aral nya ang mga anak. Ayaw nyang matulad ito sa kanya. Gabi gabi ay nakadungaw pa din sya sa labas ng kanyang bintana at nag babalik tanaw sa kanyang buhay sa Cagayan at iniisip ang kaginhawaang malamang ay tinatamasa nya ngayon kung nakinig sya sa kanyang mga magulang. Madalas nyang ikwento ang dating buhay sa mga anak at maging ang mga ito ay umaasang makauwi sila ng Cagayan. Mag-aaral daw sila ng mabuti para makapag ipon ng pamasahe. At labis ang saya ni Aira sa kagustuhang iyon ng mga anak nya.

Batid nyang hinahanap din sya ng kanyang pamilya at nangungulila ang mga ito sa kanya. Nararamdaman nya yon. Madalas nya ding napapanaginipan sa gabi na umiiyak ang kanyang ina habang sinasabi, Antayin ko ang pagbalik mo nak. Mag antay lang kami.

Mahalaga ang nakikinig sa mga magulang

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Mahalaga ang nakikinig sa mga magulang. Alam nila kung ano ang mas nakabubuti satin lalo sa mga sitwasyong di pa natin kayang magdesisyon para sa ating mga sarili. May mga pagkakataong magagalit sila, mauubusan ng pasensya ngunit yun ay dahil may pakialam sila satin. Dahil mahal nila tayo. 😊

"The Pillar and the Light" : A giftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon