AGKB 15: may the best man win :)

5.2K 149 2
                                    

Francheska's

Walang pasok ngayong araw kasi may meeting daw yung mga officers sa gagawing school activity . Okay din yung school namin noh!? Puro activity nalang xD

"Best mag kwento ka naman oh!" kanina pa ako kinukulit ng mga bestfriend ko—actually kagabi pa nila ako kinukulit -_____-

"Hay! Sheena bakit hindi kana umuuwi sa inyo ha?" pag iiba ko ng topic. Napansin ko din kasi na mag dadalawang linggo na siya samin

"Dito na ako titira sa inyo , alam narin ni tita Rhea " masayang sabi niya "Bakit ayaw moba? *pout*"

"Leche wag ka ng mag pout di bagay sayo! hahahaha" pag kasabi ko nun bumaba na ako para kumain ng Breakfast

"yes! One point for Francheska , Nakaiwas nanaman" Hahaha ang galing ko talaga ,.

Umupo na agad ako sa dining table at kumuha ng egg, Narinig ko naman yung mga steps nila Alliah kaya tumayo agad ako at pumunta sa cr

Kaso huli na pala:3 "Hep! Hep! Hep!" pagpigil sakin ng dalawa tapos pumalibot sakin, Tsk. para akong lalaban sa Karate

"Oo na! Ike-kwento kona sainyo!" Umupo nako at kumain ulit  habang kumakain kami nagkekwento ako -tong dalawa naman kilig na kilig .

Kinwento ko sa kanila yung buong ditalye hanggang sa kaladkarin ako ni Mokong hanggang sa makarating kami sa Secret garden ng school as in lahat , Kinuwento ko

"Ah! so.... pina alis ka ni Brixx tapos nag away silang dalawa?" tanong ni Alliah "Paulit ulit? Ganon? Tsk ,Stupid" Sabi ko pero yung dalawa ang lalim ng iniisip

"Diba mag bestfriend yung dalawang yun? Bakit sila mag aaway?" tanong ni Sheena, hindi kona sila pinansin kasi kumain nalang ako kumain, ang sarap kaya kumain :P

"Baka naman ......" sabay na sabi ng dalawa "Oo nga! Tama! " masayang sabi nila Tsk. minsan nakakabwiset na tong dalawang kaibigan ko kasi sila lang yung nagkakaintindihan

"Anu yun?" pagsingit ko sa usapan nila, Nag tinginan muna silang dalawa bago sumagot sa tanung ko "Wala wala best ,Never mind. Kain ka nalang diyan para gumanda ka lalo " natatawang sabi ni Alliah , nako inaasar lang ako nito eh

"Ewan ko sa inyo! Wait nasan si Nanay Rosing at Ken?" tanong ko, Hindi ko kasi silla napansin kanina eh

"Si Ken pumuntang Korea may trip daw kasi sila don, pumayag naman si Tita Rhea kasi nandon naman daw siya" sagot ni Alliah, "Si Nanay Rosing naman, namalengke kasi wala na daw laman yung ref natin" dagdag ni Sheena .

Tinapos na namin yung pagkain namin at nag Movie marathon, Gusto ko kasi maging busy para hindi ko maalala yung nangyari kahapon sa garden .

Brixx Andrei's

Nandito ako sa bahay namin bored na bored , gusto ko nga sana puntahan si cheska kaso biglang nag texx si Ivan .

From: Ivan

~Brixx punta ka sa Park na malapit dito sa village 4 P.M sharp ~

Ano naman kaya naiisip nito? puro katarantaduhan ginagawa  walang siryoso tsk .

"Baka naman mag so-sorry siya sa pagsapak niya sa akin kahapon?" Tinignan ko yung watch ko and its already 3 P.M

To: Ivan

~ Okay, I'll go there 4 P.M sharp ~

Naligo na ako pag katapos ko siyang replyan baka mag init ulo nun sa kakahintay dun ,

Pagkalabas ko sa cr may kumatok "Young master, may bisita po kayo" sabi ng yaya namin "Papasukin mo sa sala"

Nagbihis na agad ako, Pupunta na din ako kila cheska para kamustahin siya, hindi ko na kasi siya nahatid kahapon dahil sa away namin ni Ivan

Pagkababa ko may nakita akong isang babae na nakatalikod, Her back is familiar to me.

"Who are y—" hindi ko natuloy yung sasabihin ko ng humarap yung babaeng nasa harap ko "Hey! Harlyn!" hindi ko napigilan napayakap na ako sa kanya. Miss na miss kona yung babaeng to

almost one year din siyang nawala at nandon sa Korea para asikasuhin yung bussiness nila and I miss her so damn much

"kamusta?" tanong niya pagbitaw namin sa pagkakayakap "eto pogi padin" malungkot kong sabi sabay tawa

"Hahahahaha hindi ka parin pala nagbabago, ikaw padin pala si Brixx Andrei Sy na nakilala ko" Natatawang sabi niya, siya yung pinaka close ni Ivan sa amin bukod sakin sakanya lang din sumusunod si Ivan

" Hahaha kailan ka nga pala dumating?"

"Kanina lang, kakagaling ko lang kila Ivan kaso wala naman siya don"

"Ay shit! may usapan pala kami ni Ivan, Mabuti pa sumama ka nalang sakin? dun lang sa park na madalas niyang puntahan" Tumayo na ako at inalalayan siyang lumabas

"No, hindi nako sasama, aasikasuhin ko pa yung pagtransfer ko sa school natin" sabi niya 

"Ah okay okay, Nagbabalik si Harhar hahahahaha" natatawang sabi ko halata namang nainis siya dun, Ayaw niya kasing tinatawag siyang harhar

"Ewan ko sayo! Una na ako, Marami pa akong gagawin eh, Kita kits nalang sa school " Pumasok na siya sa kotse niya .

Binaba niya yung salamin ng kotse kaya sumilip muna ako  "Hahahaha libre nalang kita bukas , pambawe"

"Yan ang gusto ko sayo Brixx eh" tinaas na niya yung mirror at pinaandar na yung kotse niya, Marunong napala siya magpaandar ng kotse

Pumasok nadin ako sa kotse ko,  tinignan ko yung watch ko "Its already 3:56" makaka abot pa ako niyan tiwala lang

Pagdating ko sa park  pumunta agad ako dun sa palagi niyang tinatambayan, sa bench na malapit sa playground. Dun kasi siya madalas mag laro may pagka isip bata din kasi tong si ivan

Nakita ko si Ivan na nakaupo sa 'swing' habang nagbubunot ng damo, Tsk. kailan niya pa ginawa to?

"You're late, I've been waiting here for fckin' 3 minutes." sabi niya , Nakita na niya pala ako "Sus! 3 minutes lang, bakit mo ko pinatawag ?" tanong ko sa kanya

"Mag sosorry ka ba sakin? Pfft. wag na Ivan, Bestfriend naman kita eh" hindi parin siya sumasagot kaya tumabi nako sa kanya

"si Harlyn nga pala dumating na, Kaya ako na late kasi pumunta siya sa bahay" tumingin siya sa akin ng diretso , Yung tingin na siryoso yung walang halong biro

"Gusto mo ba talaga si Boyish?" tanong niya

"Oo , Hindi lang gusto. kasi mahal ko siya pre MAHAL" sabi ko sa kanya pero tumingin lang siya sa malayo na parang malalim yung iniisip .

"Mahal mo siya?" tanong niya , Tss. pauulit ulit-,-

"sorry pala kahapon, just forget what i've said"

"Okay lang pre! Hindi naman masyadong malakas yung pagkakasuntok mo eh" bigla naman siyang tumayo at naglakad palayo sakin kaya sinundan ko

"Pre hindi ako tanga, alam ko namang may gusto ka kay Cheska...okay lang naman sakin" sabi ko, inakbayan ko nalang siya para masabi niya sakin kung totoo ba yung iniisip ko

"May the best man win nalang dude" sabi ko sa kanya sabay apir, umalis na ako kasi anong oras nadin. pupuntahan kopa si Cheska para kamustahin siya

"Pre salamat" narinig kong sabi ni Ivan kahit malayo na ako sakanya

"mahirap na laban 'to"

Prince Ivan's

"May the best man win nalang pre!" sabi ni Brixx sakin. pagkatapos niyang sabihin yun nakipag apir lang siya sa akin tapos  naglakad na palayo

"Pre salamat" hindi ko alam kung bakit lumabas yan sa bibig ko, may gusto na ba talaga ko kay Boyish?

Hindi muna ako umalis sa Park, hinintay ko muna yung paglubog ng araw

" may the best man win.."

"may the best man win.."

"may the best man win.."

Palagi kong iniisip yung sinabi ni Brixx , Bakit sinasabi niya yun? Wala naman akong gusto kay boyish

"aish ano ba 'tong pinasok ko?"

Ang Girlfriend kong BoyishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon