A for Ace
Maingat kong binitbit ang malaking kahon kung saan nasa loob nito ang bagong bili kong koleksyon, hindi na ako nag-abala pang magpatulong sa delivery guy sa pagbuhat kahit na halos himatayin na ako sa bigat. Mahirap na, hindi pa naman normal ang mga katulad kong nangongolekta ng pinugot na ulo.
Maingat kong inilagay sa glass box ang pang-walong dagdag sa aking unang koleksyon. Napangiti ako dahil hindi naman pala ako niloloko ng nagbenta na preserved na nga ang parteng ito, wala na'ng dugo at hindi nanlalanta.
Naligo ako nang matapos dahil limang mabibigat na ulo ng wild pigs din ang binitbit ko. Habang inaaliw ko ang sarili sa ginagawa ay nilakasan ko lalo ang volume ng nakaandar na TV sa kuwarto. Criminal Minds pa pala ang nakasalang. Hindi ko naman magawang tanggalin iyon at ilipat sa local news channel dahil puno pa ako ng sabon. Napairap ako sa iritasyon. Gusto ko pa sanang magtagal sa bath tub, ngunit mukhang minamalas talaga ako ngayon.
Nakasimangot na nilipat ko ang channel, at ang unang bumungad sa akin ay ang pamilyar na ID picture kalakip ng mga salitang, 'Babae, tinanggalan ng dila at mata, at sinira ang tainga bago pinaslang'. Hindi ko marinig ang iba pang sinabi ng reporter tungkol sa balita. Bukod sa pamilyar na litrato ay ipinakita rin sa telebisyon ang pamilyar na damit na suot-suot ng kasama ko kahapon. Punong-puno na ito ng dugo. Kahit na naka-blur ang mukha niya ay kilalang-kilala ko kung sino iyon.
Symphony Velasco.
Nagising na lang ako sa kasalukuyan nang makita naman ang aking mukha, at muling naging aktibo ang aking pandinig.
"Isa naman sa pinaghihinalaang suspek ang kaklase nito na siya mismong naging kasama ng biktima bago pa man ito natagpuang patay. Napag-alamang siya rin ang huling kasama ng dalawang nauna pang mga biktima na sina Andrew Lozada at Gracelyn Santos. Sa kasalukuyan ay tinutugis na ng mga pulis ang suspect na si Asia Agoncillo."
Saka ko narinig ang maingay na tunog ng sasakyan ng pulis na palapit na sa mansyon.
Dali-dali akong kumuha ng gamit at ng mga importanteng dokumento na nakalap ko mula pa nang mamatay si Andrew. Alam kong pinaghihinalaan na nila ako mula nang kwestiyunin ako bilang witness kuno. Kaya naghanap na rin ako ng mga maaari kong ibatong sagot sa kanila kung sakaling ipatawag din ako nang mamatay si Gracelyn—na hindi naman nangyari.
Hindi ko alam na talagang magagamit ko pala ito.
Mabilis na binuksan ko ang secret door sa likod ng CD rack sa aking kuwarto. Walang magbubukas ng pinto para sa mga pulis, dahil wala naman akong ibang kasama sa malaking bahay na ito. Pabor na rin sa akin na hindi nila alam kung nasaan ako, kaya't nagkaroon ako ng oras upang pumunta sa secret room kung saan nandoon nakatago ang lahat ng sikreto ko.
YOU ARE READING
But in Ace's Case
Mystery / ThrillerA series of murder cases unfold Ace Agoncillo's deepest and darkest secret. Now she is on the run. But in Ace's case, as long she runs, more bodies lie cold.