Ano ba ?

31 0 0
                                    

Ano ba?

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin
Kung bakit ka nawala sa akin
Oo nga pala hindi ako siya
Nagkulang ako pasensya na

Nakakatawa mang isipin
Pero mahal ika'y pa rin
Alam kong ako'y paulit ulit
Pero sana ito'y basahin,  kahit pilit

Ano ba kasi talaga ang katangian
Katangian niyang wala ako pero meron siya
Ano ba kasing klaseng gayuma ang binili niya?
Baka sakaling makabili ako saan ba yan binebenta?

Prangka na kung prangka
Pero naiinis na ako sa kanya
Kahit wala naman siya talagang ginagawa
At ako naman ang tunay na may sala

Ano ba kasi talaga ang tunay mong nadarama?
Ang sarap mong sapakin,  isa ka pa
Ano ba kasi ang nakita mo sa kanya?
Na sa akin ay wala talaga

Ano ba kasi ang ayaw mo sa akin?
Kakayanin ko naman iyong baguhin
Kahit ano naman aking gagawin
Basta sa huli ika'y para sa akin

Alam mo ba minsan naisip ko sana ako na lang siya
Para maranasan ko ulit na ako ang inuuna
Peste naman kasing tadhana
Andaming pagbabago ang ginawa

Kahit magdrama pa ako
Wala naman akong mapapala
Di pa rin sasapat yung para sa akin na nadarama
Kumpara dun sa pagmamahal mo sa kanya

Bago matapos itong tula
Bibigkasin ko ulit na "mahal kita"
Mahal patawad sa lahat ng aking nagawa
Sana balang araw tayo naman ang itadhana...


Tula Para Sa Aking Mga Naging SintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon