Chapter Fourteen (Aunica)

91 3 0
                                    

Natalia's POV

Halos hindi ako nakatulog sa mga nangyari sa peace offering date namin ni Brandon at dinamay ko pa si Jamie dahil sa kanya ko lahat ikinuwento ang unexplained happiness na nararamdaman ko noong gabing yun.

Heto ako ngayon sa library at kasalukuyang wala sa reyalidad dahil sa pag deday dream ko at pag faflash back ng happenings sa amin ni Brandon. Hindi parin kasi mag sink in sa utak ko na gusto din niya ako. After all na pagbabangayan namin ay may natatagong pagkagusto pala kami sa kada isa. I remember nung nag iwan siya ng note sa notebook ko, My things were placed on the same table where I was seating now. Hinawakan ko ang notebook ko at kinuha ang stationery na nakaipit parin dito. Binasa ko ulit ang nakasulat sa note at napangiti ako sa sobrang kilig. I didnt expect this would happen. Yung sa stories and movies ko lang napapanood finally nangyayari na sa akin unlike before I was always the one who puts so much effort in a relationship. I know that we are on the process of being friends with each other but his doings make my heart jump which I never experienced before.

Ibinalik ko na ulit ung stationery sa notebook at saka nagfocus na sa ginagawa kong case study. May mga kulang na details sa notes ko kaya naman napagpasyahan kong kumuha ng reference sa Management Section ng library. Naghahanap ako ng libro ni Kotler para gawing guide sa pag formulate ng ideas para sa ginagawa ko at ng makita ko ay agad ko namang kinuha mula sa pagkakasalansan nito. Binasa ko muna ang contents nito sa may book shelf kung saan ko ito kinuha. Nabigla naman ako ng may nahulog na libro sa kabilang shelf kaya naman tinignan ko ito. Nang umangat ang lalaki mula sa pagkuha nito ng libro ay laking gulat ko na si Brandon pala iyon.

"Oh, Hi Aunica sorry for the noise" bati niya sa akin.

"No, its okay . Case study huh?" tugon ko habang tinuturo ang librong hawak niya.

"Yup, you done?"

"Hindi pa eh, actually kakakuha ko palang ng libro para gawing reference kulang kasi ako sa notes eh ☺" sagot ko dito.

"Parehas pala tayo. Kanina ka pa ba dito? Pwede bang lumipat nalang sa table mo para naman may kasabay ako "

"Oo naman, wala din naman kasi akong kasama eh " Nagsimula na kaming maglakad papunta sa table ko. Naupo siya sa kabilang side ng table kaya naman magkaharap kami. Sinimulan na namin ang pag gawa ng case study at medyo natuon ang atensyon namin doon kaya hindi kami masyado nagkikibuan. Hindi ko lubos maisip na kaharap ko ang taong ito ngayon, napangiti nalang ako dahil sa mga naiisip ko. Muli ay ibinalik ko na ulit ang focus ko sa pag gawa ng case study. Maya maya pa ay napansin kong pumilas si Brandon ng isang pahina ng papel sa notebook niya at nag simulang magsulat. Iniabot niya sa akin ang papel na may sulat at binasa ko ito:

"Late Lunch at the cafeteria? My treat "

Agad ko din namang sinulatan ang papel at sumagot ng Oo. Mabuti nalang at vacant ako ngayon hanggang 2pm. Tumingin ako sa orasan ng library at mag aalas dose na pala, kaya naman late lunch ang isinulat niya. Ibinalik niya ulit sa akin ang papel at binasa ko ulit ang reply niya.

"Thanks alot, I hope this will be a good start for us to be friends ?"

Bahagyang kumunot ang noo ko at nakaramdam ng pagkalungkot dahil akala ko may gusto siya sa akin pero parang napanghinaan ako dahil sa salitang FRIENDS. Napansin naman niya ang reaksyon ko kaya naman hinawakan niya ang kamay ko na kasalukuyang hawak ang papel. Napatingin naman ako sa kanya at saka siya nag salita.

"As for the getting to know more stage for the both of us☺" nakangiting sabi niya sa akin habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Tumango nalang ako at saka ibinalik na ulit ang atensyon sa ginagawa ko.

Halos mag aala una na din ng matapos namin ang case study. Agad na kaming lumabas ng library para kumaen ng tanghalian. Naghanap muna kami ng mauupuan at saka inilagay ang gamit namin. Pumila na kami ng sabay para makapag order.

Beyond What She LikesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon