Naranasan nyo na ba na mawalan ng minamahal?
Ako nga pala si Joseph
hindi ko alam kung paano ko iki-kwento ang aking sad love story
Noong highschool ako, habang nasa C.A.T. Training kami, lagi kong sinusulyap sulyap ang pinakamagandang babae sa buong buhay ko, ang pangalan niya ay Kathleen. Si Kathleen ay isang Cadet din katulad ko, lagi din syang muse sa kanilang klase,honor student at higit sa lahat singer din sya. Gusto ko nga sana siyang i-approarch pero nahihiya ako pero sa hindi inaasahan, nagkabangga kami sa canteen at natapon ang kanyang dalang iced tea.
Joseph: Sorry kung natapon yung iced tea mo?
Kathleen:Ok lang yun
Joseph:Uhm oo nga pala ako pala si Joseph Pascua.
Kathleen:Uhm Kathleen Dominguez,nice to meet you
Joseph:Nice to meet you too
Nung nagtagal, naging close friends kami ni Kathleen. Lagi kaming lumalabas para ma-get to know ko sya hanggang sa naging close kami ng todo, niligawan ko sya.
Joseph: Kathleen Dominguez, Can you be my girlfriend?
Kathleen: Yes, Definetly yes!
Tumalon sa saya si Joseph nung marinig niya ang matamis na oo ni Kathleen. Naging loyal si Kathleen kay Joseph at Naging loyal din si Jose kay Kathleen, maraming sweet memories na binuo at naging masaya sila dahil nahanap nila ang kanilang happiness sa isa't-isa. Sa hindi inaasahan, umabsent bigla si Kathleen sa school ng 1 month at hindi na pumasok sa school. Pumunta si Joseph sa bahay nila Kathleen at kinausap sya ng magulang nito.
Joseph:Nasaan po si Kathleen?
Kathleen's Mom: Hindi mo ba alam ?
Joseph:Opo,hindi ko alam kung anung meron po sa kanya
Kathleen's Mom: Merong leukemia si Kathleen, ilang buwan na lang ang kanyang itatagal sa mundong ito.
Joseph:Saan po siya naka-confine
Kathleen's Mom:Sa St.Louis Medical Hospital
Nagulat ako sa nalaman ko at hindi sya makapaniwala sa nalaman niya. Tumakbo siya sa hospital at pinuntahan ang kanyang room kung saan sya naka-confine.
Joseph: Bakit hindi mo sinabi sa akin kaagad?!
Kathleen: Ayokong mag-alala ka sa akin dahil ayoko na nakikita kang malungkot!(Umiiyak)
Joseph: Pero masakit yung itago mo pa ang sakit mo.
Kathleen: I'm sorry kung itinago ko pa ang sakit ko sayo dahil hindi ko kaya na nakikita ka na malungkot dahil sa akin!
Joseph:Huwag mo nang uulitin na mag-tago ka sa akin ng kung ano dahil nag-aalala din ako sa iyo.
Nagyakapan kaming dalawa noong oras na iyon. Laging kong binibisita si Kathleen every single day sa ospital, minsan doon na ako natutulog sa ospital dahil alam na niya na may taning na ang buhay ni Kathleen. Hanggang sa dumating na ang kinatatakutan ko.
Kathleen:Joseph, bago man ako mawala sa mundong ito, alalahanin mo pa din ako at ang moments nating dalawa kahit wala na ako sa mundong ito, huwag mo na akong hintayin at magmahal ka ng iba at mahalin mo siya katulad ng pagmamahal na ibinigay mo sa akin.
Joseph:Huwag kang magsalita ng ganyan!
Kathleen:Sorry Joseph, paalam na at mamimiss kita ng sobra-sobra
Hangang sa mawalan na nga ng malay ito
Joseph:KATHLEEEEEEEN!!!!!BAKIT MO AKO INIWAN?
Hindi ko na nga matanggap ang nangyari noong oras na iyon. 4 years passed, eto na ako ngayon single pa din at hindi ko kayang ipag-palit si Kathleen dahil siya lang talaga ang aking one and only girl sa aking puso.
