Readers,
All of my stories may be quiet boring and uninteresting. Siguro dahil inaayon ko lang sa kung ano ang nararamdaman ko. Ang sabi nila, you couldn't make a one story/piece of chapter if you hadn't experience that. Sabi din nila, dapat may first hand ka muna bago mo maexpress sa iba ang dapat mong ipamahagi.
Siguro may parte sa kwentong ito na halos kamukha ng kwento ni Raphael and Abby. Nagpanggap at pinaniwala ang iba. Pero isipin natin, diba tayo madalas din naman tayong magpanggap? We pretend that we are okay and we are fine, but deep inside--nasasaktan tayo.
Siguro hindi lang ako magaling magpamudmod ng emosyon pero gusto kong sabihin na, gusto kong palawakin ang isip ng lahat. Gusto kong imulat ang lahat sa reyalidad. Hindi man eksaktong nangyayari sa totoong buhay ang mga senaryo pero yung araw na mapupulot natin, alam ko hindi lang sa libro natin mababasa. Pwedeng makapulot tayo ng aral sa mga kaibigan, kakilala, kamaganak, magulang o miski sa mga kaaway natin.
Una palang naman, palagi kong sinasabi sa inyo na masaya ako kung ano ang kayang ibigay niyo. Hindi ako naghahanap o kahit na ano. Kasi dito ako masaya eh.
Yung nabasa kong comments sa notification ko kagabi. Honestly, medyo pinanghinaan ako. Pero ang sabi ko, Rejection is the best aphrodisiac. Naisip ko, may mga taong ayaw sa kwento at may mga taong gusto. Kaya sabi ko, ba't hindi sila ang imirror ko sa kwento? Ba't hindi sila ang gawin kong inspirasyon?
Guys, ayos lang naman sakin kung hindi niyo bet. Ganoon talaga ang buhay, hindi lahat ng bagay sa mundo ay maganda sa paningin ng lahat. Para lang yang bestida sa mall. Iisang disenyo pero magkakaiba sa paningin natin. Nang umpisahan ko ang pagbubukas ng sarili ko dito sa watty, inihanda ko na ang sarili ko na humarap sa iba't ibang klase ng tao. Kaya naiintindihan ko kayo. Kaya naman, kung sa tingin niyo ay may dapat iimprove gagawin ko ang makakaya ko para gawin 'yon. Sa ngayon, ito na muna ang kaya ko. Baka kapag mas natuto pa ako ay mas marami akong magawa at maibahagi sa inyo.
Maraming salamuch po
Ai:)
BINABASA MO ANG
GENTLEMAN Series 14: Ruth Rosales
General FictionGENTLEMAN series 14: Ruth Rosales Ruth was lost after a blast of tragedy happened in his family. Scandals poured in and wrong speculations flashed on the television. Nasira ang mga kabuhayan ng pamilya nila. And it took so many years before they r...