Sa Tuwing...
Noon Sa tuwing nakikita kita
Ayoko ng galawin ang aking mata
Nais kong matandaan ang iyong mukha
Ang bawat parte ay imemoryaSa tuwing naririnig ko ang iyong boses
Gustong dinggin ng pa-ulit ulit
Kahit ilan pang milyong beses
Muling pakikinggan ng nakapikitSa tuwing magkausap tayo
Gusto long tumigil ang pag-ikot ng mundo
Nang sa gayon ay wala ng magbago
Manatili na tayo hanggang duloSa tuwing iisipin ko ang kinabukasan
Palagi ka pa ring kasama sinta
Pinaplano sa isip ang mga paraan
Paraan para sana ika'y ko-isamaSa tuwing iniisip ko ang tayo
Naluluha na lang bigla ako
Hanggang sa di na mapigilan ang pagpatak nito
Sa paulit ulit nasanay na lang akoSa tuwing papasok sa utak ko ang salitang "tapos"
Muling sumasariwa ang mga galos
Naaalala ko kasi na tapos na talaga
Hindi na tayo mauulit paSa tuwing kasama mo siya
Pinipigilan ko nalang pumatak ang luha
Pilit kong kinakaya na wala ka
Ngunit sobrang sakit at hirap palaSa tuwing naiisip kita
Labis ang pagsisisi sinta
Patawad dahil nasaktan ka ng husto
Dahil sa mga salitang binitawan koNgayon, Sa tuwing nakikita kita
Nais kang hagkan at hawakan sinta
Ayokong makuntento sa titig lang sa iyong mukha
Gusto ko sanang lapitan ka't sabihing " Mahal kita"
BINABASA MO ANG
Tula Para Sa Aking Mga Naging Sinta
PoetryMga salitang di mabigkas Kaya pilit na tumatakas Mga salitang di masabi Tinatago nalang sa paghikbi Mga salitang di magawa Aking idadaan sa tula Bunga ng pagmamahal at pag-iwan nila Lahat ng ito'y aking nailathala