HINDI ko alam kung bakit ko iniisip na unfinished ang bagay sa aming dalawa.Hindi ko talaga alam.
Wala naman kaming nasimulan.
Ang gulo no? Ako rin naguguluhan.
•••
Nagsimula ang lahat nung grade six ako, nang makilala ko siya. Pareho kami ng school na pinapasukan. Pareho din ng classroom kaya obviously, magkaklase kami.
Tahimik ako at minsan lang makipag-usap. Isa sa mga dahilan kung bakit walang kahit sino ang lumalapit o nakikipagkaibigan sa 'kin. I'm totally alone. I must be isolating my from anyone. Libro ang madalas kong kausap at kaharap.
Okay lang. At least, libro ang mismong nagpapasaya sa 'kin.
Tahimik at normal lang ang buhay ko sa school. Nag-aaral, nakikinig sa teacher, at nagsisikap na makakuha ng mataas na marka. Isa sa mga ayaw ko sa class activity ay groupings. Nahihirapan kasi akong makisalamuha sa mga kagrupo kong minsan ay ayaw sa 'kin. Subalit, kahit papa'no naman nakakaya ko pakisamahan sila kahit na di ko gusto, alang-alang sa grades ko.
Marami ring ayaw makipag-kaibigan sa 'kin. Halos lahat siguro? Madalas nga akong asarin pero hindi ko na lang pinapatulan. Ayaw ko ng gulo o maski away. Aalis at lalayo rin ang mga ayan kapag nagsawa sila. Ganun naman talaga lagi. I always need to get away and let them do whatever they want without disturbing me.
Hindi ko na tinatandaan pa ang mga taong madalas mam-bully sa 'kin. Pero may isang taong kahit anong iwas ko, feeling ko, hindi niya ako tatantanan hanggang sa mapahiya ako ng husto. Ang matindi, classmate ko pa siya kaya naging impyerno ang buhay ko sa school.
Yeah. He's obviously a jerk and asshole. I don't need to emphasize that because his face screams it all.
Inis na inis talaga ako sa kanya! Kahit ayaw ko siyang tandaan at kalimutan na lang ang mga katarantaduhan niyang ginagawa sa 'kin, hindi nakikisama ang utak ko. Talagang tumatak sa isip ko ang mukha at pangalan niya, na para bang inukit na. Walang akong araw na hindi nasisira kapag nand'yan siya at todo ang pambu-bully sa 'kin. Marami nga siyang kaibigan, pero lahat sila, balasubas rin katulad niya! Kaya habang tumatagal, dumami ang mga taong gustong-gusto akong i-bully! Napaka-bad influence ng h@yup.
Bwiset!
Halos gusto ko na ngang lumayas dun sa school. Sirang-sira ang araw ko sa tuwing umi-epal siya sa buhay ko. Pero wala akong magawa. Ayaw kong ipaalam at malaman ng parents ko ang nangyayari.
Bukod sa ayaw ko talaga ng gulo, ayoko ring mamroblema sila Mama. Wala akong laban sa isang 'to.
Pa'no ba naman kasi, yung lalaking leader ng pambu-bully sa 'kin, ay anak ng may-ari ng school namin, ang school namin na malaki at tanging mayayaman lang ang nakakapasok. Kaya umaapaw ang kayabangan niya to the highest level. Ang sarap niyang bigwasan.
Wala akong laban sa katulad niya. Dehado na talaga ako. Maraming kumakampi sa kanya eh. Walang may lakas-loob na magsumbong sa kabalastugan niya at ng mga kaibigan niya. Maski ako hindi ko kayang itulak ang sarili ko sa Detention Office. Kung wala akong pakialam sa magiging consequence, hindi talaga ako magdadalawang-isip na ingudngod siya sa lupa ng campus.
Pero kahit anong gawin ko, mawawalan din ng saysay. Sa huli ako pa rin ang talo. Tama sila. Mahirap ngang banggain ang isang badboy prince.
Damn you, Caiden Silvius Cervantes to death!
Sa tuwing nababanggit at naririnig ko ang pangalang ‘yan, nanggagalaiti na talaga ang kaloob-looban ko. Halos idura ko ang pangalang ‘yan. Pero hanggang isip lang yun. Hindi ko kayang ilabas.
BINABASA MO ANG
Unfinished
Historia Corta"Minsan may mga bagay na kahit wala namang sinimulan, may pagkakataong masasabi mong UNFINISHED pa rin..." - Lauren F. Paano kaya kung malaman mo ang isang napakasakit na katotohanan? Matatanggap mo kaya? Makakaya mo kaya? Subalit paano kung bumali...