AN: At dahil mahal na mahal ko si Irene— kahit hindi nya ako mahal, gumawa ako ng Irene x you. Imagine lang to. Hahaha, sulitin mo na, girlfriend mo si Joohyun dito. Swerte mo.
PS. Wala munang SeulRene.
• • •
NAGISING ka na wala ang girlfriend mo sa tabi mo, luminga-linga ka sa paligid ngunit hindi mo talaga sya makita. Kinusot mo ang iyong mata at humikab pa.
"Joohyun?" Umupo ka mula sa pagkakahiga, nakita mong ayos na ang damit mo na isusuot mamaya kaya naman napangiti ka. Naisip mo na ang swerte-swerte mo dahil nandyan si Irene para alagaan ka.
Napapitlag ka ng biglang may kumatok sa kwarto nyo ng girlfriend mo na si Irene, agad ka namang sumagot ng, "Bukas 'yan."
Agad na bumukas ang pinto at nakita mo ang babae na pinangarap mong makasama sa simbahan, yung pinangarap mong iintayin mo sa altar— yung taong mahal na mahal mo at lahat gagawin mo kahit na masaktan ka, yung girlfriend mo. Oo, si Irene.
Nakangiti sya sa'yo. Naisip mo na sana lang talaga hindi ka malaglagan ng panty. Paano, makalaglag panty ang mga ngiti nya.
"Hi," Nakangiting bati nya sayo, kagat kagat pa ang ibaba nyang labi. Ikaw naman si tanga at inlababo sa kanya, agad na naakit sa kagat labi nya.
"H-hello," Sabi mo naman. Then it hits you. Mahalaga ang araw na 'to para sayo. Ngayong araw na to…birthday mo.
Pero nasaktan ka dahil iniintay mo si Irene na batiin ka ngunit nanatili lang syang nakatingin sa iyo. Agad kang tumikhim at ngumiti pabalik sa kanya para hindi nya mahalata na nasaktan ka.
Oo, malamang. Masasaktan ka.
Kalimutan ba naman ng taong mahal mo ang birthday mo, matutuwa ka ba?
"I-irene baby, w-wala akong kiss?" Pinilit mong maging masaya. Nakangiti ka pa, parang tanga. Alam mo na ngang nasasaktan ka, nagpapanggap ka pang masaya.
Kumunot ang noo nya sayo, halatang nagtaka sa sinabi mo. "Hindi naman kita basta basta hinahalikan. Depende pag gusto ko o pag may okasyon." Nagkibit balikat pa sya sa iyo, lumapit sya sa drawer habang ikaw, sinusundan lang sya ng tingin.
Nablanko na ang isip mo.
Narealize mo na talagang hindi naalala ni Irene ang birthday mo at sobra kang nasaktan dahil don.
"Oo nga naman, ha-ha." Nakakaawa ka, pati tawa mo, scripted na. "Wala nga namang okasyon ngayon, humihingi ako ng halik?" Ngumiti ka ng pilit lalo na nung tumingin sya sayo.
She just gave you a warm smile pero hindi iyon nakagaan ng kalooban mo. Naisip mo na sa dinami-dami ng pwede nyang makalimutan, birthday mo pa. Yung araw pa na importante para sayo. Yung araw ng kapanganakan mo.
Tanggap mo namang makakalimutin sya pero counted pa din ba na pati birthday mo, nakalimutan nya?
"Yeah," Natawa pa sya konti sayo. "Bumaba na tayo, kakain na."
Sabi nya sayo kaya naman agad kang tumayo."Mauna ka na," Ngumiti ka pa sa kanya. Agad naman syang sumunod sayo. Pagkatalikod na pagkatalikod nya, may mga mumunting butil ng luha na pumatak mula sa mga mata mo.
Tsaka mo lang narealize na masakit palang makalimutan.
"Hay." Mahinang sabi mo at sumunod na din sa kanya.
• • •
PAGKAPUNTA mo sa kusina, naabutan mo si Yeri at Joy na nag-aaway. Napabuntong hininga ka dahil naisip mo na wala na namang bago kung nagaaway sila.
![](https://img.wattpad.com/cover/120427249-288-k399609.jpg)