Chapter 1

14 0 0
                                    

Yeah right! Maybe everything is made for a reason.

But how come to the point na hanggang doon nalang ang rason.

Na hanggang dito nalanag matatapos ang lahat.

* * * * * * * * * ** * *

He is Akihiro, ang total crush ko since grade 5 at hanggang ngayon na grade 12 na ako.

Forever? Hahahaha!

Forever akong umaasa na mapapansin na nya ako.

Natatakot kasi ako na malaman nya at mareject lang ako. Aantayin ko nalang siguro na mahulog din sya sa akin.

He is a total dancer.

Kyaaaaaaaaaahhhh!!! Everytime na nasayaw sya ay talaga namang kinikilig ako.

Akihiro!!! Kelan mo ba ako mapapansin!?

"Anastasha this is Akihiro, Akihiro this is Anastasha" pagpapakilala ko kay Akihiro sa bago kong kaibigan. Yeeep! Friendly kasi ako.

"Nice to meet you Akihiro" masayang bati ni Anastasha kay Akihiro.

Tapos ayun nag shakehands lang sila. Nagkwentuhan pa kami bago bumalik sa klase namin since breaktime namin kanina.

Nakilala ko si Anastasha kanina lang, bagong student kasi sya sa amin.

Maaga ring natapos ang klase since first week palang ng pasukan.

"Mommy andito na po ako" sigaw ko pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ng bahay namin.

At as ussual walang sumagot sa akin, wala pa kasi si mommy, gabi na sya palagi umuwi at kung minsan nga ay inuumaga pa. Ganun sya ka busy sa trabaho nya.
Hindi kami mayaman para magpahilahilata lang sa bahay ang mommy ko. Average lang yata.

At kung itatanong nyo naman ang Daddy ko. SumakabilangBAHAY na.
Tsk! Hindi namin sya kailangan!. Hindi ko na sya kailangan.

Nasanay narin siguro ako na palaging mag-isa. Oo, marami akong kaibigan pero isa lang ang kaibigan ko na tunay na makakapitan.

"Hello Ally?" Tawag ko sa kabilang linya.

Naboboring ako at namimiss ko na rin sya. Long distance kasi. Nung nag senior high ay naglipat na sya ng school sa Manila samantalang ako ay naiwan dito sa Quezon.

(Alexandrea bruhitaaa!!! Mabuti nalang at napatawag ka! Miss na kita!!!)

Yeah! She is so annoying pero mahal ko yang bestfriend ko na yan.

"Ang sakit sa tainga ng boses mo Allysia! Pwede bang huminahon ka!"

(Sorry naman! Abay namiss yata kita. Grabe nakakastress na talaga! Gusto ko ng umuwi dyan. Subrang hirap mag-isa)

"Mag Manila ka pa! Ayan ang napapala mo! Edi wala kang kaibigan? "

(Wala! Mga bwiset tao dito eh!)

Hindi talaga palakaibigan si Ally dahil suplada at may pagkamainitin ang ulo nito.
Sa akin lang yata lumalambot ang isang ito eh,

Napatagal pa ang usapan namin hanggang hindi ko mapansin na gabi na pala at nakauniform pa ako.

"Sige na babye na bruha ka! Gutom na ako"

(Babye bruhita! Tawagan kita bukas ha!?)

"Sige ingat palagi"

Hindi ko na inantay na sumagot pa sya at pinatayan ko nga sya ng call. Sigurado kasing pahahabain pa nya ang usapan.

Bumaba ako mula sa kwarto ko upang humanap ng makakakain pero bigo ako😢

No choice kundi kumain nanaman ako sa labas. MAG-ISA😢😢😢

EDGE OF EVERTYTHINGWhere stories live. Discover now