Chapter Seven

19 3 0
                                    

Ella’s POV

“Bakit ka ganyan? Bakit sa isang sandali feeling ko ok tayo, tapos biglang hindi mo na ako pinapansin, tapos ngayon nandito ka kasama ko, bakit? Bakit ganito ka sa’kin?”Mga tanong ko kay Lendl kagabi.

Nabigla ako nung nakita ko siya dun pero nagkausap din naman kami. Hindi nagtagal, bago siya umalis, naitanong ko ang mga yun sa kanya.

“Sorry. May nangyari lang kaya ganun. Pasensya na. Huwag mo nang isipin yun.” Yan ang isinagot niya saka siya umalis.

Anong nangyari? Bakit sa’kin niya ginawa yun? Ano? Damay ako? Hindi ko talaga siya maintindihan. Ang gulo niya. Mas magulo pa siya kesa nung una ko siyang nakita.

Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil dun. Tapos iniisip ko pa si Aya. Bakit ba ko namomoblema ng ganito? =_______=

“Hi Ella.” Bati sa’kin ni Nathan. Classmate ko.

“Hi.”

“Ang tamlay mo ah. Ok ka lang?”

“Yup. Wala lang akong tulog.”

“Ah. Nag-aral ka siguro kagabi ‘no? Buti ka pa.” Sabi niya.

Kung sana nga lang nag-aral ako kagabi, baka natuwa pa ko kesa nag-iisip ng sobra. =_____=

“Teka, saan nga pala yung kaibigan mong maingay? Hindi ata kayo magkasama ngayon.” Tanong niya. Si Aya ang tinutukoy niya. Hindi sila naging classmates ni Aya sa kahit anong subjects pero nagkakilala sila dahil sa’kin.

“Hindi ko pa nga nakikita si Aya eh. Baka may klase pa.”

“Ah. I see. Kala ko nag-away kayo kaya hindi kayo magkasama ngayon.” Sabi niya.

Hindi ako sumagot. Hindi naman kasi kami nag-away eh. Hindi ko lang talaga alam kung anong problema. Kung may problema ba talaga kami. =________=

Aya’s POV

Hindi ko pa din kinakausap si Ella hanggang ngayon. Nakokonsensya na nga ako kasi para akong batang inggitera na nagpapapansin. Dinamay ko pa si Ella, pati si Akira. Masakit ata nasabi ko sa kanya kahapon. Gusto ko sana siyang kausapin kaya para magsorry kaya lang baka galit siya sa’kin dahil sa mga nasabi ko.

“For this presentation you will be working by pertners. You can choose anyone you want. Then write your names on a one-eight sheet of paper and give it to me. Then I will give you the topic for your presentation.” Sabi ng Prof namin sa Good Governance subj namin. Naisip ko na pagkakataon ko na para makausap at makapag-sorry ako kay Akira.

“Ahmmm. Akira.”

“Hmmm.”

“Ano…”

“Akira!” Tawag sa’kanya ng classmate namin. “Partner tayo ah.” Dagdag pa nito.

“Sige ba.” Pagpayag naman ni Akira. Nakakainis. Naunahan ako. =______=

“May sasabihin ka?” Tanong ni Akira.

“Ahmmm. Wala naman.” Sabi ko.

Umalis naman siya sa kinauupuan niya at pinuntahan yung nakipagpartner sa kanya. Natapos na lang ang klase, hindi man lang ako nakapag-sorry sa kanya.

Papunta naman kami ni Maricar, partner ko sa presentation, sa computer lab para magresearch nang makasalubong namin si Stephen. Iiwas sana ako kaya lang nakita na niya ako.

HilingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon