Forever Committed Filipino Book Club

5.8K 168 241
                                    

ALL GENRE OF STORIES ARE ACCEPTED

__________________________________

Hello fellow club members and also non-members! Welcome to this club.

Our mission is to have a specific reader that will comment and vote to all of the chapters of your story. Now, I would like to present to you a new feature of this club!

The READ FOR READ. Kahit hindi ka member, maaari kang sumali. This is just like the other book clubs na may kapartner kayo tapos babasahin niyo ang book ng isa’t isa. Para sa mga members ng club, hiwalay ito ha? Meaning, kung sasali kayo dito, para lang din kayong sumali sa ibang book club na may kapartner sa pagbabasa. NEW FEATURE lang ito ng club para lang sa mga walang magawa at gustong magbasa pa ng story haha.

Pag sumali ka dito, para ka naring member at part ng club na ito. Ang kaibahan lang, we won't follow you back. Official members lang ang finafollow namin.

Hindi ito kasing bilis ng ibang book club na mag update pero masisiguro mo sa club na ito na mula sa puso ang pag comment ng bawat isa.

RULES:

 

1. Ang club na ito ay may paulit ulit na pagpapaalala. Namnamin ang RULES. Ulit uliting basahin.

2. Ang mga miyembro ng club na ito ay FRIENDLY. So dapat kayo din!

3. Bawal ang SNOB at MAARTE! Makipagfriends sa makakapartner mo.

4. Hindi to tulad ng ibang club na for the sake of votes and comments lang kaya kayo sumasali. Sa club na ito, kailangan ng PUSO sa pagbabasa.

5. Kailangang basahin LAHAT ng chapters ng storyang pinapabasa ng iyong ka-group na may kalakip na boto at komento. (Medyo brutal, kailangan lahat! Para manamnam niyo ang istorya ng bawat isa. Dahil pag may limitation sa kung ilang chapters lang ang babasahin, malamang doon na kayo hihinto para makaroon ulit ng partner)

6. Pag sinabi kong LAHAT ng chapters, LAHAT! Walang tawad. ICHECK niyo kung ginawa nga ng partner mo yun. Hindi kailangan sa club na ito ang taong hindi marunong sumunod sa rules. Sumali ka pa, diba? Kapag hindi ginawa ng partner niyo ang dapat gawin, PLEASE LANG IREPORT NIYO SA AMIN NANG MAI-BAN NA SIYA DITO.

7. Lagyan ng SENSE yung mga comment hindi yung puro “nice chapter” “good job” at kung anu-ano pang masakit sa matang mga comment. Isa puso ang story at ang pag comment.

8. Maganda ring bigyan ng CRITIQUE yung story but in a good way naman. Hayaan niyo siya sa way ng pagsulat niya (kung may emoticons man or actions na naka enclosed sa asterisk, etc.), way niya yun eh. Unless sinabi niya sainyo na turuan niyo siya kung paano maging isang good writer. Kung hindi, magfocus nalang kayo sa flow ng story.

9. BAWAL MAGPALIT ng story ng hindi muna nagpapaalam. Once na may kapartner ka na at nandoon na ang title ng story mo, sa next pairing ka na magpapalit kung nais mo.

10. WALANG TIME LIMIT sa pagbabasa. PERO wag niyo namang paghintayin ng matagal yung partner niyo kung nabasa na niya yung storya mo!

11. Maari kang UMALIS anytime dito sa read for read na ito at BUMALIK kung kelan mo gusto. Ang mahalaga, natapos mo yung story na babasahin mo bago ka umalis or bumalik.

12. Ang mga hindi susunod sa rules ay maba-BAN sa club na ito.

13. BAWAL ang buwisit dito. Yung tipong sasali ka tapos pag nabasa na yung story mo, lalayas ka na at di magpaparamdam ng hindi pa binabasa ang story ng kapartner mo. Once na nagsign ka na sa REGISTRATION AREA , kukulitin ka ng mga officers ng club na ito kapag lumipas ang napakatagal na panahon at hindi ka pa rin nagcocomment at hindi mo pa nababasa ang story ng kapartner mo.

14. Naiintindihan mo ba ang rules? Kung hindi, Basahin mo ulit. Ulit ulitin mo. Comment "Aye Aye!" kung nabasa mo nga ang rules.

 May hindi ka pa rin maintindihan? ~ mag tanong ka na wag ka mahiya.

Wag din kayong mag alala, either pantay or halos magkalapit ang number of chapters ng iyong kagroup para di naman lugi :)

(If free ka at wala kang magawa, makipagdaldalan sa members ng club na ito. Click the external link sa baba ng book cover)

KUNG NAIINTINDIHAN MO NA, PROCEED NA SA NEXT PAGE.

READ FOR READ (JOIN NOW!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon