~*~Cassey's POV:
Hindi ko na napigilang maglandas ang mga luha ko dahil sa kaligayahang nararamdaman ko ngayon.
Heto ako, nasa bisig ng taong mahal ko at matagal ko nang inaasam ang pagkakataong ito na magkaayos kami at magkausap bago man lang siya umalis dito sa Pilipinas.
Tama nga naman pati kasi na mahal niya pa rin talaga ako. Ramdam ko sa mga yakap niya ang pagkamiss sa akin ni Jasper.
"Aalis ka na sa Friday, gusto kitang ihatid."
Nakahiga kami at nakaunan ako sa mga braso niya.
Nostalgia! As in muling nanumbalik ang pakiramdam noong unang beses na nangyari ito na nakaunan ako sa mga bisig niya habang nag-uusap kami.
"Huwag na Cassey, baka maiyak lang ako sa
Airport. Magdadrama pa ako doon.""Pero gusto kong ihatid ka."
"Pero huwag na nga kasi. Hindi nga rin ako nagpahatid sa mga kapatid ko eh. Hayaan mo na lang na mag-isa lang ako na pumunta sa Airport kasama ko naman ang mga makakasama ko sa trabaho."
"Okay sige, mag-iingat ka na lang palagi doon ha. Iingatan mo ang sarili mo at huwag pababayaan. Basta mag-iingat ka ng maraming marami at hihintayin kita sa pagbabalik mo ha."
"Opo Mommy ko!" Muli niya akong hinagkan sa noo.
Napatitig ako sa mga mata niya at nasasalamin ko sa mga tingin niya ang purong pagmamahal.
Unti-unti niyang inilalapit ang mukha niya sa akin at naglapat ang aming mga labi.
Naramdaman ko ang maiinit niyang labi at halata sa mga halik niya ang pagkasabik sa akin.
Tumugon ako sa mga halik niya at hinayaan kong lumalim ang pinagsasaluhan naming halik.
"I love you Jasper. Mahal na mahal kita at salamat ha." Bulong ko sa kanya at niyakap niya ulit ako.
"Mahal na mahal rin kita Cassey! Sorry talaga. Hinding hindi ko na hahayaan na masaktan ka pa ulit nang dahil sa akin. Salamat rin dahil hindi ka nagtanim ng galit."
"Hindi naman ako nagalit sa ginawa mo, nauunawaan kita kung bakit mo nagawa ang mga iyon. Ah basta huwag mo na sanang uulitin ha. Kung hindi ay ipapa salvage na kita." Biro ko sa kanya dahil sobrang cheesy na ng usapan. Baka maiyak na naman ako.
"Tulog na tayo, maaga pa akong babalik sa Pasig bukas para ayusin ang mga gamit ko. Magpatugtog ka sa cellphone mo Mommy."
Kinuha ko ang cellphone ko at nagpatugtog ng mga kanta. Gusto kong pakinggan namin pareho ang kantang "Pusong Ligaw" at ang Wedding Version ng Kay Tagal Kitang Hinintay".
"Lord, salamat po sa pagkakataong ito na ipinagkaloob Ninyo po sa akin, higit pa sa hiling ko ang ibinigay Nyo. Kayo na po ang bahala sa kanya habang nasa ibang bansa po siya."
Piping panalangin ko at natulog na kami habang magkayakap.
Maaga kaming nagising ni Jasper dahil maaga ang pasok nila Ian at Jerick sa trabaho.
Lumabas ako ng kuwarto at nakita ko si Ian na nagkakape. Nagtimpla naman ng kape si Jasper sa kusina.
"Good morning Ma'am Sarah! Kape tayo. Pa-burger ka naman dyan! Ang ganda na ng mga ngiti mo oh, kayo ni insan. " Alok niya ng kape at may halong pang-aasar. Alam ko kung ano ang tinutukoy niya, na okay na ulit kami ni Jasper.
BINABASA MO ANG
Kay Tagal Kitang Hinintay
No Ficción"NO BOYFRIEND POLICY!" Ang pinaninindigang policy ni Cassey Laroza, isang masipag na mag-aaral at transferee mula sa Maynila kaya nang mag-aral sa probinsya ay marami ang humahanga sa kanya. Marami rin ang nais na manligaw pero pambabasted lang ang...