35:flashback 1.

2K 47 1
                                    



"Naomi!!!" Liningon ko silang tatlo saka ngumiti

Lumapit silang tatlo "doon tayo sa gymnasium dali! Naglalaro na sila baby ko!!" Excited na Sambit ni Fame at hinila nila ako papuntang gymnasium.

Tuwing may laro ang SDIS basketball league ay kahit may klase pa kami ay iniiskip namin para lang mapanuod iyon.

Sa gitna kami pumwesto at ilang saglit pa ay nagsilabasan na ang SDIS.

"Wahhh!! Ang gwapo talaga ni Kaivie Ferry!!!" Nafafangirl na sambit ni Fame habang niyuyogyog na ang naiiritang si Adelaide

"Mas gwapo si Aldrey ano ka ba!" Angal ni Zarinah

"Tumigil kayong dalawa! Mas gwapo si Bend!" Pagsusungit ni Adelaide

Tinignan nila akong tatlo "ano?"

"Sino mas gwapo sa kanilang tatlo?" Tanong nila sabay

"S-si Ferry."

"Oh diba! Dyan tayo nagkakasundo naomi eh!!!" Nakipag asaran pa si Fame sa dalawa

"Psh, halata namang napilitan yang si Naomi eh." Sabat ni Adelaide

"Eh! Crush kaya ni naomi si Ferry kaya nga boto ako sa dalawa eh! Palibhasa bitter lang kayo!" Napalakas yata ang pagsasalita ni Fame dahilan para mapatingin ang lahat including ferry na nakatingin ngayon sakin.

Namula ako ng todo at inilubog ang sarili sa upuan.

Jusko! Pahamak ang dalawa.

Di kalaunan ay nagsimula na ang game, panay ang hiyawan ng lahat.

Pag nakakashoot si Ferry ay tumitingin ito sa akin na iniiwasan ko naman ng tingin.

"Tangna bes!" Kumunot ang noo ko kay adelaide

"Ang haba ng hair mo!" Hirit ni Fame

"Natatapakan na nga namin eh." Hirit din ni Zarina

"Teka ano bang pinagsasabi niyo?"

"Ehh nakatingin sayo yung dalawa!" Inis na sambit ni Zarina

"Oo nga!" Pagsang ayon ni Fame

"Si Aldrey at Ferry mukhang natamaan sayo." Paglilinaw ni Zarina na ikinangiwi ko.

Hindi ko pinaniwalaan ang mga sinabi nila.

Sa isang mahirap at probinsyanang ako ay magugustuhan ng isang Half korean half pinoy na si Ferry at half brazilian half pinoy na si aldrey na may ari ng SDIS? Impossible.

Pero mukhang nagkamali ako.

Araw araw akong niligawan ng dalawa.

Dahilan iyon para masira ang friendship nila na pinakakinatatakutan ko.

Unti unting nawasak ang pagkakaibigan namin.

Maraming nangyari na ikinasira ng lahat.

Nabuntis ako.. Apat pa ang bumunga.

Ang ama ay walang iba kundi si Ferry.

Nasaktan si Fame at Zarina na may gusto kay Ferry sa nalaman.

Si Adelaide naman ay nabuntis kay aldrey na tumigil sa panliligaw at tinanggap na panalo si ferry.

Pero kapalit ng kasiyahan ay pagkawasak naman ng pagkakaibigan namin.

Walang paalam na umalis ako ng bansa. Pumunta ako ng South Korea, sa mga Lola ko ako nagtago hanggang sa ipanganak ang apat ko.

Nakita ako ni Ferry. At tuwang tuwa sa nalaman na apat kaagad sila.

"Anong ipinangalan mo sa kanila?" Tanong ni ferry

"Kaius, Kaiden, Kaylee at Kaycee." Nakangiti kong sagot habang nilalaro ang kamay ni Kaycee

Pero panandalian lang pala ang kasiyahan.

Dumating sa bahay si Zarina at sinabing buntis siya at si Ferry ang ama.

Nagalit at nasaktan ako. "Saan mo sila dadalhin?!"

"Bitawan mo ko! Lalayas na kami!" Sigaw ko habang kinukuha ang mga anak ko

"Hindi mo sila makukuha!!"

"Hindi! Anak ko sila! Ako ang nagluwal kaya ako ang may karapatan!!" Unfortunately, ang naitakas ko lang ay si Kaycee.

Nagtago ako sa south korea. Walang kaalam alam ang mga lola't lolo ko.

Hanggang sa madiagnosis akong may cancer.

Kumalat ang cancer cells ko paglipas ng panahon pero hindi ko iyon sinabi kay kaycee.

Hanggang sa isang gabi..

Birthday niya iyong araw at may kumatok.

Pagbukas ko ay binaril ako sa tiyan.

Humandusay ako.

Nakita ko ang umiiyak na si Kaycee na palapit sakin.

Hanggang sa huli kong hininga ay ngumiti ako kay kaycee bago ako mawala sa mundo.

Alam kong sa pagdating ng araw ay magiging mabuting tao ka. At ina.

Ang Girlfriend kong Secret Agent [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon