Chapter 16 : Colleen Machida

42 0 0
                                    

Misaki POV

                Nagulat naman ako sa sinabi ni coleen at napatingin ako kay hubby na nakatingin pa din pala sakin.. hindi ko alam kung ano ang na sa isip niya ngayon.. hinila ko ang kamay ko mula sakanya at nakita kong naguluhan siya kung bakit ko ginawa yun..

                “Bakit hindi mo sinabi sakin na nakalaan ka na pala sa ibang babae rou” oo rou tinawag ko sakanya baka kasi marinig kami nung fiancé niya eh..

                “Wifey I can expla---“ hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil na sa harapan na pala namin yung fiancé niya..

                “Hey you ugly girl, move! Hindi ka bagay jan sa inuupuan mo” sabi niya sakin at tinignan ko lang siya, yung tingin ko dati na malamig nung hindi ko pa ulit nakita si rou.. hindi ko kumilos naramdaman ko na lang na hawak niya ang buhok ko at hinatak yun kaya napataya ako feeling ko matatanggal ang anit ko..

                “Bitaw” malamig kong sabi sakanya at wala siyang makikitang emosyon sa mata ko.. hindi pa din niya binibitawan ang pagkakahawak sa buhok ko at magsasalita na sana ako pero naunahan na ako ni rou..

                “Let her go..sabi niya bitaw o gusto mong ako mismo ang magtatanggal ng kamay mo sa buhok niya” malamig na sabi ni rou pero wala akong pakialam pakiramdam ko kasi pinaglihiman niya ako o should I say nila dahil alam kong alam nila ang tungkol sa bagay na to.. naramdaman ko naman na tinanggal niya ang kamay niya sa buhok ko.. nawalan na ako ng ganang pumasok ngayon kaya kinuha ko ang bag ko at maglalakad n asana ako nang maramdaman ko ang paghawak ni rou sa pulsuhan ko..

                “Wife---“ hindi ko na siya pinatapos ayoko muna ng may kumausap o may kausap ngayon.. ayoko ng ganito na pinagkakaisahan ako..

                “Bitaw” malamig kong sabi sakanya at hindi pa din ako tumitingin sakanya wala din ako pakialam kung nakatingin na samin ang mga tao dito ngayon sa classroom..

                “But wife---“ hindi ko siya ulit pinatapos.. wala akong karapatan sa titulong wifey niya dahil may nakalaan na para sa titulong yun..

                “don’t call me wifey, bitaw!” sigaw ko.. ayokong makita na naman niya akong umiiyak.. ayokong kaawaan niya ako.. naramdaman ko naman na lumapit na sila nami at hindi pa din niya binibitawan ang pulsuhan ko..

                “Besy” tawag sakin ni nami pero hindi ako lumilingon sakanila malapit na talaga tumulo ang luha ko..

                “Bitaw o hindi mo na ako makikita kahit kelan” sabi ko sakanya sa malamig na salita at naramdaman kong bumitiw na siya at naglakad na ako papunta sa prof namin para magpaalam.. naramdaman ko naman na susunod sila kaya nagsalita ulit ako..

                “Wag niyo ko susundan, sa lahat ng ayoko yung pinagkakaisahan ako, sorry prof masama po ang pakiramdam ko” at lumabas na ako ng tuluyan.. pag ganito sa isang lugar lang ako pumupunta na walang nakakaalam kundi ako at ang mom and dad ko lang..

                Naglakad na ako palabas ng school at naramdaman ko na lang na tumutulo na ang luha ko.. pinagtitinginan na din ako ng mga tao pero wala akong pakialam sakanila, masakit eh..

Jirou POV

                Ngayon ko na lang ulit nakitang ganon si saki, masaya ako kasi nakikita ko nun na napapasaya ko siya, yung hindi na siya cold at may buhay na din siya sa totoo lang malaki na ang pinagbago niya pero ngayon sa isang pangyayari lang sh*t! mukhang babalik na naman siya sa dati at ayaw ko ng mangyari.. dahil to sakanya kaya kami nagkagulo ngayon.. nung nakita kong sinabunutan niya ang buhok ni saki gusto ko na siya kaladlakarin eh..

White Blood Prince's and Ms. LonelyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon