Accept that she is happy without you.》 Shan aug. 21, 2017
×××××××××××××××××××××××××
COLLEGE REUNION
ALYSSA'S POV:
"Aba ang ganda ng anak ko ah!" bati ni Mommy sa akin pagpasok ng kuwarto ko. Hiniram ko kasi ang maliit niyang pouch. Lipstick, poweder at coinpurse lang kasi ang dala ko. Pinili kong huwag ng dalhin ang cellphone ko para walang distractions. Tutal ang taong lagi ko namang kausap ay kasama ko naman.
"Maganda na ba ako My?"
"Oo naman! Mana ka sa akin eh! Andyan na pala ang sundo mo sa baba."
"Sundo? Ang kulit talaga niyang si Bea. Mang-iinis lang 'yon kasi nakadress ako eh."
"Bea? Hindi si Bea, 'yung bestfriend mo si Dennise."
"Den?" biglang sumikdo ang puso ko. Sabi niya ay dederetso na rin daw siya sa hotel.
"Oo. At pareho kayong maganda anak. Sana maging katulad ka niya na nakapag-asawa na raw. She confirmed it to me kanina."
"Ho?!"
"Bakit parang gulat na gulat ka dyan? Eh alam mo naman 'yon?"
"Aaah ehh.. Okay. Sino'ng sabi niya?"
"Private person daw. Pero nakakalungkot din ano? Kasi arranged marriage pala 'yon pero in time naman, sana lang matutunan din nilang mahalin ang isa't-isa."( Haaay! Yes Mom, mahal na mahal ko po siya.)
"A…. Oo nga po. Sige My, alis na po kami."
"Ly anak, sandali," pigil sa akin ng Mommy ko. Napansin niya ang wedding ring ko sa kamay. Itatago ko sana pero huli na. Ito kasi ang unang beses na isusuot ko ito pag-uwi namin dito sa Pilipinas.
"Maganda ang singsing mo. Sana sinama mo ako sa pagbili nyan. Sa'n mo ba nabili? Pang kasal yata ang disenyo?" Binawi ko ng marahan ang kamay ko sa kanya tsaka ako sumagot.
"Oo nga po My eh. Di ko nga napansin. Namasyal ako sa Colorado tas nakita ko sa isang shop. Mukha bang pangkasal? Hindi nga kasi ako marunong tumingin basta nagustuhan ko lang."
"Sabagay, maliit ka pa ay ugali mo na 'yung gano'n na matagal mamili pero once may nagustuhan, 'yun na. O siya sige, baka sa reunion mo makita ang The one mo."
"Bata pa 'ko My."
Pagbaba ko sa hagdan ay natanaw ko na si Denden na tahimik lang nakaupo sa sofa. Ito na namang nag-alburoto ang dibdib ko. Parang laging sumasayaw sa tuwing nandyan ang presensiya ng taong mahal ko. Huminga ako ng malalim bago ako tumapak ng sahig. Kasi naman, ang ganda-ganda ni Dennise sa kanyang yellow dress. Lalong umusbong ang kaputian nya.
"Hi!" Bati ko sa kanya pagkalapit ko. She hugged me and kissed sa cheek. "Ang ganda ng asawa ko," bulong niya sa tainga ko.
"And your lovelier baby," bulong ko rin. "Alis na tayo bago pa kita mahalikan dito," dugtong ko. Humagikgik naman siya na parang kinilig. :)
Pagsakay ng kotse ni Den ay hinawakan ko agad ang kamay niya.
"I've missed you hon," malambing kong sabi. Kung maaari lang sana na magsama na kami sa iisang bubong.
"Ako rin. Tara na, baka tuksuhin tayong late. Sabihin hindi na ako nagbago."
"Maaga pa naman," sagot ko sabay ayos na ng upo ko pagkasuot ko ng seatbelt. Nagsimula na kaming umandar. Pinakita ko sa kanya na suot ko ang ring.
BINABASA MO ANG
Asa Lang sa Yo Dati, Eh Ngayon? ( Completed Gxg )
FanfictionA-sa L-ang sa Y-o D-ati E-h N-gayon? An Alyden Fanfic Story. Love kept unsaid. Highest Ranking: No.1 in #Denden Sept. 2018