Chapter 10

10.6K 167 5
                                    

Chapter 10:

MAAYOS na ang sofa nang magising ako kinabukasan. Walang bakas ni Lordan. Parang panaginip o ilusyon ko lang ang nangyari kagabi. Baka naman hindi talaga siya natulog dito...

Marahas na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ko napagdesisyunang tumayo. Kinuha ko ang cellphone ko na nasa ilalim ng unan.

Napangiti ako nang makita ko ang wallpaper nito. It's a picture of me and Miley. Parehas kaming nakanguso dito. She requested the pose. Siya pa nga mismo ang nag-set ng wallpaper ko. Matalino ang batang 'yon pagdating sa gadgets.

Nadaanan ng mata ko ang status bar sa itaas ng screen. May symbol doon ng mensahe. May nagtext sa akin. Agad kong pinindot iyon at dalawang text ang bumungad sa akin. Una kong binuksan ang isang mensaheng galing sa numero na nagtatapos sa 168.

Hi, big sis! It's me, your Miley.😊

I smiled. Agad kong sinave ang numero niya sa phonebook ko. I saved 'Baby Miley' as her name. Inilagay ko rin ang picture naming dalawa na nakangiti sa contact photo niya.

I typed a reply. Oh, hi Miley! How are you?

Sunod kong binuksan ang mensahe ng isang numero na nagtatapos sa 143.

Hi Autumn. It's Miley's dad, Henry. Remember me? I got your number from Miley. She missed you already. Gusto ka na ulit niyang makita. Kailan ka pwede? :)

Sinave ko muna ang number niya bago ako nagreply. I replied 'I don't know. I'll just text you.'

Muli na naman akong napasimangot nang maisend ko na ang mensahe ko para kay Henry. Hindi na nga pala ako pwede lumabas. Paano ko makikita si Miley? I sighed. Bakit ba kasi ang gulo ng utak ng Lordan na 'yan? Nakakainis siya.

Naligo muna ako bago bumaba para mag-almusal. Malamyang-malamya ang bawat hakbang ko.

Naglalakad na ako pababa ng hagdan nang bigla kong maramdaman ang pagkahilo. Pakiramdam ko umiikot ang paligid. I closed my eyes. Napahawak na rin ako sa railings ng hagdan. Pakiramdam ko ay matutumba ako.

"Lady, are you okay?" Lumapit ang isang bodyguard sa akin. Iminulat ko ang mga mata ko pero muling umikot ang paligid ko. Hindi sinasadyang napahawak ako sa bodyguard. It's Scorp. Kahit nakasalamin siya, alam kong siya 'to. "Lady, hey, are you okay?"

Sinubukan ko ulit imulat ang mga mata ko. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa braso ni Scorp. I can't take this pain. Argggh! I want to shout. Sobrang sakit.

"S-scorp, ang sakit." Daing ko. Hindi ko na kaya! Parang binibiyak ang ulo ko. Fuck this pain! "Aaaaaaargh!" I screamed.

Naramdaman kong umangat ako. May mga brasong nakahawak sa likod at hita ko. I opened my eyes and saw Scorp carrying me.

"Stop the pain. Please?" Hindi ko napigilang hindi mapaluha. The pain is unbearable.

"Don't cry, Lady. I will call Manang. Pupunta tayong ospital."

Mabilisan niyang hinakbang ang daan papunta ng kusina. Mabibigat ang paghinga niya dahil siguro sa kaba. I can also feel that he's tensed.

Another wave of pain come to me. Pumikit ako ng mariin na mariin. "Aaaaaaah!"

Unwanted Pleasure(MontelloSeries#2)[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon