6: Words

1 0 0
                                    

Astro's POV

Nasa kalagitnaan na yata ako ng pagkahimbing himbing kong tulog ng biglang nagring ang phone ko. Nakakainis. I was out for 2 days dahil sa project na yan tapos may mambubulabog pa. Nice, pero dahil nga ginintuan ang puso ko sinagot ko pa din yung tawag ng hindi tinitignan ang caller ID kasi malamang sa malamang baka sa opisina na naman ito.

"Astrograndt Mendeleyev Lim, duudddde!" sigaw ng nasa kabilang linya, halatang lasing.

"Sino to?" I asked.

"Ulol, si Calvin to. Nasa studio kami nga-" naputol ang sinasabi niya.

"Ey, Astroboy, nasa lumang tambayan kami. Bring some beer, we're waiting" that was Flynn's voice. They hanged up.

Nakakainis talaga yung mga gunggong na yon.

Nag-ayos na ako at lumabas. I dropped at a convenience store para bumili ng soju.

Pagkadating ko doon, dalawa lang sila. Flynn and Calvin, umiiyak itong si Calvin, nakadami na yata ang international playboy namin.

"Ako lang ba inistorbo niyo? Asan si Ten?" tanong ko at nilapag ang bitbit kong soju.

"On the way na, tumakas pa yata sa set ang lolo mo" sagot naman ni Flynn.

"Oy international playboy! Bakit ka umiiyak ha? Di ka nakahome run no?" tukso ko kay Calvin sabay tawa.

"Ulol. Wala na kami ni Soiree" sagot niya.

Napa-wow na lang ako sa narinig ko. I opened one bottle of soju at sinimulan ko ng uminom.

"Late comer as always" may nagsalita sa likuran ko, noong lumingon ako para tignan iyon, nakita ko si Ten.

"Brodie" I greeted.

"Nakarami na kayo?" he asked.

Tinuro ni Flynn si Calvin at tumango tango dahilan para tumawa kaming tatlo. 

"Nabalitaan ko na nangyari dyan, sinabi ni Mack sa akin kanina." sambit ni Ten at umupo siya sa tabi ko.

"Ano plano mo, playboy?" I asked 

"Edi susuyuin siya. Nagkamali ako. Mali ako right from the start. I should've never done that to her. Stupid, Calvin" saad niya sabay sampal niya sa sarili niya.

"Alam mo ba yung linyahang 'Nasa huli ang pagsisisi'? Tol yan nangyari sayo" I stated.

Yumuko siya, "I didn't saw this one coming" malamya niyang sagot.

"We can never predict things. We don't have the capability to know what will happen later, tomorrow, next week, next month or even next year. I always stay neutral but this time, I'll go with Soiree." kinuha ni Ten yung isang bote ng soju at uminom pagkatapos ay tinuloy niya ang pagsasalita. "Cal, she suffered all alone. Tiniis ka niya, pinagpasensyahan, during your triumphant days she's there, and during your darkest hours andon padin siya. Nakaalalay sayo, tutulong sayong bumangon." Ten chuckled and sipped again. "But you didn't seem to notice. Why? Dahil self-centered ka masyado. You do what makes you happy, as easy as that. Kampante ka kasi alam mo na mahal na mahal ka ni Soiree kahit ano pang katarantaduhan ang gawin mo, kaya sige go ka na ng go. Nakalimutan mo yatang nasasaktan din siya" pangaral ni Ten.

In times like this, he usually stays quite. He'll sit there, and just listen. But now, it's different.

"Lalake ako at lalake din kayo, you know what man needs" Calvin reasoned out.

Universe of UncertaintyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon