Si Christine ay isang ubod ng talinong babae na ngud - ngud ang mukha sa libro araw - araw. Siya ay nagaaral sa isang malaking unibersidad sa Pampanga. Si Christine ay hindi mula sa isang mayaman at marangyang pamilya munit nakakapag - aral sya sa malaking unibersidad dahil isa syang scholar. Sya ay Grade 11 student. Unang araw ng pasukan excited ng pumasok sa iskuwela at mag - aral si Christine.
Nagising sya ng 5:30 ng umaga at pagkagising nya agad syang naligo, nagalmusal at nagayos na para pumasok sa iskuwela. Pagdating nya sa iskuwela biglang nag ring ang kanyang phone at pagtingin nya tumatawag pala ang matalik nyang kaibigan na babae na si Gel. Sinagot nya ito " Hello Gel bat ka tumatawag " sabi ni
Christine. Sumagot naman si Gel " Girl bilisan mo at pumunta ka na dito sa may assembly area kanina pa kita hinihintay dito" sabi ni Gel.
Si Gel ay kaibigan ni Christine simula pa nung kinder. Si Gel ay hindi kagaya ni Christine na Mahiyain at simple. Siya ay nagmula sa mayamang pamilya at dahil don medyo sosyal sya pero di sya maarte at matapobre. Nagmadaling pumunta si Christine papunta sa assembly area upang kitain si Gel.
Sa sobrang pagmamadali ni Christine nabanga nya ang heartrob ng campus na si Dylan. Si dylan ang captain ball ng basketball team ng school nila at sya ay isang Filam kaya maraming babae ang nagkakandarapa sakanya. Bumagsak silang pareho ni Dylan napayakap bigla si Christine sa bewang ni Dylan. Pagkatapos ay agad inialis ni Dylan ang kamay ni Christine na parang nandidiri sakanya at sinabi nya na " wag mo nga ako hawakan baka ano pa akalain ng nila".
Tumakbo papunta kay Gel si Christine sa kahihiyan. "Girl hayaan mo na si Dylan masyado syang mahangin tara tingnan na natin sino mga magiging classmates naten" sabi ni Gel habang pinapagpag ang dumi sa damit ni Christine. Tiningnan nila ang kanilang section at nalam nila na classmate pala nila ang isat isa kasama na ang isa pa nilang kaibigan na lalaki.
Habang tinitingnan ng dalawang mag kaibigan ang kanilang mga classmates biglang may humakbay sa kanilang dalawa. Nagulat silang dalawa munit pagtingin nila ay si Gerald lang pala ang kaibigan nilang lalaki. "Hoy Gerald wag ka ngang nangugulat ng ganyan akala ko na kung sino" sabi ni Gel. "Oo nga Gerald nagulat ako sa ginawa mo" pagsang ayon naman ni Christine. " Sorry na kanina ko pa kayo hinahanap nandito lang pala kayo" sabi ni Gerald.
Pagkatapos tumingin ng section ang tatlong magkakaibigan nagyaya na pumunta na ng classroom si Christine. " Tara na baka ma late tayo sa clase" pagyayaya ni Christine sa dalawa. " Hay nako girl as always OA ka masyado 6 palang noh 7 pa klase naten" pagsumbat naman ni Gel. "Oo nga Christine tara kain muna tayo sa foodcourt gutom na ako ehh" pagyayaya ni Gerald. " Tama ako din gutom na ako tara libre ko nalang kayong dalwa" sabi ni Gel. Pumunta sa foodcourt ang tatlo at kumain. Pagkatapos nilang kumain ay agad silang pumasok sa iskuwela.
Biglang may pumasok na teacher sa kanilang classroom at nagpakilala bilang Mrs. Dimagalang at sya pala ang adviser nila. " Uy mukhang masungit ang adviser naten" sabi ni Gerald. " Manahimik nalang kayo at makinig sakanya para di tayo mapagalitan" sabi ni Christine.
Araw- araw mula Lunes hangang Byernes ang clase nila at araw arw iisa lang ang routine nila si Christine ang early bird, si Gel ang save by the bell at si Gerald na laging late. Kinasabaduhan nagyaya na manood ng sine at mag mall si Gel. Nagkita kita ang tatlong magkakaibigan sa mall at kumain muna. Pagkatapos nilang kumain ay nanood sila ng isang Romance movie sa sine. Pagpasok nila sa sinehan umupo sila sa may gitna ng itaas na row yun kasi ang pinakamagandang puwesto sa sinehan. Sa kalagitnaan ng palabas biglang may napansin si Gel.
"Uy guys tingnan nyo si Dylan ohh kasama nya si Kathe" pagbulong ni Gel. "Sila parin pala noh ang sweet naman nila" sabi ni Gerald. "Shhh hayaan nyo na nga lang sila at manood nalang tayo" sabi ni Christine. Pagkatapos nilang manood ng sine ay kumain ulit sila. Pagkatapos nilang kumain ay nagyaya nang umuwi si Gel dahil may lakad pa raw sya.

YOU ARE READING
Kaibigan O Ka - Ibigan (Isang maikling kuwento)
RomanceKapag may nakita po kayong mali sa story open po ako sa mga comments