Nakasuot ako ngayon ng isang puting tuxedo. Nakatayo sa harapan ng altar habang hinihintay dumating ang babaeng pinakamamahal ko. Limang minuto nalang kasi darating na siya.
Grabe ang kaba na nararamdaman ko ngayon, nanginginig ako sa sobrang kaba isama narin na parang bangkay akong nakatayo dahil nanlalamig ako. :D
Hindi ko akalaing darating kami sa puntong ito.
Biglang bumukas ang pinto ng simbahan. Pinapahiwatig na andiyan na ang bride. At tama nga andiyan na siya. Kitang-kita ko sa mukha niya ang bakas ng sobrang saya. Walang pinagbago. Ang ganda-ganda niya padin. Ang ganda ng ngiti niya. Yung ngiting hinding-hindi ko makakalimutan.
*FLASHBACK*
"Grey! Gising naaaaaaa!!!" dahan dahan kong minulat ang mga mata ko.
"5 minutes Scarlet." sagot ko. Jusko inaantok pa talaga ako! Ikaw baga ang hindi mapupuyat eh magdamag kaming magkausap nan sa telepono. Hindi ba siya napuyat? Grabe talaga tong babaeng ito.. Kung hindi ko lang siya mahal eh..
"Grey!! Sige naaaa~~~ May pupuntahan pa tayo ehhh..." pangungulet niya parin.
"Hmmm.." sagot ko.
"Grey!! Bangon na kasi----" natigilan siya sa ginawa ko.
Hinila ko lang naman siya pahiga. Ang puwesto namin eh nakahiga siya at ako naman eh nasa ibabaw niya. Ningitian ko siya ng nakakalko habang siya naman eh gulat na gulat.
Unti-unti kong nilapit ang mukaha ko sa mukha niya. Nakapikit na siya ngayon. Natatawa ako sa mukha niya! HAHAHAHA! Lumapit ako sa may tenga niya sabay...
"BOO! Pfft! HAHAHAHAHAHA!"
Nakaupo na ako sa kama ko habang natawa. Grabe nakakatuwa talaga ang itsura niya!:D
"Grey naman eh! Tch." Ngayon nasa tabi ko na siya at naka pout. Awww... Tampo nanaman ang bestfriend ko. Inakbayan ko nalang siya. :3
"10 minutes. Maliligo lang ako. Antayin mo nalang ako sa baba." sabay gulo ng buhok niya.
Naglakad na ako papuntang CR.
"Ang tagal mo naman."
Pag re-reklamo niya. Feeling free talaga siya pagka nandito sa bahay. Aba nakataas pa ang paa! Hahaha. Ang kulet talaga neto. :3
Im Grey. 26 years old. And she is Scarlet. My beloved bestfriend. Yeah, ang akala niyo siguro no girlfriend ko siya? Nagkakamali kayo. Bestfriend ko lang siya at ganon lang talaga kami ka-sweet pag magkasama.