Chapter 40

4.2K 112 0
                                    


    Napakaaga pa lamang ay sinalubong na ang dalawa ng masamang balita na galing sa kanilang kalapit na apartment.
   "Really Cita? Mayroong pumunta ritong mga kalalakihan at nagtanong ng impormasyon sa aming dalawa?! "Nandidilat ang matang tanong ni Carly sa kapit-apartment nila.
"Oo. Ang sabi ng mga ito sini-C. I. daw kayong dalawa dahil meron kayong pina-process na loan. "Anito.
"Eh bakit nman gabi nila gagawin iyon?. Saka di kami maglo-loan anuh?! "Nanlalaki ang matang wika nito sa babae.
"Ah-eh ewan ko! Sino ba ang mga iyon ha Beeya? "Baling nman nito sa kanya.
"A-ah eh di nmin kilala. Baka mga masasamang loob iyon na balak tayong pasukin dito! "Sindak nyang turan dito.
"Ganun?! Naku! Dapat pala magsara na tayo ng gate saka hwag ng makikipag-usap pa sa mga taong di dito nakatira sa apartment building natin! "Nahintakutan nitong pahayag sabay daklot ng dibdib nito.
"So starting today don't talk to strangers na. At never ng magbigay ng anumang impormasyon sa mga ito, gets mo ate? "Mataray na wika ng kaibigan rito dahil sa inis ng malamang nagbigay ito ng impormasyon sa mga taong nagtanong about sa kanilang dalawa.
     Nagmadaling pumasok pabalik sa kanilang apartment ang dalawa. Plano sana nilang mag-early walk ngunit dahil sa napag-alaman biglang nagbago ang kanilang gagawin sa araw na iyon.
  "Go to your room Bee. Pack some things. We're going back to our hometown. Were no longer safe staying in this apartment. Any time from now Greeco will show up. Hurry up! "Mabilis na wika nito.
  Kanya-kanya silang empaki ng mga damit. Pagkatapos nagmadaling lumabas at nagpahatid sa local airport pauwi ng province. Di rin sila nagbilin ng anumang impormasyon kung saan sila pupunta.
One and a half lang nman ang time ng travel nila pauwi sa probinsya . Kaya di sila gaanong mahihirapan sa pagtakas sa tauhan ng lalaki.
  "Carly, anung sasabihin natin sa atin pagkadating  doon? "Worry nyang tanong sa kanyang kaibigan.
"Bahala na si God Beeya. But we really need to go there. "Final na hayag nito.
"Paano kung itakwil nila ako dahil sa dinadala ko? "Nababahalang muling tanong nya.
"Eh paano kung itakwil din nila ako kapag nabunyag ang real na Carly?! "Tanong din nito.
"Magdasal na lang tayo na tanggapin nila sakaling makaharap natin silang lahat. "Tangi nyang nawika.
"Sana matanggap tayong dalawa sa atin. "Anito saka sya inakbayan at niyakap.
    Pagkarating ng airport madali silang nakabili ng tickets. Mabuti na lamang at may kakilala silang dalawa doon at di rin season kaya mabilis silang nakabili.
   Within two hours boarding time na nilang dalawa. Nakapila na sila paakyat sa plane ng may kumusyong naganap sa labas. Pagkatapos may boses na pumailanlang sa ere.
"Beeya I know you're here. Please don't go. We need to talk"madiinang wika ng boses na kilalang kilala nya talaga kahit ipikit nya pa ang mga mata.
  Nababahalang napakapit sya sa braso ng kaibigan. Tahimik nman itong napatingin sa kanya. Sila na ang susunod na hahanapan ng ticket.
"Carly what are we going to  do now? "Taranta nyang tanong dito.
"Nothing.  Don't panic. Just pretend you don't know what's happening. "Tanging saad nito na pilit tinatago ang kabang nararamdaman din nito. Mahigpit sya nitong hawak sa kamay.
  Sinunod nga nya ang sinabi ng kaibigan. Pilit syang ngumiti sa babaeng kumuha ng ticket nya para tingnan iyon. Mabuti na lamang at mukhang baguhan iyon kaya walang nangyaring pigilan.
"Have a safe flight ma'am and sir.! "Malawak ang ngiting turan nito.
Tipid silang napangiti rin rito. Mabilis syang inalalayan ni Carly dahil may mga airport personnel at guards ng naghahanap sa babaeng nasa pictures na pinakalat ng tauhan ni Greeco.
Mabuti na lamang at pareho silang nakapag-suot ng wig. Naglagay din sila ng peking nunal sa mukha. Pati nga si Carly naglagay ng pekeng mustache.
   Nagmukha tuloy itong baklang nagpilit maging macho. Pinagtawanan nya pa nga ito sa C. R. kanina habang inaayos ang kanilang get-up.

   Nakaupo na silang dalawa ng biglang mag-anunsyo ang piloto ng isang pangalang pinaghahanap  ng isang malaking tao sa lipunan.
Binanggit nito ang kanyang pangalan mabuti na lamang at nagawan iyon kanina ni Carly ng paraan. Ibang pangalan ang pinalagay nito sa kanyang ticket. Pati I. D. ay meron itong pinakita sa airport personnel.
"Di po tayo makakaalis kapag ang taong hinahanap ay naririto sa loob ng airplane. Kung sinuman ang taong iyon kung maaari ay tumayo na. Huwag mo ng pahirapan pa ang aming crews."muling pahayag nito.
   Lahat ng stewardess ay naglilibot, tinitingnan ang bawat pasaherong nahahawig sa babaeng nasa larawan.
  Nang mapadako iyon sa upuan nila umakto silang dalawa bilang isang sweet couple. Nakahilig sya sa balikat ng kaibigan habang ito nman ay nakayakap sa kanya.
""Sir, is your wife feels fine? "Medyo worry na tanong nito.
"Oh yeah. She's just afraid we can't get back in my hometown in time . Our families are expecting us in a small welcoming celebration for our incoming babies ."malambing na wika ni Carly rito.
"Oh my! Congratulations to both of you, sir and ma'am. Hopefully makakaalis agad ang eroplano pagkatapos ng checking. "Masayang saad nito.
   Di nito napansin na sya ang pinaghahanap ng mga taong nagkakagulo sa loob ng airport.
   Pagkalipas ng ilang minuto muling nag-anunsyo ang piloto at humingi ng paumanhin sa mga pasahero. Makakaalis na raw ang kanilang plane.
   "Ayy thanks God. Sa wakas paaalisin na din tayo. Akala ko aabutin pa tayo ng dekada dito! "Medyo sarcastic na wika ng baklitang para pagtakpan ang tense nitong nararamdaman.
Sya nman tanging paghugot ng malalim na buntong hininga ang nagawa.  Tahimik syang naupo sa kanyang pwesto.
  
   "Sire, I think they are inside of that leaving  plane. What are you going to do? "Wika ng kanyang tauhan habang pinagmamasdan ang papalipad na eroplano.
   "Prepare the private plane. And locate their destination. Will follow them. "Aniya saka tumalikod at mabilis na naglakad paalis sa kanilang kinatatayuan.
  Inis nyang dinayal ang number ng kanyang iba pang tauhan para maihanda ang kanilang dadalhin.
   Pasasaan ba at makokoner nya  ang babaeng nakikipaglaro sa kanya ng taguan. Kung iyon ang gusto nito pagbibigyan nya hanggang sa ito na mismo ang mahuhulog sa kanyang bitag.
  Kung inaakala nitong natakasan na sya ng babae ay nagkakamali ito. Dahil naetext na ng kanyang tauhan ang location ng lalapagan ng sinakyang nitong eroplano.

$PREGNANCY PLAN(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon