Minsan talaga hindi mo maintindihan ang love di ba. Kung hindi maling oras, maling tao naman ang minahal mo. Kapag tama na ang taong mamahalin mo, makikilala mo naman s'ya sa maling oras. Sa oras na hindi ka pa handa, sa oras na pagod ka nang magmahal at magtiwala.
Bakit ba hindi na lang tayo ang piliin ng taong pinili nating mahalin? Bakit hindi na lang parehong tama ang oras at pagkakataon para lahat ng nagmamahal ay masaya?
Mahirap maintindihan. Mahirap tanggapin kapag ang taong mahal mo, sinasaktan at winawasak lang ng iba samantalang ikaw, ikaw na mas nagmamahal sa kanya na handang magmahal ng buo ay hindi niya makita at nilalampas-lampasan lang niya. Maaari ngang ikaw ang natatakbuhan nya kapag durog na durog na sya pero hindi pa rin iyon sapat. Sa tuwing umiiyak sya sa'yo, parang gusto ko s'yang sumbatan ng "Tama na! 'Wag ka nang magpakatanga sa kanya dahil nandito naman ako. Nandito ako na mas nagmamahal sa'yo!" Pero lahat ng salitang iyon ay tila ba maninipis na bula sa iyong mga mata na lumilitaw na lang kapag umiiyak s'ya sa'yo.
Ilang beses mong itinatanong sa isip mo na bakit hindi na lang ikaw? Bakit hindi na lang ikaw ang piliin nya at bakit hinahabol pa niya ang taong matagal na s'yang binitawan?
Mahal mo s'ya pero iba ang mahal n'ya.
Nakakapit ka sa kanya pero sya may pinanghahawakang iba.
Sakit di ba?....
82317
BINABASA MO ANG
2 AM Thoughts
PoetryMga walang kwentang tanong na kailangan ng walang kwentang sagot. Mga tanong na nasagot na pero paulit-ulit ding kailangang sagutin. Tulad halimbawa ng "Bakit lagi kang sumasagi sa isip ko?" Ewan. Siguro dahil mahal kita? Ilang beses ko nang nasagot...