I Wish [Kathniel One Shot]

1.2K 38 43
                                    

I Wish [Kathniel One Shot]

(c) infatuatione. All rights reserved. 2012

_______________________________________________________

DJ'S POV

"Bro, isara mo nga yang bunganga mo't baka may pumasok na langaw." si Diego.

"Loko ka talaga."

"Pero seryoso na bro, kelan ka pa ba titigil sa pagpapantasya mo kay Kathryn?"

"Hanggang sa katapusan ng mundo." BOOM! HAHAHA.

"Yuck. Ang corny mo bro!"

"Aba nagsalita ang hindi."

"Ako?! Ako corny? Hindi no!" pagtanggi ni Diego.

"Tss tumigil na nga kayo. Buti na lang hindi ako nahahawa sa ka-cornihan niyong dalawa." biglang sabi ni Khalil.

Binatukan nga namin ni Diego. Hahahaha.

"Aray ko naman!" sino pa bang magsasabi niyan? edi syempre yung binatukan namin. alangan namang ako diba? xD

"Ewan ko sa inyo. Sige una na ako." 

"Saan ka DJ?" si Diego.

"Eto ako Dieg, andito lang ako sa harap mo. Hala hindi mo ba ako nakikita?! Bulag ka na ba?!" pambibiro ko.

"Sira-ulo! Ibig kong sabihin, saan ka pupunta." 

"Ah. Kumpletuhin mo kasi. Punta na kong classroom, magbe-bell na eh. Tsaka lumabas na kasi si Kath ng canteen. Sundan ko lang. Oh sige una na ko." parang stalker lang no? 

Ako nga pala si Daniel. DJ nalang. Si Diego at Khalil nga pala ang mga katropa ko. Parang kapatid ko na ang mga asungot na yun. Kaya nga sila lang ang nakaka-alam ng lihim kong pagtingin kay Kathryn. Sheez ang cheesy -__-

Actually matagal ko na siyang gusto. Mga 3 years na rin siguro. Ewan ko nga bakit hindi ko magawa-gawang magtapat sa kanya. Torpe masyado eh, sorry nemen! Pero sa 3 years na yun, naging okay naman ako kasi hindi siya nagka-boyfriend kahit isa.

"Kahit hindi tayo, basta single ka, okay na ako." 

Pero ngayon, nag-iba na lahat.

Nasira ang araw ko sa ibinalita ni Diego at Khalil.

"Bro, nabalitaan mo na ba?" tanong ni Khalil.

"Ang alin?" kumunot ang noo ko.

"Lagot, hindi niya pa ata alam Diegs." Khalil.

"Oo nga. Sasabihin pa ba natin?" Diego.

"Wow naman mga pre. Parang wala lang ako dito ah. Ano ako, hangin?" naiirita kong sabi.

"Malalaman niya rin yan kaya sabihin na natin ngayon." Khalil.

"ANG ALIN NGA?!" walang hiya tong dalawang to, pabitin eh.

"MAY BOYFRIEND NA SI KATHRYN, DJ!" sabay nilang sabi.

O__________O

"Ha?!" yan lang nasabi ko. loading pa utak ko eh.

Sandali, s-si Kath may boyfriend na?!

Aaaaaaaah pwedeng magpakamatay? De joke lang xD

"Oy DJ! Hoy!" si Diego, sabay wagayway ng kamay niya sa mukha ko.

I Wish [Kathniel One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon