Stressed...

504 13 0
                                    

salamat po sa lahat ng nagbabasa! Fighting!!

"Maganda ka kasi."

Napatitig na naman siya kay Allen. She's Speechless.

Now she don't know what to do..

"Susme bakit naman ganito? H... I'm sor.."

 "Naiinggit ako, may tumalbog na naman sa beauty ko. Anong sikreto mo?"

"Hah?!"

Napanganga si Oshien sa narinig niya.

Halakhakan naman ang tatlo sa naging reaksyon niya  kay Allen. Hindi niya kasi akalaing biglang magboboses hinhin dahil kanina lang lalaking-lalaki pakitungo sa kanya. Yun pala..

"Gay..gay ka?" turo niya pa kay Allen.

"Hey you!" Napapitlag si Oshien, bigla rin kasing tinabig ang kamay niya. "Don't make duro-duro to me ha! Chusera ka, obvious naman diba? And don't call me gay. Girlalu itech, maganda ka lang sa'kin Madir!"

"P..pero.. Sayang!!"

"Sayang ka diyan!" sigaw rin ni Allen saka siya inismiran.

"Hay naku Ate, wala ka nang magagawa diyan. Solido na yan. Naloko ka noh? Ganyan yan magpakilala sa iba.Papakalalaki muna, then maya-maya lang babakla na."

"Hey..? Wake up yow! Wag mo 'kong titigan, magkapalit tayo ng itsura. Kunsabagay, mas peg ko yun. Tingin mo Shar?"

Pinilit ni Oshien bumalik sa Earth ang kaluluwa niya. Lang ya, sayang naman!! Ang gwapo niya sana. Tapos gay?

Haha the heck lang..

Oo nga pala, hindi pa siya nagpapakilala. Inayos niya muna ang sarili niya bago magsalita.

"Okay, nice to meet you guys. Grabe nagulat talaga ako kanina eh, pasensya na ha. Ahmm..since nakapagpakilala na kayo sa'kin, maybe it's my turn now to introduce myself. I'm Oshien Anne Cruz, new student dito sa Feinville. I Guess matagal na kayong magkakaibigan and I believe na mababait kayo kaya masaya akong makasama sa grupo niyo thanks a lot!" sabi niya.

"Welcome a lot too! Anyway Oshien, wow cute ng pangalan mo. Tunog Ocean." Puna ni Sophie.

"Yeah..Kaya nga 'ko sinasabihang Ocean deep ng kupal na yun eh."

"Hah?"

"Ah? Wala naman akong sinasabi.."

"Ganon? Oh sige. Ganito, Oshien wag kang mahihiya sa'min ah. Kalog kami maniwala ka. Diyan kami magaling kaya nagkakasundo. Masanay ka na hah. At dahil marami kami kung iisa-isahin mo pang iinterview-hin, isu-summarize ko na lang ha?"

"Okay.."

"Yan, ako at si Jane matagal na kaming friends. Since 2nd year college. Parehas businessman ang mga magulang namin, ang pinagkaiba lang, owner ng isang malaking fishery ang dad & mom ko. Sina Jane naman, may bakering business. Matagal na kaming mga loka-loka hanggang sa nakilala namin sina Allen "Ally" daw pala siya and Sharmaine. Yan, mas umingay  ang barkadahan. Si Ally, doctor ang daddy niyan, ang mommy niya naman sa States nagtatrabaho. Somewhat related rin daw yun sa medicine. Take note, legal pagkaladlad niyan sa pamilya niya!"

"Wow Cool!!" Opinion ni Oshien.

"And lastly, si Shar. Profesional teacher rin sa isang University ang Mommy niya, yung daddy niya manager naman sa isang Gadget company. Later on mas makikilala mo rin kami. At syempre ikaw rin. Sensya mga status ng parents namin yung sinabi ko hah, nakakaloka kasi mag-elaborate ng mga personal infos ng isa-isa. Next time na lang magkakasama naman tayo eh kaya malalaman mo rin yun."

"a..wow, mga big time babies pala kayo."

"At ikaw hindi?" sabad ni Allen, Ally na pala..

"Ahh..heheh.."

"Ngayon naman.." sabay-sabay nilang tiningnan ng mapang-usisang tingin si Oshien.

"Ikaw na magkwento Oshien, bakit ngayon ka lang lumipat ng school? Ngayong Fourth year ka na?" tanong ni Sharmaine.

"Kasi.. malayo na yung school ko dati sa bahay namin. Lumipat na kasi kami ng bahay ng as..."

"Asawa??!! May asawa ka na sis??!!"

Napalingon rin ang iba pang mga kaklase nila sa sinabi ni Allen. Bigla tuloy ang akyat ng kaba kay Oshien. Kung bakit kasi muntik-muntik siyang madulas!

"H..hala hindi ah! Ano yun..ano..Aso! oo aso ko! May alaga kasi akong aso sa bahay eh. Makasigaw naman ng asawa..hehehe.."

"Bakit? Ano yun? Aso lang kasama mo sa bahay niyo?" tanong naman ni Jane.

"Hindi naman sa ganon.." yun lang kasi ang safe answer para di na siya usisain ng apat.

"Ah, okay, eh teka 'sang school ka ba dati?"

"Sa Quinson,"

"Wow! Naka-all girls ka pala dati! Bonggacious ka 'Day!" Ally.

"San' ka na nakatira ngayon??" Jane.

"Hey tama na yang tanong tungkol dyan. Eto magandang tanong, Businessman mga magulang mo?" Sophie.

"Haha, tawa ako dun Sophie ah." Pambabara ni Sharmaine. Nginusuan lang naman siya ng isa saka tumingin uli kay Oshien.

"oo mga businessman sila. Malapit na ngang maging partners kung kasama na sa magulang na tinutukoy niyo ang mga parents-in-law ko. Dalawang venture ang mina-manage nila, isang publishing house(sa amin) tsaka bookstore & school/office supples store(Kina Julian)."

"Wow, kaw na talaga Oshien. Oh eto na sunod na magandang tanong."

"Siguraduhin mo nang maganda yan Sophie ah. Nakahanda na kong mambatok." Banta ni Jane sa kanya.

"At talagang ini-interview niyo na 'ko ah."

 "Siyempre naman! Diba guys, para may infos naman kami sayo. Eto na tanong namen ah.."

"Sige.."

"May boyfriend ka na?"

"Another  Goosebumps.."

Halatang interesado ang mga 'to sa isasagot niya dahil titig na titig talaga sila sa kanya. Siya naman, kulang na lang atakihin na sa puso, ilang beses na siyang nabigla sa  tirada ng mga ito..

                Bago niya pa sagutin ang tanong, then again..huminga na naman siya ng malalim at pumikit.

Akala pa naman niya kapag nandyan lang si Julian nangyayari ang mga ganitong hinga hinga meditation niya. Hindi rin pala siya makakaligtas sa school.

Maya-maya, dumilat na rin siya para sagutin sina Sophie..

Let's Play! Husband and Wife!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon