Chapter 22

1.8K 86 23
                                    

Rhian POV

Late na ako nagising. Wala na si Glaiza sa tabi ko. Kaya napabalikwas ako ng bangon kasi ngayon ang alis nila mama. Babalik na sila sa bahay at sa work nila.

Lumabas ako ng kwarto, and I look for them. Nasa kusina sila.

"Good morning." I said to them.

"Good morning anak." Sabay na sabi ni mama at papa.

"Good morning love." Glaiza said to me.

Aba napansin ko lang, blooming ang asawa ko ah? Dahil ba ito kagabi? Napangiti ako sa naisip ko.

Ang busy ni Glaiza kaya tinanong ko sya kung ano yung ginagawa nya at si mama ang sumagot sakin.

"Well, Glaiza's making our baon sa byahe. Para daw di kami gutumin." She said while smiling.

"Really? Ang sweet mo naman Love. Thank you." I said to her at lumapit ako sa kanya para yakapin sya.

Ngumiti lang sya sakin.

Nang matapos na sya sa ginagawa nya, nilagay nya ito sa bag at ibinigay kay mama.

Then sabay sabay kaming lumabas sa bahay para ihatid sila mama sa sasakyan nila.

I kissed them both and Glaiza did too.

"Thank you mga anak." Sabi ni mama.

"Salamat." Sabi naman ni papa.

"Ingat po kayo." Sabi ko sa kanila. Medyo nalungkot ako na aalis na kaagad sila. Pero ganito talaga ang buhay.

"Godbless po." Sabi naman ni Glaiza.

Then, umalis na nga sila. We wave to them at ng makalayo na sila, saka na kami pumasok.

Umupo kami sa couch, and I was leaning my head sa shoulder ni Glaiza.

Namiss ko kaagad ang parents ko, kaya hindi ko maiwasang malungkot at napansin yon ni Glaiza.

"Love, wag ka ng malungkot please." Sabi ni glaiza sakin.

I look at her and smile a bit.

Tapos bigla nya akong kiniliti ng kiniliti kaya napatawa ako ng malakas. At yon, tuloy tuloy na ang tawa ko. Tapos gumanti ako sa kanya, kaya panay ang tawanan namin.

After ng harutan namin, pumunta kami sa garden at inayos ang mga bulaklak.

Then something came on my mind.

"Love, naalala mo pa ba yong work ko dati?" Tanong ko sa kanya.

"Oo, bakit love?" Tanong ni Glaiza habang busy sa pagdidilig ng halaman.

"Wala, namiss ko lang. Hindi ba tayo magtatrabaho love?" Tanong ko sa kanya.

Naisip ko lang kasi, mas mabuti kung may income kami pareho habang wala pa kaming baby.

"Hmm, naisip ko na rin yan. Pero sa ngayon, ayoko pa sana. Gusto ko palagi muna tayong magkasama. Kahit ngayong month lang." Tapos ngumiti sya sakin.

"Nako, gusto talaga sulitin eh." Pang aasar ko sa kanya.

"Aba syempre. Pag may work na tayo, gabi nalang tayo magkakasama. Diba?" Sagot niya.

"Sabagay." Ang tanging naisagot ko. Tama naman sya. Mababawasan ang oras namin sa isa't isa.

Pagkatapos naming ayusin ang garden. Bumalik na kami sa loob ng bahay at naghugas ng kamay.

Tapos si Glaiza nagpunta sa kusina para magluto ng pagkain namin.

Ako naman ay pumunta sa sala para manood ng tv.

After an hour, tinawag nya na ako para kumain. As expected, ang sarap ng niluto ni Love. Ang dami kong nakain.

"Love, baka naman tumaba na ako nito ha? Ang dami ko palaging nakakain." Sabi ko sa kanya.

"Hindi naman kasi palagi naman tayong nag eexercise." Sagot pa nya ng nakangiti.

I wonder kung ano ang ibig sabihin nya sa sinabi nya.

___________________

Glaiza POV

Pagkatapos naming kumain, naghugas ako ng pinagkainan. Then pumunta kami sa swimming pool para maligo.

Napakagat labi ako ng makita ko ang suot ni Rhian.

Nakatwo-piece sya na color black.

Tinawanan naman niya ako ng makita ang reaksyon ko.

"Love ha? Tigilan mo yan." Sabi pa nya sakin.

"Ang alin? Wala naman akong ginagawa." Painosente ko pang sabi sa kanya.

"Nevermind." And we started swimming.

Ang sarap ng tubig sa skin. Doon kami tumambay hanggang sa mag dapit hapon na.

Bumalik na kami sa loob ng bahay, hindi na muna ako nagbihis. Wala naman magagalit samin eh. Kami lang naman nakatira dito.

Nagluto na muna ako ng dinner namin at nang matapos na ay saka na ako nagbanlaw at nagbihis.

Si Love naman, ayon, busy sa pagbabasa ng libro.

Ang ganda nyang tingnan. Kaya kinuha ko yong camera ko at kinunan sya ng picture.

Tapos tinawag ko na sya para kumain na kami.

This time sya naman ang naghugas ng pinagkainan.

Pagkatapos pumunta kami sa sala at naisipan naming mag videooke. At sinamahan na rin namin ng inom.

Ayos ba? Para kaming magbarkada lang. But I find it cute, na sa mga simpleng bagay na ganito kami ang magkabonding.

Siguro mga 12 na ng naisipan namin tumayo at pumunta sa kwarto para matulog.

Pagkahiga palang namin, nakatulog na kaagad si Rhian.

Nalasing yata ang asawa ko. Kaya I hugged her nalang at ipinikit ko na ang mga mata ko.

Pero hindi ako makatulog. Bakit kaya?

I tried and tried pero hindi talaga ako dinalaw ng antok. Kaya nag facbook nalang ako. At pagkatapos ay nagbasa ng stories sa wattpad.

Hanggang sa 3 a.m na pala. Pagod na ang mga mata ko. Kaya naman, nakatulog na din ako sa wakas.

**************

Good morning sa inyong lahat. :)

🔚


Starting Ever After (Sequel of Together Forever) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon