chapter nineteen.

8K 94 11
                                    


[Lauren's POV]

"Lauren, gumising ka." Naalimpungatan naman ako sa sinabi ni Daniel.

Napatingin ako sa paligid. Oo nga pala, nasilid kami sa isang storage room kagabi. Kaming dalawa ni Daniel.

Tiningnan ko kung anung oras na, 5:30AM na. "Bukas na ba yung pinto?" Umiling naman si Daniel.

"Ako na ang bahala magpaliwanag kay Ivan."

"No, w-wag na! Ako nalang." Hindi alam ni Ivan na nakipagkita ako kay Daniel. Hindi ko na din balak sabihin sakanya.

"Anong ginagawa nyo jan?!" Napatayo ako nang bumukas ang pintuan. "Magnanakaw kayo noh!"

"Hindi po! Nalock po kami dito kagabi. Wala pong nagbukas." Lumabas kami ni Daniel ng tumatakbo. Hawak pa niya ang kamay ko kaya bumitaw ako.

"Uuwi nako." Pumara ako ng taxi saka pumasok. Hindi ko na narinig ang sinasabi ni Daniel. Isang kamalian ang pakikipagkita ko kay Daniel.

-

"Ivan!" Pagpasok ko sa bahay ay parang walang tao sa bahay, kahit yung mga maids parang wala.

Nagpunta ako sa kusina at nakita ko dun si Ivan at Ate Daniela. Mukha silang problemado.

"I-Ivan."

"Lauren, bat ngayon ka lang? May problema tayo." Napasapo naman sa noo niya si Ate Daniela. Ano? Anong problema?

-

3RD PERSON'S POV:

"Damn ate! Bakit wala pa si Lauren?" Nag'aalalang tanong ni Ivan sa kapatid nito. Maghahating gabi na pero wala pa rin si Lauren, hindi rin nila to macontact dahil nakapatay ang phone niya.

*ding!

Nagmadaling binuksan ni Ivan ang pintuan sa pagaakalang si Lauren na to pero nagulat siya sa taong nakita niya.

Isang taong hindi niya inaasahang pupunta.

"Ma." Yun na lang ang nasabi ni Ivan. Gulat din si Daniela sa pagdating ng mama nila.

"Ivan, we need to talk." Seryosong sabi ng mama niya. Pumunta sila sa sala para makapagusap ng maayos.

"Anong ginagawa mo dito?" Mataray na tanong ni Daniela sa ina. Hindi maganda ang estado ng mag'ina dahil sa di malamang dahilan.

"Daniela, di ikaw ang pinunta ko dito. It's about you Ivan, madami akong nalaman na hindi ko nagustuhan." Para bang naguluhan si Ivan. Matagal din kasing hindi nagkita ang mag'ina kaya't di na sila masyadong open sa isa't isa.

"Like what?"

"Like you, living with a call girl." Nagkatinginan naman si Daniela at Ivan.

"Anong call girl? Hindi prostitute si Lauren!" Depensa ni Daniela. Naiinis si Daniela sa kitid ng utak ng ina nila.

"Nagresearch kami, I hired a private imbestigator to see what's her background at yun ang nalaman ko, at alam kong hindi ikaw ang ama ng batang anak niya!" Napataas ang boses ng mama nila.

"Ako ang ama ng anak namin ma. Kung sino man ang imbestigator mo mali sila! Lauren is not a call girl!"

"Ivan! Hindi kita pinalaking tanga!" Nagsalubong ang kilay ni Ivan. "Pineperahan ka lang ng prostitute na yan!"

"Ano ba! Hindi nga siya prostitute! Ano ba!" Sinigawan ni Daniela ang mama nila.

"Pinag'usapan na namin to. Ipapakasal kita sa anak ng shareholder ng kumpanya natin. Sa ayaw at gusto niyo," Tumayo ang mama nila Ivan at lumabas ng bahay.

Naiwan ang dalawang tulala.

-

flashback

"Hindi pwede! Hindi ako papayag sa sinasabi mo!" Asar na sagot ni Daniela sa kausap niya sa telepono.

[Sa ayaw at sa gusto mo ipapakasal ko si Ivan kay Andrea.] Kausap niya ngayon ang mama nila.

"Hindi sa lahat ng oras ikaw ang masusunod! May isip kami!" Halos pasigaw na nyang sabi.

[Nabulag ka na din ba ng babaeng yun? You need to open your eyes Daniela! Hindi ko kayo pinalaking mga tanga!]

"Hindi, kahit kailan hindi kita susuportahan sa plano mo!" Saka tuluyang binaba ni Daniela ang telepono. Kaharap niya ngayon si Tuck, ang private investigator niya.

"Gusto kong sundan mo ang lahat ng kilos ng babaeng yan. Gusto ko malaman lahat ng baho niya at kung ano mang makakasira sa reputasyon niya." Saka iniabot ni Daniela ang sobre na naglalaman ng bayad niya at litrato ni Andrea Foster. Ang babaeng ipapakasal ng mama nila kay Ivan.

"Masusunod po. Babalitaan ko nalang po kayo." Saka umalis si Tuck.

Napasabunot si Daniela sa buhok niya. .

Hindi pwedeng matuloy ang balak nila. Hindi siya makakapayag kahit pa itakwil siya ng pamilya nila.

Para sa ikasasaya ng kapatid niya, lahat ibibigay niya.

Tinuloy ni Daniela ang balak niya. Mahal niya ang kapatid niya at gusto niyang masaya ito, and she knows he'll be happy with Lauren.

"Kailangang makasal na kayo. Kahit civil muna, as long na makasal kayo." Sabi ni Daniela kay Ivan at Lauren.

Nakatulala lang si Lauren habang umiiyak.

Bakit nga ba hindi sila matantanan ng kamalasan?

-

[Ivan's POV]

Hindi ako makakapayag na ipakasal ako ni mama sa kung kani kanino. Alam ko kung sino ang gusto niya, si Andrea. Ayoko sakanya. Kahit gustung gusto niya ako, wala akong makitang dapat ikagusto sakanya.

Nasa garden ako, naglalasing. Naiinis ako sa mama ko. Bakit hindi niya na lang kami pabayaan? Mahal ko si Lauren at mahal ko rin si Ivannah. Can't she understand that? How selfish is she?

"Ivan." Napalingon ako, si Lauren. Umiiyak. Bakit ba hindi ko magawang patahanin siya? Bakit?

Niyakap ko si Lauren. Hindi, hindi ko siya bibitawan. Siya ang mahal ko at siya ang gusto kong makasama.

"Lauren, I'm sorry.." Umiiyak kong sabi.

"Okay lang Ivan, naiintindihan ko ang mama mo. Nagpapakatanga ka sa isang disgrasyadang katulad ko samantalang mas maraming babagay sayo."

"No. Hindi yan totoo. Ikaw lang ang bagay sa akin dahil ikaw ang mahal ko, wala ng iba." Binigyan ko ng isang halik si Lauren para matapos ang conversation namin.

No, I won't let go. I'll fight for my family.

I'll fight for Lauren.

-

[Christine's POV]

Paniguradong ngayon, nagkakagulo na ang bahay nila Lauren.

How intelligent of me, hamakin mo naisip ko yun? Tss. Eto ang gusto kong mangyari. Ang tuluyang maghiwalay si Ivan at Lauren.

At sino ang gagawa nun? Edi ang ina ni Ivan.

Alam kong mayamang pamilya sila Ivan,

at isang sikreto ang nalaman ko.

Hindi anak ni Ivan ang anak ni Lauren.

Sino ang ama? Hindi ko rin alam. Disgrasyada. Call girl, prostitute. Pinalabas ko sa nanay ni Ivan na ganun si Lauren para mas lalong hindian ng nanay nya si Lauren.

Hahaha! This is only the beginning Lauren. Get ready for my revenge.

-

MAIKLI<\3 HAHAHAHAHA OHA SA MGA NAGREAK NA HINDI PALA MABAIT SI DANIELA NAGKAKAMALI KAYO HAHAHAHAHAHA HAYYYY ANG NANAY NI IVAN NAMAN ANG PROBLEMA PANO NA?

ENJOY

My Ex-Boyfriend. [BOOK 1&2] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon