Puppy Love (Chapter 9): Ang Plano

12 0 0
                                    

Chapter 9

Ang Plano

Di pa rin ako makagetover sa date namin ni Ana. Haggang ngayon naiisip ko pa rin yung mga kiligan namin. Yung mga mamasayang ala-ala namin. Yung mga "Moments" namin. Yung halik, yung i love you, yung yakap. Parang akong na-hang over. Tama na nga, di ako makapag-aral dito. Isa pa lang yung natatapos kong assignment kakaisip ko sa kanya. Sa pag-review ka ng mga quizzes ko, nakita ko yung mga scores ko. 85, 90, 80, 92, 79. First time ko mag-kaline of 7. Di kaya dahil din to sa nagcoconcentrate ako sa relasyon namin ni Ana. Maya't maya ang pagtext, maya't maya ang pag-chat, maya't maya yung pagtawag. Pag nalaman ni mama na ganito mga scores ko sa Exam magagalit yun. Paano na lang yung mga scores ko nung Monthly Test. Speaking of Monthly, malapit na pala yung Monthsarry namin ni Ana. Kailngan sumaya siya sa Monthsarry namin. Ayun, masaya pa rin kami sa isa't isa. Tumitibay. Sweet pa rin. Haay. Tapusin ko muna tong mga assignment ko. 

Kinabukasan

Gumising akong maaga. Tinext ko yung mga kaibigan ko.  

Ui Mga Tol. Kita tayo sa may library ng recess. May paguusapan tayo tungkol sa plano ko sa monthsarry ni Ana. Secret lang muna to ah. Tayo-tayo lang makakalaam

GM- 24-

Sinundo na ko ng service at habang papunta ng school ay isa isang nagreply yung mga kaklase ko. Lahat sila puwede ng recess. Habang papasok ako ng gate, siyempre ang una kong gagawin eh kausapin si Ana, pero wala siya, ang nakita ko, si Jessa. May plano ako. 

"Ui Jessa. Kamusta?", sinabi ko ng pangiti. 

"Ui Anton.", medyo naiilang siya. Siguro nagkasundo na sila ni Ana na wala na akong aakbayan kahit mga kaibigan ko. 

"Puwede kita makausap, salit lang"

"Sure", umupo kami dun sa may bleachers sa football field. 

"Puwedeng may i-request ako sayo.", sinabi ko ng sincere sa kanya.

"Oo naman, ano yun?"

"Kasi may plano ako ngayong First monthsarry namin ni Ana. Karamihan sa classmates natin tutulong sa decoration. Ikaw, puwedeng kausapin mo muna si Ana ngayon lang tsaka sa Friday. Isama mo siya kapag recess niyo."

"Umm Sige. Sure. No problem basta ikaw.", ayun nag-shakehands kami ni Jessa pagkatapos umalis na ko dun sa bleachers. 

9:30 AM

Nung mga bandang 9:30 AM, tinipon ko yung karamihan  sa mga classmates ko. Pumunta kami sa may library. Siguro mga bente kami. Kami ng bestfriend ko na si Kevin ang nanguna sa pagpupulong. Wow! Ang lalim. 

"Okay! Mga kaibigan! Konting katahimikan! Makinig tayo sa ating pinakamamahal na Escort. Bigyan natin siya ng masigabong palakpakan", loko-loko talaga si Kevin. 

"Okay! Tama na! Tama na! Alam kong pro ako.", sabi ko.

"Weeeh", sigaw ng mga classmate ko.

"SHHHH!!", sabi nung librarian. Hininaan namin yung salita namin. 

"Okay so ganito ang plano ko. Gusto ko gamitin yung court. Alam ko kasi pag Friday, walang functions diyan.", ayun sumangayon namin sila.

"Meron ba kayong ibang suggestions?", tanong ko sa kanila.

"Alam mo maganda kung parang magical yung theme?", sabi ni Carla, yung isa kong classmate. 

"Oo nga. Tapos maganda kung prince and princess yung theme tapos mga fairy ", sabi ni Alex, yung isa kong classmate. 

"Sige, maganda nga yan. Kaso baka mahal yung mga decoration.", nag-aalala ako. masyado yatang engrande yun. 

"Wag ka mag-alala. Tutulong kami sa pagbili mo. Sa Thursday, 3:00 PM yung uwian so punta tayo ng Ayala Center, maraming mabibilhan dun. Sa True Value or National Book Store.", sabi ni Kevin. Buti na lang talaga may mga kaibigan ako. 

"Paano yung costume. Kung prince and princess. Wala na kong problema sa kin. paano yung kay Ana.", ang daming namang aalalahanin. Pero para kay Ana to. 

"Magkasize kami ni Ana. Bagay sa kanya Color Blue. May Color Blue Gown ako.", sabi ni Carla. Okay medyo wala na akong poproblemahin. 

"Anton. Wag kang mag-alala. Tutulungan ka namin.", sabi nung iba kong mga classmates. Ayun nagring na yung bell. Kailangan na namin bumaba. Kailangan maging perfect to. Kailangan mapasaya ko si Ana. 

Puppy Love (Ongoing Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon