Chapter 8
First Date
Pumasok ako ng school. Kahit ang bigat ng feeling ko. Nandun pa rin si Ana. Naghihintay sa puno. Nilapitan ko.
“Ana! Ui sorry talaga!.”, sabi ko.
“Okay! Apology accepted. Narealize ko nga kahapon. Nag phone call si Jessa sa kin. Nagsorry siya. Bati na tayo escort kong pogi pero sa Isang kundisyon.”, sabi niya,
“Anu yun”, sabi ko.
“Ako lang ang aakbayan mo at ng kung ano mang gestures. Ako lang ah! Ako lang!”, sabi niya.
“Oh sge na! Sge. Yan ang gusto mo. Hahah”, sabi ko.
“Okay!”, sabi niya. Niyakap niya ko.
Holding ulit kami. Tapos derecho na sa Classroom.
“Ana? Saturday bukas. At wala raw mga clubs. Gusto ko sana lumabas tayo.”, sabi ko.
“Ummmm. Okay. Ako rin! Gustong gusto ko! Pero anong ipapaalam ko.”, sabi niya.
“Alam mo naman yung white lies diba?”, sabi ko.
“Ummm. Okay okay. Try ko lang. Saan naman tayo magdedeyt? Haha.”, sabi niya.
“Sa Glorietta. Oo, sa Glorietta. May surprise ako sayo.”, sabi ko.
“Sige! Sige!. Kita tayo sa may Wendy’s Gil Puyat.”, sabi niya.
“Okay Aasahan ko yan”, sabi ko.
Pinaghandaan ko talaga yung araw na to. Pambawi ko to aky Ana. Gusto ko bumawi sa nagawa ko sa kanya. Buti nga binibigyan niya pa ko ng chansa. Pero diba ganun naman talaga pag mahal mo yung isang tao, tatanggapin mo at tatanggapin yung kamalian niya, kasi nga mahal mo siya. Pagkauwi ko ng bahay, tinignan ko yung piggy bank ko. Ipon ko to simula last year. Nag-iipon lang ako para kung may gusto akong bilhin, mabibili ko. Pero siyempre ngayon may date ako. Dapat may pera ako. Punong Puno na yung piggy bank ko. Binasag ko na. Pagkabilang ko, wow! 10,148. Puwede na to, sobra pa nga ee. Napangiti ako. Sana magustuhan niya yung mga ibibili ko sa kanya bukas. Maaga akong humiga sa kama para matulog pero di ako makatulog. Halatang excited.
Kinabuksan
Gumising ako ng maaga. Naghanda ako. Nakakasabik na nakakakaba, first time namin magdedeyt. Nagbihis ako ng maayos. Inayos ko na buhok ko tulad nung kay Daniel Padilla. Ginamit ko yung pinakabago kong polo. Ayun handa na ko. Tinext ko si Ana.
Papaalis na sana ako ng bahay ng makita ako ng nanay ko.
"Oh Anton! San ka papunta? Bat ganyan ang ayos mo?"
"May bibilhin po kami para sa project namin, magkikita po kami sa MOA", nginitian ako ng mama ko.
"May ka-date ka lang eh", pano kaya nalaman ni mama.
"Wala ma. Wala pa sa mga plano ko yun."
"Talaga lang ha. Sige ingat ka.", hinalikan ko si mama tapos paglabas ko ng gate, dali-dali akong tumakbo. Tumakbo ako haggang makarating ako ng kalye ng Taft Avenue. Iniisip ko kung ano yung mga mangyayari. Papunta na ko ng bangketa ng biglang.
BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEP
May malakas na busina akong narinig.
"Ui Bata! Muntik ka ng mabangga. Mag-ingat ka sa susunod! Wala ka sa Luneta para maglakad ng ganyan.", nagalit yung driver ng truck. Sa sobrang pag-iisip ko, muntik na ko mabangga.
"Kuya pasensya po. Nagmamadali lang po.", tumakbo ako papalayo at pumunta sa Wendy's. Nakita ko si Ana na nakaupo sa isa sa mga silya. Pumasok ako.
BINABASA MO ANG
Puppy Love (Ongoing Series)
RomansaSabi nila, hinding hindi mo malilimutan ang first love. Kadalasan yung first love mo, nararansan mo sa mga panahong bata ka pa. Nadidiskubre mo pa lang ang pag-ibig. Ito ang istorya ng dalawang batang magkakakilala sa hindi inaasahang panahon.