Euphie's POV
"Kuya Reo san' nga ulit 'yung school niyo?"- Tanong ko sa kanya habang inaayos yung mga pagkaing dadalhin ko para sa kanya, naglambing kasi si kuya eh di ko naman natiis kaya pinagluto ko na
"Sa Gold Lyons University"- Sagot niya naman mula sa kabilang linya
"Oh sige salubungin mo ako sa gate ha?"- At sa wakas ay natapos ko na din ibalot 'yung mga pagkain
"Sorry baby hindi kita masasalubong sa gate kasi tuloy-tuloy 'yung training namin sa swimming eh"- Kinabahan naman ako nang sabihin niya yon, ni hindi pa nga ako nakaka-punta doon, alam ko 'yung papunta kasi nadadaanan ko 'yun kapag pumupunta ako ng part time job ko pero pano 'pag hindi ako papasukin ng guard?
"Eh Kuya pano pag hindi ako papasukin ng guard? Diba No ID – No Entry?"- Tanong ko sa kanya habang inihehelera ang mga pagkaing natapos ng balutin
"Yun lang ba inaalala mo? Ilabas mo yung picture natin na magkasama, yung close na close tayo ha? 'yung naka-akbay ako sa'yo para igalang ka"- Weird, kailan pa naging ID ang ganon'?
"Sure ka ha?, sige bye paalis na ako sa bahay"- At pagkatapos non' ay ibinaba ko na ang phone ko
Iba ang pinapasukan ko sa pinapasukan ni Kuya Reo, dahil sa kanya ay private at akin public, ampon lang ako remember? Medyo hindi kasi maganda ang turing sa akin ng mama ni Kuya Reo kaya napagdesisyunan na lang ni papa na pag-aralin ako sa public simula ng pumasok ako ng High School, tuloy-tuloy na hanggang College, okay lang naman 'yon sa'kin dahil sino ba ako para mag-reklamo pa? Kung tutuusin napakswerte ko na dahil may mga tao pa ring nagmamalasakit sa akin
Lumabas ako at ginamit ang bike ko, napanalunan ko ito sa isang Cosplay event, lagi ko itong ginagamit kasi wala talaga siyang katouch-touch ng anime, basta simpleng bike lang siya, hindi sa hindi ako proud sa pagiging otaku ko, mas gusto ko lang gamitin ang simple at hindi agaw pansin na mga gamit
Tuwing Monday, Wednesday, Friday and Saturday lang ang pasok ko kaya naman free ako ngayon dahil Thursday ngayon, marami akong nilutong pagkain dahil sabi ni kuya tatlo daw silang kakain—Hindi ko naman kinalimutan 'yung picture na pinapadala niya para papasuki ako kuno nung guard.
Makalipas ang 45 minutes ay nakarating din ako sa Gold Lyons University, pangalan pa lang halatang private na at puro mayayaman ang required. Well hindi ako kasali sa yaman nila Kuya Reo.
Ipinark ko ang aking bike, parang nahiya pa ako kasi puro kotse ang nandodoon
Bitbit ko ang basket na puno ng mga pagkain at naglakad papuntang entrance gate
Nang Makita ako ng isa sa guard, kinawayan ko siya at mas lalo pang lumapit
"Miss what can I do for you?"- Tanong ng guard
Private nga!
"Ahm... ito po"- Iniabot ko ang picture naming dalawa ni Kuya Reo
"Kaano-ano mo si Mr. Hale?"- Tanong niya sa akin habang pinapasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa, ano ba naman 'to, hindi naman ako masamang tao, tss
"Kuya ko po"- Masigla kong sagot kahit nayayamot na ako sa hitsura ng guard na 'to
"Ah, sige makakapasok ka na"- Binuksan ng guard ang malaking gate at pumasok naman na ako
Muli kong tinawagan si Kuya Reo pero hindi niya sinasagot ang tawag ko—wala akong kaide-ideya kung saan ko siya hahanapin, saan ba dito ang swimming pool? Diba?---may training sila sa swimming ngayon?
YOU ARE READING
Bad Boy's Obsession
Fiksi RemajaThe clumsiest person and a forgettable one? Yes, she's Euphie Collins and believe it or not, she's the bad boy's obsession.