Chapter 4

60 4 0
                                    

James's POV

*-*-*-*-*-*-*-*

"Announcement!" Sabi ni Mr. Jay na school principal namin.

" Magkakaroon ng konting pagbabago dito sa S.A" patuloy nyang sabi.

Nagkumpulan na tuloy ang mga estudyante sa may Quadrangle kung saan nakatayo sa unahan si Mr. Jay.

" Ang unang pagbabago ay iibahin na ang schedules ng mga Students sa Late Bloomer hanggang sa Star Section" -Mr. Jay

"Ano daw?"

"Babaguhin na?"

"Ano pa yung ibang pagbabago?"

ang daming nag rereact sa sinabi ni Mr. Jay, onga pala , rinig si Mr. Jay sa buong academy gawa ng naka microphone sya at naka speaker kaya rinig na rinig talaga.

"Ang pangalawa ay tataasan na ang requirements sa grades" patuloy ni Mr. Jay

"Late bloomers -83-88 Middle Class - 89-92 Star Section - 93-96 & Special Section 97 & above" pagpapaliwanag ni Mr. Jay na hawak hawak yung papel na ginagamit para sulatan ng mga To-do list.

"Whaaaaaaat?"

"Bakit ganun? Eh di dadami nanaman ang mga Late Bloomers?"

"Eh pano yung mga 82 pababa?"

"Antaas naman ng requirement na grades"

"Onga pala isa pa, yung mga 82 pababa ay matatanggal na sa school na to, napagkasunduan ng president at mga board members ito para mabawasan ang sobrang dami ng Late Bloomers" dagdag pa ni Mr. Jay

"Eh what about yung Special Section?"

"Oo nga sir pano yung top 20?"

"Sir san po mapupunta yung mga matatanggal?"

"Ahm.. Sa case ng Special section, meron nalang silang 8 students. At yung mga matatanggal sa Late Bloomers mapapalipat nalang sa Croft Academy" sabi ni Mr. Jay

"Okay , that's all" sabay alis ni Mr. Jay sa unahan.

ahh.. Grabe naman.. Buti nalang 99.56 ang average ko. Si Ella naman 99.32 ang average, si Jesster naman 98.73 si alex naman nakalimutan ko na pero top 3 sya kaya sure na pasok pa din sa sa top 8, si Gibson naman 97.34 kaya pasok pa din at si sarabeth naman ay .......................

Teka...

Si sarabeth... 96.85 ang average... Ibig sabihin matatangal sya. Kaya..kaya pala naiyak sya nung nakaraan. Siguro sinabihan na sya ng maaga tungkol dito.

Hinabol ko si Mr. Jay at tinanong kung hanggang kelan nalang ang mga lilipat. At ang sabi naman nya ay sa makalawa ay kelan na nilang lumipat kasama na daw dum ang mga Special Section.

Ibig sabihin sa friday na sila maglilipat lipat ng section. Ang bilis naman naaawa ako sa ibang mga taga Late Bloomers.

Nagpunta na ako sa Great Hall at hinanap kp agad si sarabeth. Nakita ko sya sa may library at nakasubsob sa libra, aral ng aral.

" ahm....Sarabeth! Kelangan mo ba ng tulong?" Alok ko sa kanya sabay tabi sa kinauupuan nya.

"Ahm.. Di na. Kaya ko naman na to" sagot nya.

" alam ko na kung bakit ka naiyak nung nakaraan, gawa ba ng mapupunta ka na sa Star Section?" Tanong ko sa kanya.

" ahh ehh.." Nag aalangan sya kung mag sasalita kung magpapaliwanag ba sya o hindi.

"Konti nalang naman at pasok ka na sa top 8 kaya please lang mag aral ka pa para makasama ka ulit namin dito" sabay ngiti sa kanya.

"ano bang ginagawa ko ngayon? Di ba mas nag aaral nako? Ikaw tong gumugulo eh" sarkastikong sagot nya sa akin.

She's a HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon