Huling Sulat at Paalam

32 0 0
                                    

Ito na siguro yung last na memo na huling gagawin ko. Ito na siguro yung last I love you na sasabihin ko. Ito na siguro yung huling paalam na gagawin ko. At ito na siguro yung huling oras na bibitaw na ako.

Hindi ko masabi ng harapan kaya sa sulat ko nalang idadaan. Mga salitang gusto kong sabihin, mga salitang ayokong isipin. Pagmamahal ko sayo alam mong hindi ito mapapantayan, pagmamahal ko sayo na higit pa sa buhay ko at higit pa sa pagmamahal ko sa pamilya ko.

Sorry sa lahat ng kasalanan ko. Alam ko hindi ako perpekto, hindi rin ako makwento. Hindi rin ako maalaga tulad nang gusto mo.

Tanda mo pa ba nung una tayong nagkasama at nagkatinginan? Sobrang hindi ko yun makakalimutan. Mga alaalang ang sarap isipin, ang sarap balikan.

Naaalala mo pa ba nung unang beses kitang pinagluto? Mga oras na gusto mo ikaw ang maghahalo. Humihimig ka at nakikinig ako. Doon palang alam ko nang pag minahal ko to, hindi ako malilito. Sayo ko naranasan na tanggapin ang nakaraan at mahalin ang kasalukuyan. Tinanggap mo ako nang walang pag aalinlangan. Simula noon naging iisa tayo. Lahat ng problema mo, ako ang solusyon. Lahat nang problema ko, ikaw ang umaaksyon. Sobrang saya at perpekto kung iisipin. Hindi nagtatagal ang pag aaway at tampuhan natin. Ngunit hindi ko akalaing ang pagsasama natin ay mapupunta rin sa pagkakahambing. Nawala tayo sa isat isa at nagkakalayo na nang loob din. Nagkamali ka, nagkamali ako ...

Hindi nagtagal nagkakasakitan na tayo. Tumatagal ang mga simpleng away na ganito. At lumalayo na ang loob mo.

Muli nating sinubukan kung totoo nga bang nagmamahalan. Ngunit heto na naman tayo, parang umiikot at umuulit nalang .

Masyado na ko naging istrikto, masyado ka nang nasakal. Kinakaen na ako ng malungkot na pagmamahal, kinakain kana nang pagrerebelde at pagkasakal.

Natuto ka nang magtago, natuto nakong gumanti. Ilang munuto pa lang ang lumipas, hindi na ko mapakali.

Kahit hindi mo sabihin, hindi mo maitatago .. Ramdam ko dahil naaayon ito sa kilos mo. Tanggap ko na lahat ng sakit. At tanggap ko rin kung ano magiging kapalit.

Sorry kung nasaktan kita. Sorry kung nasasaktan kita. At sorry kung masasaktan pa kita. :'(

Ang dami mong pangarap sa buhay, ang dami mong gustong gawin. Heto ako humahadlang kaya itinatago mo nalang. Inisip ko nang mabuti kung saan ka ba mas sasaya, sinubukan na rin kita kung ano ang halaga ko talaga. Sorry kung nabigo kong ibigay lahat ng pangako ko. Sorry kung ikaw lang ang pangarap ko. Tama ka, hindi natin makakain ang pagmamahal na inaalay natin. Sorry kung buong pagmamahal ko lang ang kaya kong ipagmalaki. Sorry kung sarili kong kaligayahan at ang nais mo ay isinantabi. Hindi mo na kailangang magtago, hindi mo na kailangang mag sikreto... Alam ko at ramdam ko kung may itinatago ka o ano pa man. Kaya ngayon, isinulat ko na ang huling sulat na nagpapalaya sayo para magawa mong muli ang mga gusto mo. Makuha mong muli ang mga oras mo. At manumbalik muli ang mga totoong nais at pangarap mo. Pasensiya ka na kung hindi ko masabi lahat, pasensiya ka na kung hindi ko maipag tapat. Ikaw ang kahinaan ko alam mo yan, at handa akong magsakripisyo at masira ang pangalan ko para lang sayo . Dahil alam mo kung gaano ka ka importante sakin at alam mo kung gaano kita ipinaglaban dahil sa alam kong pagmamahal. Hindi ko masabi dahil ayaw kong nakikita kitang nahihirapan, ayokong nakikita kang luhaan. Dahil sa nakakapagmurang pagmamahal, PUTANG INA isang iyak mo lang, yung pagmamahal ko sayo lalong kumakapal, lalong tumatagal ...

Sorry Chixx .. Paalam ...

ILOVEYOUSOMUCH ...
AT SANA NARAMDAMAN MO YUNG WORTH MO SA BUHAY KO NA WALANG KAYANG PUMANTAY O HUMIGIT PA PAGDATING SAYO.
SORRY CHIXX ... PAALAM ...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 23, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Letter To Say GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon