Maaga kaming nagising, kahit kulang ang tulog namin dahil sa pinakwento nila ako sa buong nangyari sa bahay nina Anton, hindi parin nasira ang usapan naming maliligo kami sa talon ngayon.
Suot ang mga maiikli naming shorts at rash guards. Excited kaming naghanda ng madadalang pagkain.
Pinagluto kami ng pancit sa bilao ng Mommy ni Jade at roasted chicken. Nagbaon kami ng mga tinapay, at kung anong pwedeng baunin.
Nagpahatid kami sa driver nila. Para masigurong nasa ligtas kami. Hindi naman ito kalayuan sa poblacion at kasali ito sa lupain nina Anton. Makikita sa daanan ang magandang view ng rancho nila at ang patag na lupain na aakalain mong nasa ivang bansa ka sa sobrang linis at lapad nito.
May aakyatin pang ilang metro bago makikita ang nakatagong talon na halatang pinarenovate na. Sementado na ang daanan, naglagay ng mga sementong bridges para may daanan papunta sa kabila. Senimento ang gilid ng bukana, hindi sinira ang posisyon ng mga malalaking bato na syang nagpanatili sa linis ng tubig. Pinagawaan ng magandang daluyan ang tubig para hindi tirhan ng mga ahas lalo na't marami ang mga batang naliligo dito. Sa dulo naman nilagyan ng harang na semento para hindi mahulog ang mga batang naliligo, nagmukha itong infinity pool. Nilagyan ng makikinis na bato ang ilalim para hindi masugatan ang mga naliligo rito. Malinis at hindi kalakihan ang talon pero malapad at marami. Parihaba ito na parang malaking ilog, maraming malalaking bato na naging desenyo narin sa gitna. Naglagay ng mga cottages para may mapahingahan ang mga tao, may magamit at mas tangkilikin. Kung sa baba ka naman titingin para parin itong talon. Sa baba naglalaba ang mga tao. May mga bilog na kung saan ang bukal ang nagbibigay ng tubig.
"Malaki ang ginastos ng mga Alvaro para dito, libre at safe pa" sabi ni Jade.
"Buti naman at hindi nasira ang preservation" si Grace.
"Oo naman, libre na nga sisirain pa ba namin?" nakangiti nyang sagot kay Grace.
Infairness, dahil sa taas ng mga puno hindi na mainit dito, malamig at hindi nakakaitim.
Walang tao ngayon. Nakaraang araw raw ang dagsa kasi sabado at linggo, lunes kasi ngayon araw ng trabaho at may pasok kaya walang katao-tao.
Nilapag namin ang mga dala naming pagkain, pinatunog ang music. May ilang mga tao sa kabilang banda. Isang pamilya at ganun din sa isang dulo.
"Wag na tayo mag rash, hindi naman pala mainit dito" hinubad ni Niz ang kanyang suot na rush guard at dinisplay ang sexy na katawan sa harapan namin. Chubby na sexy, curvy and matangkad.
Naghubad din sina Grace at Jade na parehong mga payat at magkasing tangkad. Napangiti pa ako nang makitang pareho kami ng top ni Jade.
Sabay silang tumalon sa tubig at nagsigawan sa lamig. Napatawa ako, hawak ko kasi ang phone ko kaya hindi pa ako interesadong maligo. Sinekreto ko kay Anton ang pagpunta namin dito. Ayokong pagbawalan nya ako, ayokong sasama sya at mahihirapan akong hatiin ang oras ko.
Ako:
Papunta na kami sa pagawaan nina Jade. See u later. Love u. Enjoy ka sa outing nyo.Hindi ko na inantay ang text nya. Nakipagtawanan ako sa mga roommates ko, may mga nagdatingan, medyo marami sila. May ilang napatingin sa mga kaibigan kong nasa tubig.
Nilapag ko ang chips sa harapan ng mga kaibigan ko. Habang nasa mga bato sila at nakalubog sa tubig. Nahiga ako sa nakasementong gilid ng bukana.
"Reunion siguro yan?" sabi ni Jade. "Dito kasi madalas may reunion party"
"Maganda kasi dito, hindi mainit at malaki ang pool" si Niz.
"Pool?" si Grace. "Pool pala to?"
Ngumuso si Niz. "Suportahan mo nalang kasi" inis nyang sabi.
BINABASA MO ANG
SECRET AFFAIR
RomanceNaging: #1 Fanfiction #1 Teen Fiction #1 General Fiction #1 Romantic #1 University #1 sari-sari #1 romance - friendship #1 Fraternity #1 College #1 campus #1 richkids #1 dormitory #1 poorgirl #1 my #1 paasa #1 richboy #1 romatic #1 hotties #1...