Reading A & D by fallenbabybubu. It's awesome btw. :) 2 updates this day. I'll probably write later.
Give comments and suggestions, okay?
-Mo
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Chapter 3
Charlotte's POV
Hahai. Away nanaman kami. Mainitin lang talaga ulo ng pamilya namin eh. Isa lang yan sa mga pinagdadaanan naming away. Chaka na. Andaming drama. Kung mag-away, talagang mag-asawa.
--------------------------------------
*1 month later, after summer*
"CHARLO, ANAK! TYLER, ANAK! LABAS NA! KUMAIN NA KAYO! AAGAHAN NIYO PA SA SCHOOL DIBA?!" Katok ng katok ni Nanay She. Nakalunok ata talaga to ng megaphone eh. Ang tanda-tanda, anlakas lakas ng boses. "Unang araw ng pasok, malelate kayo? Ba't kasi ang tagal niyong mag-ayos diyan sa loob? Lalabas ba kayo ng bansa? Dun lang naman kayo sa school! Kung makapag-ayos, parang may movie premiere! Kakain pa kayo! Hahanapin niyo pa sections niyo! Babyahe pa kayo! Bi--"
"OPO NAY!" Sabay naming sigaw ni Tyler. Lumabas na kami agad ng kanya-kanya naming kwarto. Kung hindi pa kami lalabas, magpapasyon nanaman si Nanay.
"Salamat at lumabas na kayo."
"May armalite kasi sa labas ng kwarto ko." - Tyler.
"May naglilitanya kasi sa labas ng kwarto ko." - Ako.
Natawa naman dun si Nanay. Sabay-sabay na kaming kumain sa kusina. Tapos chineck ni Nanay ang mga gamit namin Tyler. Para talaga siyang tunay na nanay. Maasikaso. Bungengera.
"Mga anak, kompleto na ba tong mga gamit niyo? Books? Notebooks? Pencil? Ballpen? Extra papers? Extra t-shirt? Twalya? Ano ba tong mga dala niyo? Tyler! Mas madami pang gadgets dito kesa sa notebook mo! Charlo! Grabe naman anak! Kahit paminsanminsan, magdala ka naman ng make up kit kahit papaano. Talbog ka pa ng mga haliparot sa schools ngayong panahong toh. Tubig? Pagkain? May pera ba ka--"
"Paabot nga ng scotch tape. Ay. Packaging tape nalang." - Tyler.
Ginulo lang ni nanay ang buhok niya't natawa.
"Tyler!" Binigyan ko siya ng tingin at binatukan. "Ok na kami Nay. Papasok na po kami sa highschool. Hindi po nursery."
BINABASA MO ANG
Buhay Artista
Ficção AdolescenteDalawang batang napaglaruan ng tadhana. Mga batang...hindi nakapagdedesisyon para sa kanilang mga sarili. Aanhin ang kasikatan, kayamanan at ang buhay na puno ng karangyaan kung bawat kilos mo'y binabantayan ng sambayanan at pilit na tinatago ang tu...