CHAPTER 33

4.6K 134 28
                                    

CORAZON

"Good morning, Corazon. Take care. I love you."

Paulit-ulit na binasa ni Corazon ang text ni Donny sa kanya kaninang umaga. Iyon na ang huli. Hindi rin ito nagpakita sa kanya upang kumain ng almusal sa bahay gaya ng madalas nitong ginagawa o 'di kaya'y ihatid siya papasok ng eskwela.

Kanina'y sumulyap siya sa katabi niyang bahay. Sarado iyon at tingin niya'y wala namang tao roon dahil wala din ang sasakyan na karaniwan nang nakaparada sa bakuran nito.

Siguro ay nasa totoo nitong bahay si Donny? O baka may inaasikaso na may kinalaman sa negosyo? Maybe...

Pero bakit ba inaalala niya pa? Bakit namomroblema siya kung nasaan ito? Nang malaman nga niyang bagong kapit-bahay pala niya ito ay halos ipagtabuyan niya si Donny. Ngayon namang hindi niya ito nakikita...hindi niya naririnig ang malalim nitong boses...hindi niya nararamdaman ang yakap nito ay hindi siya mapakali.

Argh! Buwisit! Sigaw niya sa isip habang sinasabunutan ang sarili. Nag-text na si Vitto sa kanya na malapit na ito. Dapat ay alisin na niya kay Donny ang isip at libangin na lamang ang sarili sa ibang bagay.

Nang marinig ang businang nanggaling sa labas ay agad niyang kinuha ang nag-iisang duffel bag na naglalaman ng kanyang mga gamit. Pagbukas niya ng pintuan ay siyang baba ni Vitto mula sa sasakyan nito. Kumaway ito sa kanya at tinugunan niya iyon ng ngiti.

Bago lumapit ay sinarado na muna niya ang bahay. Siniguro niya rin ang pagkaka-kandado ng mga bintana. Nang ma-double check na ang lahat ay saka niya muling hinarap si Vitto na naghihintay na sa kanya sa labas.

Ngunit bago pa siya makahakbang palapit dito ay napalingon siya sa katabing bahay. There's still no sign of him. Hinugot niya ang cellphone mula sa bulsa at blangko rin iyon sa kahit na ano'ng mensahe at tawag mula rito. Pinag-iisipan niyang magpadala ng kahit isang mensahe kay Donny para lang ipaalam ang kanyang pag-alis ngunit nilabanan niya ang sarili.

She needed this break. Napapalapit siyang muli kay Donny at alam niyang hindi iyon tama. Baka-sakaling sa pag-alis niyang ito, kahit ilang araw lang, ay magagawa niyang ibalik sa tamang landas ang naliligaw na puso.

"May problema ba, Corazon?" tanong ni Vitto sa kanya nang tuluyan na siyang makalabas ng gate. "Parang malalim ang iniisip mo."

"Iniisip ko lang kung may nakalimutan pa ako..." tugon niya kay Vitto. Tinalikuran ito upang isara ang gate. Napasulyap siyang muli sa katabing bahay at tahimik na napabuntong-hininga. "W-Wala naman."

Naging mabilis at maayos ang kanilang biyahe. Napagkasunduan na sa bahay nina Cassi muna siya pansamantalang tutuloy. Hindi miminsan siyang nakitulog dito noon. Nagkataon pang nasa out-of-town trip ang mga magulang nito kaya naman masaya si Cassi dahil may makakasama ito.

"Tinawagan ko na rin ang iba nating mga kaibigan! We're going to have a slumber party!" Cassi exclaimed like an excited kid.

Dumating ang mga kaibigan nila kabilang na sina Sammie at Josefina. They did some catching up. Ang buong gabi ay naubos sa kuwentuhan, kainan at panonood ng movie. Ngunit sa kabila ng sayang nararamdaman sa muling pagkakasama-sama nilang magka-kaibigan, hindi pa rin niya maiwasang mabagabag ng hindi pagpaparamdam ni Donny sa kanya.

Wala na muli siyang natanggap na text. Ni missed call ay wala. It was so unusual of him. Hindi man niya ito ino-obliga ay halos oras-oras yata nitong ibinabalita ang lahat ng gawain lalo na kapag hindi sila magkasama.

Baka...may nangyari nang masama rito? Umiling siya't napangiwi sa inisip. Ano ba Corazon?! Tumigil ka na nga!

"Corazon, uy!"

Falling for Mr. Wrong (A SharDon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon