AKALA, limang letra na maraming kahulugan, may masakit, may nakakabuti, at may nakakasama, pero ano ba talagang kahulugan neto pagdating sa pamilya mo? o nararanasan mo ngayon sa pamilya mo?.
eto ba yung AKALA mo perfect na kayo, yung masaya kayo, sama-sama kayo, para kayong barkada kung magturingan , walang problema, at yung feeling na akala mo walang makakatibag neto. ang sakit no? totoo nga ung sabi nila na "Maraming namamatay sa maling Akala" hindi literal pero emosyonal. pinapatay yung masaya mong pakiramdam, yung binuong masasayang araw, yung walang problema, walang hirap, puro saya lang, ngayon na realize ko na ang buhay talaga ay balanse lang, Kapag Masaya ka, syempre iexpect mo na na may lungkot na darating hindi man ngayon, bukas, makalawa, hindi kasi natin hawak ang panahon eh kaya hindi natin alam.
eto rin ba yung AKALA mo walang problema na makakapag bago sainyo?, yung may dadating nga pero maliit lang naman, yung tipong pag gising mo wala na, yung parang another day na ulit pero hindi pala, oo masakit bilang anak, ikaw kasi yung nasa gitna, yung di mo alam kung kanino ka ba talaga sasama pero hindi pwedeng mamili, tama lang na dapat nasa gitna ka lang yung wala kang kinakampihin, dapat pinapakinggan mo pahayag ng bawat isa yung tipong naging judge ka dahil sa ginagawa nila. pero alam ko na kaya mo rin sulosyunan ang mga yan, ang kailangan mo lang talaga ay malawak na pag iisip dahil kung hindi, siguro mag iiba landas mo. kaya DASAL lang yan ang lagi kong iniisip, syempre dapat pag may dasal dapat may galaw ah.
OO mahirap ang family problem lalo na pag hindi mo pa kayang buhayin sarili mo, dahil bata ka pa, at ayaw mong mawala sila sayo. ayun nga anjan lang mga kaibigan mo, pwede mo silang sabihan, hindi man direct to the point kagaya ng ginagawa ko atleast nasasabi mo yung saloobin mo sa ibang way na hindi mo napapaalam yung tunay mong problema,
soo parang eto na muna tayo,
Gusto ko lang iparating na sa Bawat problemang dadaan wag nyong tambayan, Kaya natin to, anjan lagi si Lord para solosyunan ang mga problema mo. Kaya ako lagi kong sinasabing AMEN sa lahat ng dumadating sakin, maganda man o masama,
YOU ARE READING
Family Problem
RandomPara to sa mga taong may problema lalo na sa Pamilya. at kung napanghihinaan na ng loob, kung nawawalan ka na ng pag-asa, kung akala mo wala ng solosyon, try to read this baka parehas tayo ng napagdadaanan