Chapter 6

162 10 1
                                    

Chingus!! Mian kung ngayon lang yun ud. Nawawala wala kasi yung net namin at saka sira yung pc namin. Phone update lang to kaya sorry kung may typos. Enjoy reading~

----

Krystal's POV

Friday ngayon at may pasok pero wala yung mga teachers pati na rin ang student council dahil nagme-meeting silang lahat para sa school ball. Parang ngang wala ring sense na pumasok kami ngayon.

"Bes! Sabay tayong bumili ng sosuotin sa ball ah!" Sabi ni Ash.

"Lakas naman ng boses nito." Naiiritang sabi ko.

"Sorry. Hehe. Oh, ano? Sabay tayo, ah?" Pangungulit niya.

"Tsk. Ayoko." Sabi ko sakanya.

"Ha? Bakit naman?"

"Ayaw ko lang."

"Sige na, please?" Sabi niya at nagpout pa.

"Ayoko nga! Ang kulit!"

"Sungit naman nito. Bakit ba ayaw mo?"

"Wala ako sa mood." Sabi ko sakanya.

"Ha? Bakit?" Dahil sa tanong niya, biglako namang naalala yung bwisit na pangyayaring yun.

Naglalakad ako papasok ng school habang nakangiti. Binabati ko pa nga yung mga nakakasalubong ko eh. Ewan ko kung bakit, nababaliw na siguro ako.

"Naughty you, Kai." Rinig 'ko. Teka, ano daw? Kai? As in Kai Michael Herrera?  Pero teka, sa pagkakaalam ko, ako lang ang tumatawag sa kanya ng Kai. —Aish! Ba't ko ba iniisip yung lalaking yun? Tsk. Lalayo na sana ako sa lugar kung saan ko narinig yun pero traydor ang paa ko dahil dun pa mismo ako napadpad; sa kung saan ko yun narinig.

"Hmmm... Haha," Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Pwedeng magmura? TANGINA MO TALAGA KAI! Napakalandi mo! Sabi mo, girlfriend mo ako pero ano 'to? Niloloko mo ba ako?! Inis akong umalis sa lugar na yun. Aish! Bwisit talaga siya! Malanding lalaki yun!

Nabalik ako sa katinuan ng bigla nanamang magsalita si Ash.

"Huy, bakit nga?"

"Wala nga!" Sabi ko at lumabas ng room. Nakakabwisit talaga!

Kai's POV

Pagkapasok 'ko sa school, may biglang humila sa'kin. Tsk. Sino ba 'to?! Tiningnan 'ko naman kung sino, Tss. Si Carmeen pala. Ang kilala bilang ultimate slut ng School.

"Anong kailangan mo?" Inis na tanong 'ko.

"Ikaw.. ikaw ang gusto 'ko. Guy for today." Mapang-akit na sabi niya habang tinetrace yung polo 'ko. Gusto niyang maglaro? Tch.

"Dito na natin gawin, gusto mo?"

"Naughty you, Kai." 

"Hmm? Haha,"

"...Layuan mo ako. Wala akong time sa'yo. Ang landi mo. Nakakasira ka ng araw." Dugtong 'ko dun sa sinabi 'ko saka siya iniwan.

"Oh, come on! Stop playing like you're a good boy, Kai!"

"Manahimik ka nga! Ang pangit ng boses mo! Isang tao lang ang tumatawa saakin ng Kai.. at nakaka-inlove ang boses ng taong 'yun." At iniwan 'ko na siya dun, pumunta na ako sa room kung saan gaganapin yung meeting ng teachers at student councilors. Vice President ako ng Student Council, hindi lang halata. Haha. —Pero teka, Ano nga bang sinabi 'ko kanina? "Isang tao lang ang tumatawa saakin ng Kai.. at nakaka-inlove ang boses ng taong 'yun."? Ahhh! Nasisira na ata ulo 'ko. Tsk.

*

"Meeting dismissed." Sabi ni Lorraine, President ng Student Council. Ayos! Agad akong lumabas sa room na yun at pinuntahan yung room ni Krystal. Hindi 'ko alam kung bakit ako pupunta dito at hindi 'ko rin alam kung bakit 'ko siya gustong makita. Pero may nag u-urge sa'kin eh. Nakita 'ko naman yung lagi niyang kasama, yung bestfriend niya ata.

"Asan si Krystal?" Walang paligoy-ligoy na tanong 'ko dito. Bigla namang nagiba ang itsura niya.

"At bakit 'ko naman sasabihin sa'yo?" Mataray na tanong nito.

"May date kami. Bilis na sabihin mo na kung nasaan." Sabi 'ko kahit sa totoo naman, wala.

"To tell you, mister. Hindi 'ko rin alam. Hindi 'ko alam kasi hindi ako tanungan ng mga nawawala!" Bulyaw nito sa'kin.

"Tss." Ayan na lang ang sinabi 'ko saka 'ko siya iniwan. Hinanap 'ko si Krystal sa Canteen, sa Garden, at sa ibang room narin pero wala siya. Naisipan 'kong pumunta sa rooftop, baka kasi nandun siya. At tama nga, nandun nga siya. Pumunta ako sa pwesto niya.

"Uy!" Sabi 'ko sakanya sabay kalabit pa ng balikat niya. Tiningnan niya lang ako saka inirapan.

"Lubayan mo nga ako!" 

"Pano kung ayoko?" Tanong 'ko sakanya. Hindi niya naman ako pinansin at tinarayan lang ako.

"Sungit naman nito." Sabi 'ko sakanya. Pero hindi niya parin ako pinansin, kinuha niya yung earphones niya sa bulsa niya at sinuot yun saka pumikit at sumandal sa upuan.

"Anong bang problema mo? Huy!" Sabi 'ko. Pero hindi niya ulit ako pinansin. Sabagay, YUNG KAUSAP KO NAKA EARPHONES. Inaamin 'ko na talagang minsan, tanga ako. Tsk.

Tinanggal ko yung earphones niya saka ulit nagsalita. "Anong problema mo?" 

"Ba't ba nandito ka? Lubayan mo sabi ako! Pumunta ka dun sa babae mo!" At tinarayan niya ako saka uli sinaksak sa tenga niya yung earphones. 

Tinanggal ko uli yun. "Anong sinasabi mong babae dyan?" Tanong 'ko sakanya.

"Wag ka ngang magmaang-maangan! Wag mong ide-deny dahil nakita yun mismo ng dalawang mata 'ko!" 

"Wait. Your misunderstooding things—"

"Misunderstooding things mo lelang mo! Hindi ako tanga—" I shut her off with my lips na ikinagulat naman niya. Ang lambot talaga ng labi niya!

Tinulak niya ako. "Bakit mo 'ko hinalikan?!"

"Talak ka kasi ng talak eh! Pag explain-in mo muna kasi ako!" Hindi siya umimik, sign na siguro yun na gusto niya akong pag explain-in. "Hinila niya lang ako. At hindi 'ko siya babae. Kaya wag ka nang magtatalak dyan!"

"Psh. Sa tingin mo maniniwala ako sa'yo?"

"Bahala ka kung ayaw mo.. basta nagsasabi lang ako ng totoo. —Pero teka, selos ka ba?"

Perfect EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon