"Katulad nga ng sinasabi ko kanina, pag usapan nyo munang dalawa hindi yung basta basta kayo nag bbre-"
Napatigil ako sa pagsesermon sa kaibigan kong si Kane ng mapansin kong busy sya pag tetext.
Napangiwi ako, kanina pa ko salita ng salita dito tapos busy sya kakatext?!
"bati na kami Clio" sabi nya sabay tumingin sakin habang nakangiti.
Pinaninggitan ko sya ng mata. Pasalamat ka talaga kristina kaibigan kita!
Kanina kasi, nagmamaktol sya dahil mag kaaway sila ni Justine. Boyfriend nya na kaibigan ko din. Well, tatlo kaming magkakaibigan, sya ako si justine, simula palang nung Grade7 kami di na kami nag kahiwa-hiwalay hanggang sa nag iba ang status nilang dalawa, from Kaibigan naging Ka-ibigan. Ako lang talaga ang napag iwanan, wala naman ding kaso sakin kasi 17 palang ako at 18 na sila pareho.
"Salamat sa Speech mo sakin!" natatawang sabi nya
"Wow kane! Hinayaan moko magsalita dito ng ilang minuto,
Alam mo bang ilang laway ang nasayang sakin ha?" Sermon ko sa kanya."Osge ano bang gusto mong kainin at ililibre nalang kita" nakangiti nyang saad
"Wag mokong daanin sa gan-TARA! IMcdo mo ko. " Alam talaga nya kung saan ako mahina, kaya madali ko syang napapatawad.
Hinihintay namin si james na kasalukuyang nasa Library upang gumawa ng ibang gawain na hindi nya pa natatapos sa isa naming subject, sya daw manlilibre sakin. Mamumulubi ka james, humanda ka.
Habang naghihintay kami sa canteen, nakarinig ako ng bulungan galing sa grupo ng mga babae sa gilid namin habang impit na kinikilig. Isang sitwasyon lang naman ang dahilan kung bakit ganto sila.
Iginala ko ang mga mata ko at tama ang hinala ko. Patungo sa direksyon namin ang ang SSG President nasi Apollo Claude San Miguel.
Bakit sya tinitilian? Bukod sa SSG President sya ay Gwapo din sya. Oo gwapo, hindi lang gwapo, matalino, responsable matikas ang katawan mdyo kaputian, pero sya din yung taong napakatahimik. Yung tipong, para bang hindi sya magsasalita unless kinausap mo sya or, may importante syang kailangan sabihin. Hindi ko pa nga nakikitang nagsasalita yan, hahaha. Alam nyo naman yung ibang babae, gustong gusto yung mysterious type na lalaki. Well, nagkacrush ako sa kanya pero nawala din.
Nagulat ako ng tumingin ito sa akin,
Agad akong umiwas ng tingin, hanggang sa makalagpas sya sa amin. Nakakahiya, baka kung anong isipin nya."Uy tinignan ni Mr.President, natunaw kaba Clio? Hahaha" Pang aasar sakin ni Kane. Umiling nalang ako.
Natanaw na namin si James na mdyo magulo ang buhok, napatawa naman ako ng mahina.
"Parang nirape naman yung boyfriend mo" Mahina kong sabi kay Kane na dahilan din ng kanyang pagtawa
"Nirape ng Libro" sabi ni kane na naging dahilan din kung bakit ako natawa
In short sabay kaming nagtawanan habang papalapit si James.
"Oh anong nakakatawa?" Tanong ni James.
" Wala naman, napogian lang ako sayo. " Saad ni Kane.
"Ehem, magbigay galang sa single"
Nagtawanan naman kaming tatlo.
dumiretso kami sa Mcdo, at umorder ng makakaen. Syempre mas madaming pagkaen ang nasa lamesa ko, buti nalang pinanganak na may ginintuang kutsara sa bibig itong mga kaibigan ko I'm so lucky! Hahaha.
BINABASA MO ANG
Until The End
RomanceDalawang taong nagmamahalan, sa hindi inaasahang panahon, sa hindi inaasahang tao. Kasiyahan ang namayani ngunit Kasiyahan padin ba hanggang dulo? oh sakit at poot ang dulot nito. kung ikaw? itutuloy mo paba? lalaban kaba? oh hahayaan nalang na ang...