Pinangarap ko naman ito.
Pinangarap ko pero sana sa taong mahal ko.
Pero nandirito na ako. Wala akong choice. Parang panaginip. Pero totoo.Mula sa backseat ng magarang sasakyan na ito ay tumingin ako sa labas at natanaw ko ang magarbong bukana ng simbahan.
Doble dobleng kaba ang nararamdaman ko ngayon. Hindi lang kaba kundi pati pait at lungkot.
Unti unting tumutulo ang mga luha ko ngunit agad ko itong pinunasan nang may kumatok sa bintana nitong sinasakyan ko.
Agad ko namang binuksan ang pinto ng sasakyan dahil alam ko na rin naman ang sasabihin nito.
"Madam Selena ready na po para sa entourage." Tumango nalang ako bilang tugon. Hindi ko kayang magsalita dahil may nagbabara sa aking lalamunan. Ang sakit sakit sa dibdib.
Lumabas na ako sa kotse at sinalubong ako ng aking inang umiiyak at amang tila nababagabag.
"Patawarin mo ako anak. Maiintindihan mo rin ito sa tamang panahon. Patawad talaga pero hinding hindi ko ito pagsisisihan."
"Opo papa. Alam ko po na para sa akin naman talaga ito." liar. Alam ko sa sarili ko na hindi ko talaga maintindihan ang mga nangyayari ngayon. Bakit ba ganito. Bakit?
Bigla naman akong niyakap ni mama na iyak pa rin ng iyak. "Sorry talaga anak. Pero gaya nga ng sabi ng papa mo para sayo rin to. Sana mapatawad mo kami." Niyakap ko ng mahigpit si mama. "Ano ka ba ma. Wag ka ng umiyak. Di naman ako galit sa inyo ni papa eh." Pero sa totoo lang, galit na galit ako.
Paano nila to nagawa sa akin na sarili nilang anak? Pero wala na akong lakas para magreklamo. Wala rin akong oras para magreklamo. Dahil kahapon ko lang din nalaman ang magaganap ngayong araw na ito.
Bumitaw na kami sa pagyakap at inayos ang mga sarili.
Humarap kami sa entrance ng simbahan.
Kailangan kong tatagan ang loob ko.
Unang hakbang palang namin ay hinulugan na kami ng mga petals. Punong puno ng mga rosas ang paligid. Kulay rosas din ito na mukhang motif ng kasal ko. Oo nakakatawa dahil wala akong alam sa kasal ko.
Bigla naman tumugtog ng musikang may pamagat na Forever kung hindi man ako nagkakamali.
Nagpatuloy kami sa paglalakad. Sa bandang kaliwa ay nakita ko agad ang mga kamag anak namin. Mga kaklase ko at ilan pang mga kakilala. Sa kanan naman ay mga katrabaho ni papa.
Lahat sila nakangiti. Lahat sila tuwang tuwa.
Siniko ako ni mama at papa. Nginitian nila ako at ngumiti nalang din ako na kaunti.
Malapit na kami sa altar pero ayokong tignan kung sino man ang nag aantay sa akin doon.
Tinignan ko nalang ang mga pinsan at kaibigan kong nakapustura. Ang gaganda nang ayos nila at ang damit nila ay kulay rosas.
Sobrang ganda rin ng suot ko at ayos ko. Sabi nga ng make up artist ay mukha raw akong prinsesa.
Perfect wedding na sana pero tila napaaga.
Hindi pa ako naiinlove. Sa edad ko ba namang 18 eh imposibleng inlove na ako lalo na at puro pag aaral ang inaatupag ko.
Pero pinagpasalamat ko parin na hindi ako inlove kasi ikakasal lang rin naman ako sa iba.Nasa altar na kami ngunit ayaw ko pa rin tignan ang groom ko.
Hinawakan ni papa ang dalawang balikat ko. Ilang segundo nya akong tinignan bago nya ako niyakap at bumulong. "I love you my princess."
Nanginginig na ako dahil naiiyak din ako hindi lang sa kaba.Si mama naman ang yumakap sa akin. Hindi na makapag salita si mama dahil umiiyak na talaga sya.
"Ehem ehem" Bigla naman kaming napatingin sa harap. Kilala ko sya. Sya yung boss ni papa. Kung ganon?
"Ang gandang bata talaga ng anak mo Sergio. Bagay na bagay sila ng anak ko." Tuwang tuwa ang boss ni papa. Napilitan nalang ding tumawa si mama at papa.
May lalaking lumapit kay mama at papa. Nakipag beso ito pero mukhang napipilitan lang.
Kagaya ko rin ba sya nang sitwasyon? Na kagabi lang ibinalita sa kanya to? bakit kaya hindi sya tumanggi? dahil ba wala din syang choice kagaya ko?
Hindi ko napansin na kaming dalawa nalang ang naiwan sa harap. Umupo na sa bandang kaliwa si mama at papa at sa kanan naman ang boss ni papa.
Nagkatinginan kami ng lalaki sa harap ko. Gwapo sya. Tulad ng mga artistang nakikita ko sa tv at mga model na nakikita ko sa magazine. Yung malalalim na mata nya. Nakakatakot. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at tinignan ko nalang ang hawak kong boquet. Tinignan ko uli ang kanyang mga mata pero naging maamo na ito. Hindi ko alam. Di ko mabasa ang lalaki sa harap ko.
Nagulat ako nang magsalita sya. "Titignan mo lang ba ako? I think we have plenty of time na magtitigan." Napa kurap kurap ako. Err asshole.
Bigla nyang hinawakan ang kamay ko. Bakit ganon? akala ko ba sa mga nababasa at napapanuod ko lang ito nangyayari pero bakit may spark?
Hinila nya ako sa harap na pari.
Inantay kong magtanong ang pari kung sino ang tutol dahil tataas ako ng kamay. Di bale nang suwayin ko ang magulang ko wag lang akong makasal sa asshole na to. Ang gwapo gwapo pero ang sama naman ng ugali! Bigla syang tumawa. Aba! baliw pa. Tinignan nya ako nang masama na tila may nagawa akong kasalanan.
"Magpapakasal ka sakin?" Tanong nya. "May choice ba ako?" sagot ko. "Kilala mo ba ako?" bakit ba ang daming tanong nito. "Hindi. Pero no choice." Inirapan ko sya. "Buti alam mo."
"Game na Father"
At dito nagtatapos ang pagkadalaga kong hindi pa nga nag uumpisa..
"You may now kiss the bride."
Tila nagising ako bigla pagkarinig ko ng katagang yun."Kiss! Kiss!" rinig kong sigaw ng mga tao dito sa simbahan.
Naramdaman kong uminit ang mukha ko. Alam kong pulang pula na ako. Tumingin naman ako kay mama at papa ba magkayakap. "Go anak."
Huminga ako ng malalim.
"Gagawin kong unforgettable ang first kiss mo." aba! at pano nya nalamang first kiss ko to if ever?
"Then prove it!" Panghahamon ko sa kanya. Kung mabait sana sya hindi ko sya aasarin. Eh mayabang eh. He smirk then he kiss me. Napapikit ako. Smack lang for 5 seconds. Nagpalakpakan ang mga tao. Niyakap nya ko para mabulungan ako. "Di kita mahalikan ng husto dito sa simbahan, demonyo kasi ako humalik." Then kinindatan nya pa ako.Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!
Hilton Roward Villon!!!
My husband!
My enemy!
D@mn y○u!!!
BINABASA MO ANG
Forever Starts..
RomanceGaya sa mga nababasa at napapanood ni Selena ay nangyari rin sa kanya ang fixed marriage. Wala syang choice kundi ang sundin ang mga magulang nya. Paano nya papakisamahan ang taong hindi nya kilala? Magkakasundo ba sila? Pwede bang mauna ang kasal b...