Bago nangyari ang lahat.. (Sagutin mo lang ako prequel)
"Uy si Andrei yun di ba?" Sumabay ako sa pagtakbo ng mga kapwa ko fan girl. Inaabagan namin ang pagdating ng aming dream boy na si Andrei Bonifacio.
Hawak-hawak ko ang ginawa kong cupcakes para kay Andrei dahil valentines day ngayon.
"Andrei! Andrei!" Sigaw ko nung malapit na siya sa akin. May hawak narin siyang isang kahon ng Ferrero, ang dami ng nag-aabot sa kanya ng mga mamahaling chocolates.
"Andr--aaah!" Sigaw ko ng biglang may tumulak sa akin. Natumba ako sa sahig pero prinotektahan ko ng sobra ang cupcakes na pinaghirapan ko. Ilang ingredients din ang nasayang ko dito. Tinignan ko ng masama ang tumulak sa akin. "Aray ko ah? Kelangan manulak? OA lang teh?!"
Nagulat ako ng biglang tumahimik ang lahat. Anong meron? Bigla kong nakita na may nag abot ng kamay sa akin. May mabait din pala sa mga tulad ko dito sa school na to. Kinuha ko yun at inalalayan akong makatayo. Inayos ko ang salamin ko at chineck ang cupcakes.
"Are you okay?" Tanong ng lalaki, pero hindi ko siya pinansin at patuloy parin sa pagtingin. Nakahinga ako ng maluwang ng makitang walang damage yon.
"Thank God." Bulong ko pagkatapos ng 'cupcake check up' Narinig kong nag chuckle ang lalaki.
"I'm not god." Nagyon ko lang naalala na hindi pa pala ako nagpapasalamat sa kanya. Tumingin ako sa kanya at halos mawalan ako ng malay ng makilala ko kung sino.
"A-a-a-andrei." Gulat na sabi ko.
"Yes, I'm Andrei." Bigla siyang tinawag ng isang team mate niya nagsabi siyang susunod na siya pagkatapos ay tumingin ulit sakin. "I guess you're okay. I have to go. Bye."
'Haaaaaaaaaaay'
Narinig kong sabay-sabay na reaction ng mga babae sa paligid ko, syempre pati ako. Hinding hindi ko na babasain ang kamay ko kahit kailan! Ang gwapo talaga ni Andrei at ang bait at talented pa. Bukod kasi sa pagiging varsity at star player niya isa pa siyang vocalist ng banda.
"He's so good and gwapo talaga. He still made tulong to that nerd even if he is nagmamadali." Narinig kong sabi ng isang maarteng babae. Nakatingin parin ako sa direction na pinuntahan ni Andrei at yun ay ang basketball court.
"You're Tama. And kahit na this nerd is so nakakadiri he offered paren his hand." Tinignan ko lang sila ng masama.
-
Pagkatapos ng nangyari ay naglakad na ako papuntang classroom. Mabuti nalang at hindi na damage ang cupcakes na ibibigay ko sa kanya.
Natigil ako sa paglalakad. Cupcakes? Sa kanya?
"HINDI KO NABIGAAAAAAY!!!!!"
"Ms. Rizal! No shouting at the corridor!" Narinig kong sigaw ng professor.
"Sorry po." Halos mangiyak-ngiyak na ako dahil hindi ko nabigay kay Andrei ang ginawa ko.
Di bale. Hindi pa naman tapos ang valentines day. Umaga palang. Umupo na ako sa upuan ko at nilabas ang notebook ko na may mukha ni Andrei.
Kumuha pa ako ng picture niya sa facebook at nag-print sa sticker paper para lang palagi kong makita ang mukha niya. Hindi lang notebook ko ang meron. Pati kwarto ko sa bahay punong-puno ng mukha ni Andrei. At kahit ballpen, lapis, eraser, may mga pangalan ni Andrei. Kung hindi nga lang ako pagagalitan magpapalagay ako ng tattoo na mukha ni Andrei.
-
"Andrei!" Tawag ko sa kanya. Pinuntahan ko siya sa klase niya para ibigay ang cupcakes.
"And what are you ginagawa here nerd?" Hindi ko siya pinansin at patuloy ako sa pagtawag kay Andrei. Pero hindi niya ako naririnig dahil nilalandi siya ng mga babaeng haliparot. Gusto kong magpalit ng sched! Kainis, naunahan kasi ako kaya naubusan ako ng slot.
BINABASA MO ANG
Sagutin mo lang ako (Complete)
HumorPaano kaya mapapalambot ng taong kasing hot ng kape ang pusong kasing tigas ng lumang tinapay? They say love is sweeter the second time around, pero paano kung kasing pait ng kapeng barako ang past nila?