* I CRUSH YOU
I dedicate this story to Mals. heheh eto na po yung story mo.
Marahil ay nagtataka kayo kung bakit ganyan yung title. Ako mandin ay nagtataka bakit nga ba?hehehe ganito kasi yun diba I WAKO YOU, I LOVE YOU, I NEED YOU, I WANT YOU, and I HATE YOU. Eh pano naman pag-crush? eh di I CRUSH YOU...hahahaha lols. :D
Si Miss Sharinaku nga pala yung nakaisip nitong title(Brainless noh? Uy hindi sya yung story nya kayo naman wag masyadong green) joke lang.
Tama na ang satsat eto na yung story. Ang ilan sa mga eksena ay nangyari sa totoong buhay. *0*
.............si MYLIE-------------------------------->
HAPEE READING.........
Sa highschool nagsisimula ang lahat. Harutan, kulitan, at kalokohan.
First love, First heart ache pero kahit anumang problema ang pagdaanan may mga kaibigan ka pa rin na handang damayan ka sa lahat ng oras.
Mylie is just an ordinary girl na nagkagusto sa isang campus big star. Ginawa nya ang lahat para mapnsin sya nito. Pero ang tanong magtatagumpay nga ba sya?
Find out what will happen to her. Magkakatuluyan ba sila ni crush o magigins isang nightmare ang kanyang highschool?
-----------------------------------------------
"Kainis naman oh!" reklamo ni Mylie.
Andon lang naman sila sa labas ng classroom nila; nakaluhod at nakataas ang kamay na parang Hallelujah! Oh praise the Lord ang drama nila.
"Eh kasalanan mo rin naman 'to eh!' sagot naman ni Bree.
"Oh bakit naman ako? Ako ba yung nag-drawing nung portrait ni Sir? Diba ikaw?!" sagot naman ni Mylie at nanlilisik pa ang mga mata.
Oo napunish sila. Umagang-umaga eh pinarusahan na agad sila ng teacher nila. Kasalanan din naman nila naturingan pa namang !st period nila yun kung ano na agad ang mga pinaggagagawa.
*flash back*
"Good morning class!" bati ng teacher.
"Good morning Sir!" tinatamad na bati ng mga estudyante.
Ano pa ba ang aasahan nyo? Class 3D yan. Hindi na nga matalino tamad pang mag-aral.
Binatukan ni Bree si Mylie na walang pakundangang natutulog kahit pa nandon na yung teacher sa harap.
"Aray! Ang sakit non kala mo ha?!' galit na wika ni Mylie na pupungas-pungas pa dahil nga sa bagong gising.
"Friend, ito oh." wika naman ni Liana o Line sabay abot ng isang cup kay Mylie.
"Ano 'to?" naguguluhang tanong naman ni Mylie.
"Cup, diba obvious?" pabalang na sagot ni Line tsaka maarteng nag-flip ng hair.
"Gaga! Alam kong cup 'to di ako bulag noh! Ang akin lang para san 'to?"-Mylie.
Napabungisngis naman ang dalawa nyang kaibigan.
Ano'ng problema ng mga kaibigan nya? Naisip ni Mylie na ang sarap batukan ng mga ito.
"Friend ang laway mo tumutulo." wika naman ni Line na halatang pinipigil ang mapatawa.
TT_TT
Inis na inis na talaga sya sa mga ito.
Marahan na lang na yumuko si Mylie tsaka marahang pinunasan ng likod ng kamay nya ang kanyang mga labi.
"Wala naman ah?!" wika naman ni Mylie sabay pout.
Tinawanan lang sya ng mga kaibigan nya.
"'Ge ituloy nyo lang yan. Pag-uuntugin ko kayong dalawa dyan eh." naiirita na nyang sagot tsaka sya humarap sa kanilang teacher.
BINABASA MO ANG
Miss NOT so Perfect (I CRUSH YOU)
Teen FictionIt’s really hard to have a crush on someone whom everybody likes. Yon at yon lang naman ang problema ni Mylie. Pano kasi gusto lang naman nya ang gusto ng lahat at ang mas nakakainis snob si Crush eh pano sya mapapansin nito kung halos lahat ng baba...