Chapter 3: Malaking Kahihiyan!

45 7 3
                                    

Chapter 3: Malaking kahihiyan!

Chelou's POV

Nandito lang ako ngayon sa kwarto ko, nakahiga na naman. Kung mag-susummer job na lang kaya ako? Ayy, ayoko, nakakapagod. Ayan na naman ang pagkatamad ko! Pero gusto ko rin naman mag-summer job kase wala naman talaga akong magagawa sa bahay kundi magtitigan kay Mr. Ceiling.

Kung magtatrabaho talaga ako, madagdagan ang pera ko tuwing 'solo gala' at diretso sa National Bookstore! Wah! new books na naman! Lalo na ang libro ni------

*Boooooooooogshhh*

Hala?! Ano yun? Napabangon naman ako sa kaagad sa kama. Sumilip ako doon sa bintana pero hindi ko masyadong makita kaya bumaba na ako at binuksan ang pintuan palabas.

Pagkatanaw ko, nahulog pala ang malalaking kahon kaya ganun ang sound effects. Pagtingin ko sa mga bagong lipat, isang matandang babae at lalaki. Teka, may kasama rin silang lalaki na parang kaedad ko lang. Nakatalikod silang tatlo sa akin. Tinitigan ko ang matandang babae kase naka-sideview na siya ngayon habang kausap ang taga-karga ng kahon. Teka..... Pamilyar ang mukha niya... Nag-sideview pa siya kaya mas lalong nakita ko ang mukha niya!

"TITA CLARISSE!!" yan ang nasigaw ko.

Kasabay ng pagsigaw ko ay napagtanto kong wala pa akong ligo, toothbrush, hilamos at bihis. Nakapantulog pa rin ako, kaya nung pagsigaw ko, tinakpan ko ang aking bibig at nagmamadaling pumasok sa loob. Mabilis akong umakyat patungong kwarto na para bang nakipaghabulan ako kay Sadako.

Nakakahiya! Ganyan ang gusto kong isigaw ngayon. Hindi ako lalabas! Pramis! Ahhh! Huhu! Mukha akong ewan kanina. Hindi nga rin ako nakapag-suklay ng buhok. Aish, anebeyen! Malalaman at malalaman pa rin nila na ako yung mukhang ewan kanina. Ako lang naman ang hindi pa nakapag-ayos eh. Naalala ko pa ang mukhang ewan kong itsura kanin. Ano na lang ang sasabihin ni Tita Clarisse, Tito Roberto at.... BOF? Teka! Nandito sila?!?

x

Seth's POV

Blueville Subdivision. Matagal narin nung una akong nakapunta rito. 7 years, 7 long years.I am staying here for good. I hope.

*Boooooogshhh*

Nahulog ang mga kahon. Malalaki kase kaya ganyan na lang tunog ng pagkahulog. Si mama naman dada ng dada. Mabuti pa si Papa kalamado lang. Mabuti nga't nagmana ako kay Papa na hindi masyadong maingay at madaldal.

Asan na 'yung tahimik na 'yun?

" Ano ba naman yan, hinay hinay lang. Mag-ingat ka nam----"

"TITA CLARISSE!!"

Hindi natapos ni mama ang kanyang pagsasalita dahil may sumigaw ng kanyang pangalan. Sabay kaming tatlo sa paglingon sa kinaroroonan ng sumigaw. Medyo malayo siya kaya hindi namin masyadong nakita pero masasabi mong hindi siya nakapag-suklay at bagong gising pa lang.

Binalewala na lang namin 'yun kase baka kapangalan lang ni mama ang tinutukoy ng babae. Pagkatapos mapasok ng kahon sa bahay, pumasok na rin kami. Nagluto si mama ng lasagna para sa aming kapitbahay. Sinabihan ako ni mama na pumasok sa kwarto ko at magbihis. Bibisitahin daw namin ang kapitbahay namin kaya pumasok agad ako.

Pagkatapos ko, bumaba na ako at pinuntahan na namin sila. Tumigil kami sa tapat ng pintuan at nag-doorbell.

Sa tagal ng panahon, baka hindi na sila ang nakatira rito. Pero sana nam-----

"Clarisse! Kamusta na? Mabuti at naparito ulit kayo." yan ang bungad sa'min ni Tita Lenny. Ang nanay niya.

"Oh, Lenny, ok lang kami. Masaya kaming kayo pa rin ang nakatira dito." sagot ni Mama.

Summer Love (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon