Simula noong pangyayaring iyon, natigil na ang mga bulaklak na ipinapadala para sa akin tuwing umaga. Aaminin ko na nakakadismaya ng kaunti pero hindi ko rin naman siya masisisi. Kamuntik ko na siyang mahuli at baka hindi pa rin talaga siya handa na magpakilala sa akin. Kung ano man ang takot o dahilan niya upang magtago sa mga bulaklak at anonymous messages, handa akong pakinggan ang lahat at kilalanin siya.
Noong ikinwento ko kay Kyle ang nangyari, gulat na gulat siya sa ginawa ko. Hindi naman kasi talaga ako ang tipo ng babae na ganoon ka-risk taker at ka-adventurous. Noon ay hinahayaan ko lang ang mga ganoong bagay, pero ngayon, kahit na hindi ko alam kung bakit ay talagang gustong gusto ko na mahanap at makita kung sino man ang lalaking palaging nagbibigay sa akin ng mga sunflower sa umaga.
Nasa coffee shop kami nila Kyle at Luis, naka-tambay lang dahil wala nang klase dahil ilang araw na lang ay graduation na namin.
"Baka naman kailangan mo lang talagang maghintay muna," sabi ni Luis sa akin. Simula nang maabutan ko ang lalaking iyon noong maglagay siya ng bulaklak sa upuan ko ay mas lalo pa akong naging mas curious sa pagkatao niya at mas lalong tumindi ang paghahanap ko sa kaniya. Palagi akong nag-aabang malapit sa gate para man lang matiyempuhan siya dahil panigurado ako na kahit na likod lang niya ang nakita ko ay makikilala ko pa rin siya. Hindi ba ganoon naman talaga kapag may hinahanap ka? Nararamdaman mo kung siya nga ba talaga ang hinahanap mo o hindi. Kaya positibo ako na balang araw ay mahahanap ko kung sino man siya.
"Isa pa girl, I'm sure anonymous siya for a reason. If talagang gusto niya magpakilala sa'yo, he would've done it agad agad," dagdag naman ni Kyle.
"But I'm dying to know him," sagot ko. "Kahit mag-thank you man lang ako. Gusto ko siyang makilala talaga, and I'm more eager than ever to know him. Lalo na ngayon na graduation na, baka mawala na ang chance na makilala ko siya."
"So, anong plano mo? Mag-aabang ka na naman tapos huhulihin mo?" tanong ni Kyle sa akin habang iniinom ang kape niya. Napabuntong hininga na lang ako sa tanong niya. Alam ko na sa ngayon ay lalong naging imposible ang mahanap siya, pero wala naman sigurong masama sa pagsugal.
Pagkatapos namin sa coffee shop ay humiwalay na ako kay Kyle at Luis dahil may naiwan ako sa classroom. Pagkatapos kong kuhanin ang folder ko ay aalis na dapat kaagad ako pero nagulat ako nang makita ko na mayroon na ulit sunflower sa upuan ko, at katulad ng dati ay may sulat ito.
Not now, but soon.
***
Makalipas ang ilang araw, graduation na namin. Hindi ko pa rin siya nakikilala, pero sa ngayon ang magagawa ko na lang ay maghintay na magpakilala siya sa akin. Kung sino man siya alam kong magpapakilala rin siya sa akin kapag handa na siya.
Katulad ng mga normal naming nakagawian tuwing mayroong ga-graduate sa amin, sa bahay muna kami nag-picture ng buong pamilya. Pagkatapos naming kumuha ng mga litrato ay sumakay na kami sa kotse ni Mommy at Daddy papunta sa school. SIlang dalawa ang sumama sa akin na umakyat at tumanggap ng mga academic awards ko. Binigyan rin ako ng bulaklak ni daddy, isang bouquet ng roses at sunflowers.
Pagkatapos ng seremonya ay kami naman nila Kyle ang nagsama-sama para mag-picture taking. Sumama na rin si Luis at ang iba pa naming mga kaibigan. Patapos na kami nang biglang lumapit sa amin si Dylan, na ngayon ko lang ulit makakausap matapos ang prom. Masiyado na rin kaming naging abala kaya hindi na rin kami madalas mag-usap. Idagdag pa rito na nahiwalay sila ng building sa amin kaya kahit si Kyle ay hindi ko na rin madalas makita sa school. Noon kasi ay magkatapat lang ang mga classroom namin.
"Hi, Benice. Congratulations!" bati niya sa akin paglapit niya sa amin nila Kyle. "Congrats din sa inyo, guys!" sabi niya sa grupo at pagkatapos ay nag-group hug kaming magkakaibigan.
Pagkatapos noon ay tinawag naman kami nila Daddy upang mag-picture. Kilala na rin nila si Dylan dahil nagpaalam rin pala ito sa kanila na i-date ako noong prom. Hindi ko rin ito agad nalaman kaya naman nagulat na lang ako noong banggitin ito sa akin ni Mommy noong nakauwi na ako.
"Congrats din, Dylan."
Ngumiti siya sa akin at napatingin sa hawak kong bouquet. "So, anong plano mo ngayon?" tanong niya sa akin.
"Well, magiging busy siguro ako ngayon dahil maghahanda ako para sa college."
"Ganoon ba? Mukhang ganiyan din nga ang mangyayari sa summer ko eh," natatawa niyang sagot sa akin. "Iba na talaga ang susunod na mundo natin." Sasagot pa sana ulit ako, pero tinawag na siya ng kaniyang mommy.
"O siya, una na ako ha? Congrats ulit!" nagmamadali niyang sabi sa akin.
Maya maya pa pagkatapos naming magpaalam sa mga kaibigan at kakilala, umalis na rin kami at dumeretso sa paborito naming restaurant para kumain. Kahit na masaya kaming nagkkwentuhan ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang taong palaging nagbibigay sa akin ng mga bulaklak.
Wala na ako sa school ngayon. Posible pa kayang makilala ko siya?
BINABASA MO ANG
Afraid to Fall
RomanceAfter being heartbroken by her boyfriend, Benice struggles to move on. She finds herself building walls to protect her own heart from being broken again by loving someone who will definitely just tear her apart, once again. But will she learn to ope...