IKINUBLING KATOTOHANAN

137 3 0
                                    

Pag-ibig. Isang salita na kay simple kung titingnan pero malalim ang nilalaman, malalim ang maaring maging kahulugan. Isang simpleng salita na kinakailangan kahit saan sa kahit anong oras, kahit anong panahon ng kahit na sinong nilalalang. Makapag bibigay man ito ng kaligayahan, sakit, galit at pang habang buhay na kalungkutan sa dalawang taong nagmahahalan. Isang matinding salita na mahirap bigyan ng kahulugan, mahirap bigyan ng kasagutan.

            Mula sa aking pag kakaupo maraming tumatakbo sa aking isipan, may damdaming gusto ng kumawala  mula sa kanyang pinagtataguan, at nagsimula naring tumugtog sa aking isipan ang awiting “SIGURO”. “Siguro’y umiibig kahit di mo pinapansin, magtitiis nalang ako magbabakasakaling ika’y mapatingin” liriko na matagal ng tumatakbo sa aking isipan, nag- uunahan at nagsisiksikan. Siguro medyo mahabang panahon na nga mula noong akin itong maramdaman sa isang taong hindi ko naman masyadong kilala, maaaring alam ko ang pangalan niya, edad niya, birthday niya at mga kaibigan niya, pero hindi ang buong pagkatao niya, hindi ang kwento ng buhay niya, marahil tinitingnan ko siya subalit hindi ko parin alam kung ano ang ibig sabihin ng mga ngiti niya, galit niya, at ng kaniyang luha. Nakakaramdam ka ng kakaiba sa taong hindi ka naman nakausap ng matagal, sa taong hindi ka ata kayang makasama ng kahit saglit lang. Mahirap yung ikaw lang ang nakakaramdam na parang importante na siya sayo, na masaya ka na kahit saglit ka lang niya natingnan at mas lalo niya pag ikaw ay kaniyang nginitian. “Love is when you look at him and you suddenly smile for no reason.”Subalit paano kung isang araw magigising ka nalang sa katotohanang ikaw lang pala ang bumubuo ng love story ninyong dalawa, na ikaw lang ang maaring nagmamahal dahil sa iba pala nakatuon ang atensyon niya. Marahil doon na natatapos ang aking pagpapantasya, sa taong Malabo na magsabing ako ang LOVEBABE niya.

            Ang pag-ibig ay paggawa ng isang desisyon, kung kanino ka magigigng Masaya. Ang pagibig ay isa ring kasakiman, naroroon tayo sa punto na ikaw ay pumili, ngunit ng walang pag-iisip na may taong naghihintay at umaasa pala sa kaniya. Ngunit ganoon talaga ang pagmamahal, na kahit sa kabila ng sakit ay kailangan mo ring magparaya dahil marahil ay hindi siya para sa iyo. At magiging masaya siya sa iba. Ang pagmamahal ay pagpaparaya, ang tingnan na lamang siya na Masaya sa piling ng iba sa hindi kalayuan.

            Hindi lahat ng love story nauuwi sa happy ending, minsan kasi mas pinipili nalang nating itago ang nararamdaman kasi takot tayong makasakit o masaktan, kumplikado ang buhay hindi kasi sa lahat ng oras sasang ayon sa iyo ang lahat, tumatakbo ang oras, pumapatak ang buhangin ng hour glass at marahil sa huling Segundo mas pinili parin nating manahimik at hayaan nalang ang lahat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 27, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

IKINUBLING KATOTOHANANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon